Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong simula sa ating barangay

SHARE THE TRUTH

 12,868 total views

Mga Kapanalig, kumusta ang naging takbo ng eleksyon sa inyong barangay kahapon? Sana naman ay naging tahimik, maayos, at malinis ang pagboto sa mga uupo sa inyong pamahalaang pambarangay at sa Sangguniang Kabataan. Wala sanang naging aberya. Wala sanang naging dayaan.

Ang barangay ay tinatawag na basic political unit sa ating bansa. Ito ang pangunahing tagapagplano at tagapagpatupad ng mga programa ng gobyerno, kabilang ang paghahatid ng mga batayang serbisyo at mga proyektong dapat na pinakikinabangan ng mga mamamayan. Sa barangay din dapat naririnig ang boses ng mga tao, lalo na sa mga usaping direktang nakaapekto sa kanila, kabilang ang pag-aayos ng mga hidwaan at alitan ng mga magkakabarangay. Sa madaling salita, sa barangay nagsisimula ang demokrasya.  

Kumbaga sa isang barkong pampasahero, ang punong barangay ang tumatayong kapitan habang ang mga kagawad naman ang kanyang mga katuwang sa pagtitiyak na maayos ang kalagayan ng sasakyan at ng mga pasahero. Ang SK naman ang nakatutok sa mga kabataang sakay ng barko. Sa biyaheng ito, dapat na marunong ang kapitan at ang kanyang mga kasamahan sa pagtitiyak na tutungo sa tamang destinasyon ang kanilang mga nasasakupan. 

Ang kaibahan nga lamang, tayong mga pasahero ang pumili sa mga magiging kapitan ng sinasakyan nating barko. Tayong mga botante ang pumunta sa presinto upang isulat sa balota ang pangalan ng mga pagkakatiwalaan nating magpapatakbo ng ating barangay. Maaaring hindi nanalo ang pinili natin, ngunit kailangan nating igalang ang pinili ng mas nakararami. At kahit magkakaiba ang ating ibinoto, nananatili tayo sa iisang barko. Maglalayag ito sa gabay ng mga nanalo sa eleksyon.

Kaya naman, hindi natatapos sa pagboto natin kahapon ang pakikilahok natin sa ating barangay. Sa loob ng tatlong taon, pamumunuan ang ating barangay ng mga nanalong kandidato. Maikling panahon ito kung tutuusin ngunit maraming maaaring mangyari. Kaya mahalagang tinututukan natin ang mga may hawak ng manibela ng barkong sinasakyan natin—ang ating barangay.

Maaari ninyong sabihin, “Marami akong ibang pinagkakaabalahan. Wala na akong panahon sa pagbabantay sa barangay.” O kaya naman, “Mahirap madamay sa pulitika. Hayaan na lang natin silang mamuno.” Pwede ring, “Pare-pareho lang naman silang marurumi sa gobyerno. Basta bumoto na lang ako.”

Hindi masisisi ang ilan sa ating ganito ang pananaw sa pamamahala, ngunit mas marami pa rin sana sa atin ang pipiliing makialam sa gobyerno. Bakit? Dahil tayong lahat ay mga pasahero sa barkong kanilang minamaneho. Apektado tayong lahat—mabuti man o hindi ang pamamahala ng ating mga ibinoto.

May mga paraan naman upang alamin kung paano ginagampanan ng mga nasa pamahalaang barangay ang sinumpaan nilang tungkulin. Isa rito ang pagdalo sa barangay assembly. Isa itong mekanismo upang masuri ng mga mamamayan ang mga nagawa ng mga barangay officials. Ito rin ang pagkakataon para makapagmungkahi ang mga tao ng kapakipakinabang na mga programa at proyekto. Nagre-report din sa barangay assembly ang mga opisyal sa kanilang naging paggastos sa pondo ng barangay. Idinaraos ito dalawang beses taun-taon—isang araw sa Marso at isang araw sa Oktubre. Nasubukan na ba ninyong dumalo sa barangay assembly? Sa darating na taon, bakit hindi kayo dumalo sa pagtitipong ito?

Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Laudato Si’, sinabi ni Pope Francis: “local individuals and groups can make a real difference.” Ang pagbabagong ito ay maaari nating masaksihan sa ating mga barangay, kung tayo ay magtutulungan at kung tayo ay makikialam sa buhay ng ating barangay. “Tayong lahat ay bahagi ng isa’t isa,” wika nga sa Roma 12:5, kaya’t pakaisipin sana nating ang paglahok sa barangay—kahit man lang sa pagdalo sa barangay assembly—ay isang paraan ng pagmamalasakit sa isa’t isa. Maging bahagi sana tayo ng bagong simula sa ating barangay. 

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,556 total views

 44,556 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,037 total views

 82,037 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,032 total views

 114,032 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,759 total views

 158,759 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,705 total views

 181,705 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,810 total views

 8,810 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,312 total views

 19,312 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Prayer Power

 44,557 total views

 44,557 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,038 total views

 82,038 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,033 total views

 114,033 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,760 total views

 158,760 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,706 total views

 181,706 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 189,860 total views

 189,860 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 136,656 total views

 136,656 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 147,080 total views

 147,080 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 157,719 total views

 157,719 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 94,258 total views

 94,258 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »
Scroll to Top