Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Brain drain at ang mga nars

SHARE THE TRUTH

 739 total views

Mga Kapanalig, ang mga nars ay maituturing na isa sa mga pundasyon upang maging matatag ang healthcare o pag-aabot ng serbisyong pangkalusugan sa isang bansa. Mahalaga ang kanilang papel sa paghahatid ng lunas sa mga pasyente at pagbibigay ng suporta sa pamilya ng mga naoospital. At hindi biro ang kanilang ginagampanang tungkulin, lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Kasama sila sa mga nasa frontline ng paglaban natin sa nakamamatay na virus. Pagód na pagód ang mga nars noong mga panahong iyon; may mga búhay pa nga ang naging kapalit ng kanilang paglilingkod. 

Ngunit hindi rin natin sila masisisi kung pipiliin nilang maging nars sa ibang bansa. Ito ang sinasabing sanhi ng kakulangan ng mga pampublikong ospital ng 4,500 na mga nars. Ayon iyan sa bagong kalihim ng Department of Health na si Dr Teodoro Herbosa. Mismong si Pangulong BBM na nga rin ang nagsabi sa isang pahayag na marami sa mga nakakausap niyang lider ng ibang bansa ang humihingi ng mas maraming nars na Pilipino. In-demand talaga ang mga nars mula sa Pilipinas. 

Ang isang nakikitang solusyon ni Secretary Herbosa ay ang pagbibigay ng temporary license sa mga nursing graduates na hindi umabot sa passing grade sa nursing licensure examination. Kumakaunti na nga ang kumukuha ng kursong nursing at gumagraduate dito, kakaunti lang din ang nakapapasa sa board exams upang maging ganap na nars. Halos kalahati lamang daw ng mga nursing board exam takers ang pumapasa, dagdag ng kalihim ng DOH. 

Bagamat mabuti ang intensyon ng plano ni Secretary Herbosa, nakikita ito ng ilang mambabatas bilang panandaliang remedyo lamang sa mas malalalim na problema sa sektor ng pampublikong kalusugan. Ang pagtatalaga ng mga nars na hindi nakapasa sa board exams ay nangangailangan ng masusing pag-aaral dahil buhay at kaligtasan ng tao ang nakataya. Bagamat ginagawa rin sa ibang bansa ang pag-hire ng mga hindi lisensyadong nursing graduates, dapat na isaalang-alang ng DOH ang kapakanan ng mga pasyente lalo na’t hindi pa rin tayo lubusang malaya sa banta ng COVID-19. Mungkahi rin ng ilang senador na tutukan ang kalidad ng pagtuturo sa mga nursing schools upang mas marami ang pumasa sa licensure exams. 

Kung nais nating manatili sa Pilipinas ang mga nars at mabawasan ang tinatawag na brain drain, dapat maipakita ng gobyernong pinahahalagahan nito ang mga nars. Paano natin sila makukumbinsing magtrabaho sa mga pampublikong ospital kung overworked sila? Paano sila maeengganyong manatili rito kung ang sahod naman nila ay kulang upang masuportahan nila ang kanilang sarili at pamilya? Paano nila pipiliing maging nars dito kung kulang ang mga benepisyong kanilang tinatanggap? Mananatiling kaakit-akit para sa ating mga nars ang mangibang-bansa kung mananatiling limitado ang mga oportunidad sa ating bansa upang magkaroon sila ng trabahong may dignidad at ng maayos na buhay. 

Ang paglilingkod ng mga bumubuo ng healthcare sector, kabilang ang mga nars, ay isang konkretong pagtugon sa tawag ng Panginoong kalingain ang mga maysakit. “Sapagkat ako ay nagkasakit at inyong dinalaw at inaruga,” wika nga ni Hesus sa Mateo 25:36. Ngunit hindi ito dapat umabot sa puntong mga nars na rin natin ang mismong magkakasakit at makararamdam na wala silang halaga. Gaya ng binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang mga manggagawa, kasama na ang mga nars, ay may karapatan sa isang trabahong nagbibigay-buhay sa kanila. 

Mga Kapanalig, nasa gobyerno na ang bola, ‘ika nga, kung paano mahihikayat ang ating mga nars na dito maglingkod. Bumuo na ang DOH ng isang advisory council para tugunan ang mga isyung hinaharap ng nursing profession. Maging magandang simula sana ito ng mas mataas na pagpapahalaga sa ating mga nars. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Agri transformation

 38,383 total views

 38,383 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 49,429 total views

 49,429 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »

Political Mudslinging

 54,229 total views

 54,229 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »

Buksan ang ating puso

 59,703 total views

 59,703 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 65,164 total views

 65,164 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 38,384 total views

 38,384 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 49,430 total views

 49,430 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 54,230 total views

 54,230 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buksan ang ating puso

 59,704 total views

 59,704 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 65,165 total views

 65,165 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tigilan ang karahasan sa kababaihan

 38,830 total views

 38,830 total views Mga Kapanalig, ngayong Nobyembre 25, ipinagdiriwang ang International Day to Eliminate Violence Against Women. Ginugunita ito sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 10398. Sa araw na ito, maging mas maláy sana tayo sa pamamayagpag ng iba’t ibang porma ng karahasan laban sa kababaihan. Maraming uri ang violence against women. Ilan sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,344 total views

 57,344 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Government Perks

 66,344 total views

 66,344 total views Kapanalig, 34-araw na lamang at ipagdiriwang na naman natin ang Pasko…Ang pasko ay dapat pagdiriwang sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesus… Pero sa mayorya ng mga tao sa mundo, ito ay panahon ng pagbibigayan ng mga regalo. Nawawala na ang tunay na diwa ng pasko, sa makabagong panahon, ito ay nagiging commercial na…hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 68,055 total views

 68,055 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 7,860 total views

 7,860 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 82,707 total views

 82,707 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 92,819 total views

 92,819 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 102,391 total views

 102,391 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 122,377 total views

 122,377 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 55,188 total views

 55,188 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top