Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang dignidad ng paggawa

SHARE THE TRUTH

 962 total views

Mga Kapanalig, pagpupugay para sa ating mga manggagawa ngayong Araw ng Paggawa! Ngunit kumusta na nga ba ang mga manggagawang Pilipino?

Sa simula ng taóng ito, ayon sa Philippine Statistics Authority, 60 porsyento ng mga Pilipinong edad 15 pataas o ang tinatawag na “working age” ang tinatayang nagtatrabaho na. Ito po ang tinatawag na “labor force participation rate.” Sa resulta naman ng huling Labor Force Survey noong Hulyo 2016, lumabas na mahigit kalahati ng mga manggagawang Pilipino ay nasa services sector o mga trabahong nagbibigay serbisyo sa mga tao gaya ng pagtitinda, komunikasyon, transportasyon, pagtuturo, paglalapat ng lunas, at pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko. Sumunod naman rito ang mga nasa sektor ng agrikultura katulad ng mga mangingisda at magsasaka. Pinakakaunti naman ang mga nasa industriya gaya ng mga trabahador sa pabrika at pagawaan.

Sa isa pang naunang survey ng pamahalaan noong 2014, napag-alamang 3 sa 10 manggagawa (o 1.3 milyon sa kabuuang 4.5 milyon) ay non-regular. Kinabibilangan ang mga ito ng mga contractual o project-based, mga casual workers, at seasonal workers. Ang mga casual workers ay ang mga manggagawang may trabaho lamang depende sa pangangailangan ng isang negosyo, at seasonal workers naman ang mga manggagawang nakabatay sa panahon ng ating bansa ang trabaho. Kabilang naman sa mga contractual workers ang nae-empleyo sa ilalim ng end-of-contract scheme o “endo”, kung saan ang mga manggagawa ay may trabaho lamang sa loob ng limang buwan, at maaari silang i-renew sa loob ulit ng limang buwan (kaya’t tinatawag din itong “555”). At dahil hindi magiging regular ang mga “endo”, wala silang natatanggap na anumang benepisyo. Kung hindi sila matanggap muli pagkatapos ng limang buwan, mapapabilang ulit sila sa mga walang trabaho o unemployed.

Noong Marso, inilabas ng Department of Labor and Employment o DOLE ang Department Order 174, isang kautusang nagbabawal sa labor-only contracting at naghihigpit sa mga alituntunin sa pakokontrata sa mga mangggagawa. Ilan sa mga nilalaman ng kautusan ay ang pagpapaikli sa certification ng mga manpower agencies at pagpapataas ng kailangan nilang kapital at registration fee. Nariyan din ang paghihigpit sa paulit-ulit na pagkuha sa isang manggagawa sa loob ng maiikling panahon at pagkuha sa “cabo” upang magsaka, gayundin ang pagbibigay ng mga gawaing pang-regular na trabahador sa mga non-regular na manggagawa.

Dismayado ang ilang grupong manggagawa sa naturang kautusan dahil hindi raw nito lubusang tinatapos ang kontraktwalisasyon, bagkus ay binabawalan lamang ang ilang porma nito. Paliwanag naman ng kalihim ng DOLE, mangangailangan ng pag-amyenda sa ating mga batas sa paggawa upang tuluyang matuldukan ang kontraktwalisasyon.

Mga Kapanalig, mahalaga ang pagkakaroon ng trabaho ng isang tao hindi lamang upang matustusan ang kanyang mga pangangailangan kundi upang maitaguyod niya ang kanyang dignidad. Wika nga ni St. John Paul II sa Laborem Exercens, “mabuti ang paggawa para sa tao—mabuti para sa kanyang pagkatao—dahil sa pamamagitan nito, hindi lamang niya napapanibago at napagyayaman ang kalikasan… nakakamit din siya ang kanyang kaganapan bilang tao at sa isang banda, siya ay mas nagiging tao.”[1]

