Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bantayan ang Masungi Georeserve

SHARE THE TRUTH

 367 total views

Mga Kapanalig, minsan na nating tinalakay sa isang editoryal ang banta ng quarrying at pagmimina sa Masungi Georeserve. Pero nitong nakaraang linggo, naging mas agresibo ang mga nais sumakop sa naturang conservation area na nakatago sa kagubatan ng bayan ng Baras sa probinsya ng Rizal.

Tahanan ng mahigit 400 na uri ng mga halaman at hayop, ang Masungi Georeserve ay nakilala noong dekada ’90 dahil sa talamak na pangangamkam ng lupa roon, iligal na pagtotroso, at banta ng malaking pag-quarry at pagmimina. Taóng 2000 nang nasimulan ang rehabilitasyon ng kagubatan. Unti-unting tumubo at lumaki ang mga puno at halaman. Nagkaroon ng iba’t ibang hayop o wildlife. Ang pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan ay naging bahagi at naisapuso na ng mga tagapagbantay doon.

Taóng 2017 naman nang sinimulan ang proyektong Masungi Geopark sa pangunguna ni dating DENR secretary at yumaong conservation advocate na si Gina Lopez. Nilayon ng proyektong ma-rehabilitate ang halos 2,700 na ektaryang lupang kinalbo at sinira sa paligid ng Masungi Georeserve at tuluyang ipahinto ang deforestation sa lugar. Binuksan din ang georeserve sa mga bisitang nais magkaroon ng malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa conservation area.

Kaya naman, nakababahala ang balita nitong nakaraang linggo na may mahigit tatlumpung armadong lalaking nagpakilalang mga security guards ang nagkampo sa paligid ng Masungi. Nakumpiska ng mga pulis sa kanila ang labinlimang hindi lisensyadong baril. Ang presenya ng mga nagpakilalang guwardiya ay paglabag ng Republic Act No. 11038 o Expanded National Integrated Protected Areas System Act o NIPAS Act. Ngunit para sa Masungi Georeserve Foundation, na siyang nangangasiwa sa conservation site, tila akmang sasakupin ng mga armadong lalaki ang ekta-ektaryang lupa sa nasabing protected area. Gayunman, nang hingin ng foundation ang kanilang mga pangalan at contact numbers, tumanggi ang mga lalaki.

May kasunduan ang Masungi Georeserve Foundation sa pamahalaan para sa pangangasiwa ng lugar. Ngunit kung magtatagumpay ang mga nanghihimasok sa lugar at nais itong angkinin o buksan para sa mga mapanirang gawain katulad ng quarrying at logging, magiging malaking dagok ito sa proteksyon hindi lamang ng Masungi Georeserve kundi ng natitira pa nating mga kagubatan. Magiging malawak ang negatibong epekto nito hindi lamang sa mga karatig na komunidad kundi sa buong bansa lalo na’t nahaharap tayo sa matinding epekto ng climate change at walang patid na urbanisasyon.

Sa kanyang liham na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na ang anumang pinsalang ginagawa natin sa ating kapaligiran ay sumasalamin sa pagkasira ng ating relasyon sa Diyos at sa ating kapwa. Ang pinsalang ito ay nag-uugat sa maling pag-unawa natin sa pahayag ng Panginoon sa Genesis 1:28 kung saan winika Niya sa tao, “Magpakarami kayo at punuin Ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.” Ngunit ang hindi natin binibigyang-pansin ay ang katotohanang nasasaad sa na Genesis 2:15 na “inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y pagyamanin at pangalagaan.”

Sa patuloy na banta sa Masungi Georeserve, mukhang may mga puwersang handang masira ang ugnayang ito sa Diyos, tao, at kalikasan. Mabuti na lamang at nariyan ang mga nangangasiwa sa Masungi Georeserve, kasama ang matatapang na park rangers, na patuloy na nagmamalasakit sa kalikasan. Sa loob ng ilang taon, natulungan din nilang maiangat ang pamumuhay ng mga kalapit na komunidad.

Mga Kapanalig, dasal nating maging masigasig sana ang ating pamahalaan sa pagpapanagot sa mga tao at negosyong nais pagsamantalahan ang kalikasan. Bantayan natin ang mangyayari sa Masungi Georesrve.

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 4,863 total views

 4,863 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,450 total views

 21,450 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 22,819 total views

 22,819 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,506 total views

 30,506 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,010 total views

 36,010 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 4,864 total views

 4,864 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 21,451 total views

 21,451 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 22,820 total views

 22,820 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 30,507 total views

 30,507 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 36,011 total views

 36,011 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 43,455 total views

 43,455 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 79,001 total views

 79,001 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 87,878 total views

 87,878 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 98,956 total views

 98,956 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 121,365 total views

 121,365 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 140,083 total views

 140,083 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 147,832 total views

 147,832 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 156,003 total views

 156,003 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 170,484 total views

 170,484 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top