52,660 total views
Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016.
Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan ang negatibong epekto sa kalikasan. Sa Pilipinas, ang pag-usbong ng green jobs ay naglalayong tugunan ang mga isyu sa environmental sustainability at climate change crisis.
Ang renewable energy sector, halimbawa, ay nag-aalok ng maraming oportunidad sa mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng solar, wind, at hydroelectric power, hindi lamang natin natutugunan ang pangangailangan sa enerhiya, kundi nababawasan din ang pagdepende sa mga fossil fuels na nakakapinsala sa kapaligiran.
Problema Kapanalig, tila hindi pa handa ang mga Pilipino na yakapin ang sinasabi ng pamahalaan na green jobs. Ang kakulangan sa kaalaman at kasanayan ay isa sa mga pangunahing balakid sa pagkuha ng mga trabahong ito.
Sa isinagawang pag-aaral ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang tinaguriang “booming green jobs” ay magdudulot ng 5.1-milyong trabaho sa taong 2025..Pero aminado ang TESDA na ang green jobs opportunities na magpapayabong sa kalikasan ay nangangailangan ng “green skills o specialized abilities”.
Upang matugunan ito, mahalaga ang patuloy na edukasyon at pagsasanay para sa mga manggagawa. Ang mga programa ng gobyerno at pribadong sektor na naglalayong magbigay ng skills training at edukasyon ay mahalaga upang matulungan ang mga Pilipino na makasabay sa mga pagbabago sa ekonomiya at mga bagong trabaho na ito.
Problema din Kapanalig upang makuha ang trabahong ito.. ang kakulangan ng imprastraktura at mga investors.
Sa kasalukuyan, umaabot sa 10-milyon ang mga manggagawang Pilipino na nagta-trabaho sa high-emissions sectors of electricity, gas, water, mining at manufacturing na kung saan sinasabi ng International Trade Union Confederation (ITUC) na kulang ang pagkilala sa karapatan ng mga manggagawa kaya isinusulong ng International Labour Organization ang unti-unting paglipat ng Pilipinas sa renewal energy.
Hindi lamang trabaho ang biyaya nito, kundi pati ang pagsulong ng isang mas luntiang at makabagong Pilipinas. Alinsunod ito sa biyaya ng trabaho, na nakasaad sa Gadium et Spes: When people work, they not only alter things and society, they develop themselves as well. They learn much, they cultivate their resources, they go outside of themselves and beyond themselves… these advances can supply the material for human progress.
Sumainyo ang Katotohanan.