Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 592 total views

Mga Kapanalig, narinig n’yo na ba ang latest na tsismis?

Marami sa atin ang madaling mapukaw ng mga kuwentong hindi pa napatutunayang totoo at kadalasan ay may halong malisya. Madali rin sa ilang tanggapin agad-agad ang mga kuwentong ito; wala nang pagsusuring ginagawa o pag-alam kung may batayan ba ang mga ito o pawang paninira lamang.

Sa isang panayam, pinaalalahanan ni Pope Francis ang mga mamamahayag o journalists na huwag hayaan ang kanilang sariling maging tagapagpakalat ng maling impormasyon, ng balitang walang basehan, ng tsismis. Pinayuhan niya ang mga itong huwag gamitin ang kanilang mga isinusulat bilang “weapon of destruction.” Ang mga mamamahayag, wika niya, ay hindi dapat maging mga instrumento ng pagpapalaganap ng takot sa tuwing nagbabalita sila ng mga pangyayaring gaya ng paglikas ng mga mamamayan mula sa kanilang bansa upang takasan ang matinding gutom at madugong digmaan. May mga tao kasi sa ibang bansa ang nagkakaroon na umano ng takot at pangamba sa pagdating ng mga refugees at migrants sa kanilang bansa, sa halip na isipin kung ano ang maaari nilang gawin upang kalingain ang mga ito.

Inihalintulad pa ni Pope Francis sa terorismo ang pamamahayag na nakabatay sa tsismis at nagpapalaganap ng takot. Sa isang matalinghanggang paraan, sinabi niyang ang pagpapakalat ng tsismis ay paraan ng pagpatay sa kapwa gamit ang mga salita. Mas malawak ang pinsalang nagagawa ng mga mamamahayag na nagpapakalat ng tsismis dahil mas marami ang naaabot ng kanilang mga ibinabalita.

Naniniwala si Pope Francis na bagamat mahalaga ang kritisismo at ang paglalantad ng mali sa ating lipunan, kailangan pa ring sang-ayon sa mga pamantayang propesyunal ang interpretasyon ng mga mamamahayag sa mga kaganapang kanilang nasasaksihan. Ang balita ay dapat na batay sa datos, hindi sa malisya. Ang balita ay dapat na ipinararating sa wikang nananatiling may paggalang sa kapwa, hindi sa paraang winawasak ang pagkatao ng mga pinatutungkulan.

Mga Kapanalig, ang panawagang ito ng ating Santo Papa ay magandang paalala hindi lamang para sa mga tagapagsulat at tagapaghatid ng balita kundi sa ating lahat. Ang pagpapakalat ng tsismis ay walang naibubungang maganda. Winawasak nito ang tiwala natin sa ating kapwa, at sinisira ang relasyon natin sa isa’t isa.

Nakalulungkot, mga Kapanalig, na tsismis din ang tila ba nangingibabaw sa pulitika natin. Nitong mga nakalipas na linggo, nasaksihan natin (at maasahan pa nating magpapatuloy) ang kaliwa’t kanang batuhan ng masasamang salita ng mga pulitiko upang siraan ang isa’t isa. Pati ang mga institusyong dapat na humuhubog ng mga patakaran ay nagagamit na upang wasakin ang pagkatao ng mga hindi kasundong opisyal o kaya naman ay upang isulong ang sariling agenda.
Tayong mga nakatatanggap ng balita sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, at internet ay dapat maging mapanuri. Makatutulong tayong ipagtanggol at pangalagaan ang katotohanan kung hindi tayo sasama sa mga nagpapakalat ng tsismis, ng mga balitang walang batayan, o ng mga impormasyong makasisira sa iba. Gaya ng mga mamamahayag, alamin din po natin ang totoo kapag may mga naririnig tayong kuwento o balita.

Sinasabi sa mga katuruang panlipunan ng Simbahan na isang mahalagang sangkap ng tinatawag na “lay spirituality” o espiritwalidad ng mga layko ay ang tinatawag na “prudence”, ang kakayahang pagnilayan kung alin ang tunay na mabuti at kumilos ayon rito. “Prudence” o mabuting pagpapasya ang hiningi sa atin sa panahon natin ngayon kung saan para bang nakalulunod ang dami ng impormasyong ating natatanggap. Kaakibat ng pagpapasyang ito ang pananagutan natin sa anuman ang kahihinatnan ng mga salitang ating sinambit at mga kuwentong ibinahagi sa iba.

Muli, mga Kapanalig, mapanganib po ang pagkakalat ng tsismis. Suriin ang mga naririnig natin, at maging responsable sa ating mga ibabahaging kuwento sa iba.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 24,660 total views

 24,660 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 36,377 total views

 36,377 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 57,210 total views

 57,210 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 73,707 total views

 73,707 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 82,941 total views

 82,941 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 24,661 total views

 24,661 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 36,378 total views

 36,378 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 57,211 total views

 57,211 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 73,708 total views

 73,708 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 82,942 total views

 82,942 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 73,732 total views

 73,732 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 81,791 total views

 81,791 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 102,792 total views

 102,792 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 62,795 total views

 62,795 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 66,487 total views

 66,487 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 76,068 total views

 76,068 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 77,730 total views

 77,730 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 95,061 total views

 95,061 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 71,044 total views

 71,044 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 63,902 total views

 63,902 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top