Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,250 total views

ASENSO TAYO

Homiliya Para sa Linggo ng Pag-akyat sa Langit, Araw ng mga Ina at Araw ng Pandaigdigang Komunikasyon, 12 Mayo 2024, Mark 16:16-20
Medyo overloaded ang dating ng Linggong ito: Ascension, Mother’s Day, at World Communications Sunday. Kaya pasensya na kung medyo overloaded din nang konti itong homily na ito. May tatlong punto: Ascension, Mother’s Day at Communication.

Ok. Simulan natin sa ASCENSION, na ang kahulugan ay hindi pag-akyat kundi pag-angat, sa Ingles LIFTING UP. Kaya siguro sa England, ang tawag sa elevator ay LIFT—something that makes you ascend. Ganyan din sa mga Frances at Espanyol: ascensor, ascenseur. Mula sa ibaba, pwede kang dalhin sa itaas, pero pwede ka ring ibaba mula sa itaas. Kaya siguro sa Filipino, naging larawan ang salitang ASENSO sa pag-angat ng kalagayan sa buhay—halimbawa, kapag ang dating gutom at hikahos ay guminhawa.

Sa ebanghelyo, sabi ni San Markos, “After he spoke to them, Jesus was lifted up into heaven and took his seat at the right hand of God.” Sa Gospel of John walang kuwento tungkol sa ascension, pero may mga linya kung saan nababanggit ang tungkol sa ascension. Halimbawa sa John 3:13, sinabi ni Hesus kay Nicodemus, “Walang umakyat sa langit maliban sa bumaba mula sa langit.”
Umasenso ba si Kristo nang umakyat siya sa langit kung doon din naman siya nanggaling? Hindi. Sino ba ang umasenso? Hindi ang pagka-Diyos niya kundi ang pagkatao natin ang dinala niya sa langit. Kaya umakyat sa langit ang Anak ng Tao ay dahil niloob ng Anak ng Diyos na bumaba sa lupa at magkatawang-tao. Sino ang umakyat? Ang Anak ng Tao. Sino ang bumaba? Ang Anak ng Diyos. Kay Kristo iisa lang ang dalawa. Kay Kristo naging iisang persona ang pagkaDiyos at PagkaTao: sa kanya natin nakilala ang Diyos na Totoo na nagingTaong Totoo.

Ang pag-angat ng Anak ng tao bilang Anak ng Diyos ay bunga ng PAGBABA ng Anak ng Diyos sa kanyang pagkakatawang-tao na bunga ng pagibig niya sa sangkatauhan.Ito ang bunga ng kenosis—nang umangat ang dangal ng tao dahil sa pagibig, nang bihisan ang ating mababang pagkatao ng mataas na dangal ng pagkaDiyos.

Dumako naman tayo ngayon sa MOTHER’S DAY. Araw ng Panrangal sa mga nanay natin. Hindi naman tayo pwedeng isilang sa mundo kung walang nanay na nagsilang sa atin. Kaya ang Mother’s Day ay Para sa lahat. Hindi lang ang mga nanay natin sa pagkatao ang pinararangalan natin, kundi pati na rin ang mga nanay natin sa pagka-Kristiyano: si Maria, ang Ina na nagsilang sa Anak ng Diyos. Kaya nga tinatawag natin siyang INA NG DIYOS. Kung may mga nanay tayo sa pagiging mga Anak ng Tao, may nanay din tayo sa pagiging mga kapwa Anak ng Diyos: Si Maria, ang Ina ng Panginoong Hesukristo, Ina ng nagdala sa Anak ng Diyos sa kanyang sinapupunan. Kaya siya tinawag na KABAN NG TIPAN: ang pagkatao at pagkaDiyos ay pinagkaisa sa kanyang sinapupunan. At ito rin ang dahilan kung bakit tinatawag natin siyang INA NG DIYOS.

Sa kanya tayo ipinagkatiwala ni Hesus, gayundin siya sa atin. Siya ang bagong Eba, Ina ng sangkatauhan, upang sa pamamagitan niya ay matutuhan nating ituring ang sangkatauhan bilang ating kapamilya, ang bawat kapwa-tao bilang kapatid—kahit hindi kadugo, kakulay, o kalahi.

Kaya dumako na tayo ngayon sa KOMUNIKASYON.

Ang sinumang tumanggap sa pananampalatayang Kristiyano ay dapat maging bukas na makipag-ugnayan sa lahat. Sabi ni Papa Francisco: TODOS, TODOS, TODOS—ibig sabihin, walang ineetsapwera, bukas sa lahat. Alam naman natin na sa likas nating pagkatao, maraming mga balakid o hadlang sa pagtatagpuan natin: dugo, kulay, relihiyon, salita, kultura, atbp. Mga aspeto ng pagkatao na madalas maging dahilan para ituring ang kapwa bilang IBA SA ATIN. Katulad ngayon, halimbawa, sa ating mga Pilipino. Dahil sa tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China tungkol sa usaping may kinalaman sa pangangamkam ng gubyerno nila sa mga teritoryo natin sa West Philippine Sea, naaapektuhan na tuloy pati ang relasyon natin sa mga Chinoy na kapwa natin Pilipino na nagkataon lang na may dugo o lahing Tsino. Ang dami nga sa atin mga Pilipino na Tsino ang apelyido pero Pilipino. Kailangan pag-ingatan natin na dahil sa reaksyon natin tungkol sa political tension sa pagitan ng mga gubyerno natin, ay baka maging racist naman tayo. Hindi tama iyon. Hindi naman ang mga Tsino ang katunggali natin kundi ang gubyerno nila at ang pambubully nito sa atin porke’t maliit lang tayo.

Ang kalaban natin ay sistemang imperyalista na walang paggalang sa ating kasarinlan. Nilabanan natin ang kolonyalismo ng Espanya, pero hindi natin kinamumuhian ang mga Espanyol. Nilabanan din natin ang imperyalismo ng Amerika, pero kaibigan pa rin ang turing natin sa mga Amerikano. Nilabanan din natin ang pananakop ng mga Hapon, pero hindi na kalaban ang tingin natin ngayon sa mga Hapon. Ganoon din sana sa usapin natin ngayon laban sa China—hindi mga Tsino ang kalaban natin kundi patakaran ng kanilang gubyernong nambubully sa atin.

Iangat natin ang ating dangal. Hindi tayo magkakalaban, tayong lahat ay magkakapatid. Tinawag tayong lahat na maging mga Anak ng iisang Diyos. At kung may nanay tayo sa lupa, may nanay din tayong makalangit upang ilapit tayo sa Anak ng Diyos na siya lang makapagtuturo sa atin na tayong lahat ay magkakapatid.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 32,966 total views

 32,966 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 83,529 total views

 83,529 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 30,486 total views

 30,486 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 88,709 total views

 88,709 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 68,904 total views

 68,904 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 658 total views

 658 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 658 total views

 658 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 659 total views

 659 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 656 total views

 656 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 1,528 total views

 1,528 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 3,730 total views

 3,730 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 3,764 total views

 3,764 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 5,117 total views

 5,117 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 6,214 total views

 6,214 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 10,436 total views

 10,436 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 6,159 total views

 6,159 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 7,529 total views

 7,529 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 7,790 total views

 7,790 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 16,483 total views

 16,483 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 9,194 total views

 9,194 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top