Malaki ang papel ng Estado sa pagtiyak na mayroong sapat na oportunidad para magkatrabaho ang mga mamamayan nito. Hindi po ang pamahalaan ang lilikha ng trabaho, bagkus, bilang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga mamamayan, tungkulin nitong kumikayat ng mga tao, grupo, o industriyang makapagbibigay ng mga trabaho at hanapbuhay. Higit sa lahat, tungkulin nitong magpatupad ng mga patakarang gagawing mas patas ang ugnayan ng mga nag-eempleyo at mga empleyado, gaya ng pagpapataw ng tamang buwis, pagtiyak sa wastong pagpapasahod, at paghahatid ng mga serbisyo sa mga manggagawa.

Mga Kapanalig, hindi nakabatay ang halaga ng paggawa sa kita o profit mula sa mga produkto o serbisyo. Ang dignidad ng paggawa ay nakaugat sa dignidad ng mga taong lumilikha at gumagawa.

Sumainyo ang katotohanan.

[1] Laborem Exercens #9 (Work is a good thing for man-a good thing for his humanity-because through work man not only transforms nature, adapting it to his own needs, but he also achieves fulfilment as a human being and indeed, in a sense, becomes “more a human being”.)

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pandaigdigang kapayapaan

 2,860 total views

 2,860 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 13,775 total views

 13,775 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 21,511 total views

 21,511 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 28,998 total views

 28,998 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 34,323 total views

 34,323 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pandaigdigang kapayapaan

 2,861 total views

 2,861 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diabolical Proposal

 13,776 total views

 13,776 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasayang Ng Pera

 21,512 total views

 21,512 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Crisis

 28,999 total views

 28,999 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 34,324 total views

 34,324 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagbabalik ng pork barrel?

 39,636 total views

 39,636 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mag-ingat sa fake news

 34,017 total views

 34,017 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 48,234 total views

 48,234 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sss Premium Hike

 61,452 total views

 61,452 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

3 Planetary Crisis

 53,367 total views

 53,367 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang Generation Beta

 56,549 total views

 56,549 total views Mga Kapanalig, ang mga isisilang simula ngayong 2025 hanggang 2039 ay kabilang na sa bagong henerasyon na kung tawagin ay Generation Beta.  Sinusundan nila ang mga Gen Alpha na ngayon ay edad 15 pababa (o mga ipinanganak umpisa 2010) at ang mga Gen Z na nasa pagitan ng 16 at 30 taong gulang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malusog na bagong taon

 57,948 total views

 57,948 total views Mga Kapanalig, isang linggo na tayong nasa bagong taon.  Anu-ano ang inyong new year’s resolution? Kasama ba ang pagda-diet at pagkain ng mas masustansya, pag-e-exercise o pagpunta sa gym, o pag-iipon ng pera? Anuman ang inyong resolution, sana ay nagagawa pa ninyo ito at hindi pa naibabaon sa limot. Kung may isang mainam

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Polusyon sa bagong taon

 56,291 total views

 56,291 total views Mga Kapanalig, hudyat ang bawat bagong taon ng pagsisimula ng sana ay mas mabuting pagbabago para sa ating sarili. Pero hindi ito ang kaso para sa ating kapaligiran. Nitong unang araw ng 2025, pagkatapos ng mga pagdiriwang, inilarawan ng IQAir bilang “unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang IQAir ay isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The End Of Pork Barrel

 64,933 total views

 64,933 total views Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel. Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paasa At Palaasa

 74,493 total views

 74,493 total views Kapanalig, 2025 na., isa kaba sa mga taong nagtataglay ng ugaling ito? Tuwing papasok ang bagong taon, tayong mga tao ay maraming gustong baguhin sa sarili…mga ugaling hindi kanais-nais, pisikal na kaanyuan, pakikitungo sa kapwa… kaaya-aya sana kung unang-una ang pagpapatawad. Kapanalig, ano ang mga “To do list” mo ngayong 2025? Kapanalig, napahalaga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top