Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

At tuluyan na tayong naging bingi

SHARE THE TRUTH

 532 total views

Mga Kapanalig, sa kasagsagan ng pagpapatupad ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bukambibig ng mga suportado ang naturang patakaran na kung wala ka namang ginagawang labag sa batas, katulad ng paggamit ng iligal na droga, wala kang dapat ikatakot. Hindi ka dapat mangamba kung wala ka namang ginagawang mali. Hindi ka dapat matakot sa mga pulis kung wala ka namang itinatago.  

Gamitin natin ang mga katagang ito ngayon sa mga ipinagtatanggol ang dating pangulo mula sa imbestigasyong nais gawin ng International Criminal Court (o ICC). Sa pagsisimula ng kasalukuyang taon, inanunsyo ng ICC na muli nitong bubuksan ang imbestigasyon nito para sa mga posibleng “crimes against humanity” sa ilalim ng madugong giyera kontra iligal na droga ng nakaraang administrasyon.1 Una na itong inanunsyo noong 2018 pero pansamantalang inihinto noong 2021 matapos tiyakin ng gobyernong iniimbestigahan nito ang pagkamatay ng libu-libo nating kababayan habang ipinatutupad ang war on drugs. Hindi na lingid sa ating kaalamang karamihan sa mga biktima ay mahihirap at sangkot, kung totoo man, sa small-time na pagtutulak ng iligal na droga. Mahigit anim na libo ang namatay sa mga operasyong ginawa ng kapulisan, habang hindi naman mabilang ang mga pinatay ng mga hindi natukoy na suspek. 

Sa isang editoryal, tinalakay natin kung gaano kabagal at kakaunti ang mga kasong nabibigyan ng kalutasan. Ang pinakahuli ay ang kaso ng dalawang binatilyong pinatay ng pulis. Nahatulan ang nasa likod ng pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz and Reynaldo “Kulot” De Guzman matapos ang limang taon.2 Ito ba ang patunay na gumagana ang sistemang pangkatarungan sa ating bansa? Hindi kumbinsido ang ICC. 

Sa pagtutol ng ICC na ihinto nito ang imbestigasyon sa malawakan at sistematikong pagpatay sa mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga noong administrasyong Duterte, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr noong nakaraang linggo na tinutuldukan na ng gobyerno ang pakikilahok nito sa ICC. Pinuputol na nito ang ugnayan ng pamahalaan sa ICC. Hindi raw ito makikipagtulungan sa ICC dahil mistula itong panghihimasok at pag-atake sa soberenya ng ating republika.

Kung wala naman tayong itinatago, kung wala naman tayong ginagawang masama, bakit hindi hayaan ng gobyerno ang imbestigasyon ng ICC? Hindi ba ito makatutulong sa layunin ng pamahalaang pairalin ang katarungan sa ating bansa? Sinabi noon ng dating Pangulong Duterte na kailanman ay hindi siya nag-utos na patayin ang mga sangkot sa iligal na droga; bakit hindi niya ito patunayan sa ICC? 

Mainam na paalala sa ating mga lider ang binibigyang-diin ng ating Santa Iglesia na ang gobyerno ay isang instrumento upang itaguyod ang dignidad ng tao, pangalagaan ang mga karapatang pantao, at itatag ang kabutihang panlahat o common good. Tinatalikuran ng gobyerno ang mga tungkuling ito kapag ang pinoprotektahan nito ay ang interes ng iilan o iisang tao. Kung tunay nitong pinahahalagahan ang katarungan, hindi nito mamasamain ang mga hakbang na layong mailabas ang katotohanan, mapanagot ang mga umabuso sa kanilang kapangyarihan, at magawaran ng katarungan ang mga pinakaitan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili sa tamang proseso ng batas.  

Mga Kapanalig, sa madugong giyera kontra droga, buhay ng libu-libo nating kababayan ang pinag-uusapan—mga buhay na maaari sanang mabago upang maging produktibong miyembro ng ating lipunan, mga buhay na maaari sanang naisalba upang walang pamilyang mauulila. Patuloy ang sigaw para sa katarungan ng mga kababayan nating nawalan ng mahal sa buhay, mga mahina at ulila na ayon nga sa Mga Awit 82:3 ay dapat bigyan ng katarungan. Nakalulungkot na noon pa man, marami sa ating pinipiling takpan ang ating mga tainga nang hindi marinig ang kanilang pagtangis. Sa pagtalikod ng pamahalaang Pilipinas sa ICC, tuluyan na tayong naging bingi sa kanila.  

Sumainyo ang katotohanan.  

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,031 total views

 34,031 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,161 total views

 45,161 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,522 total views

 70,522 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 80,911 total views

 80,911 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,762 total views

 101,762 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,612 total views

 5,612 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,032 total views

 34,032 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,162 total views

 45,162 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,523 total views

 70,523 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 80,912 total views

 80,912 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,763 total views

 101,763 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 94,720 total views

 94,720 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 113,744 total views

 113,744 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 96,418 total views

 96,418 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 129,036 total views

 129,036 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 126,052 total views

 126,052 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top