Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Rosales, nagpahayag ng suporta kay Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 451 total views

Nagpahayag ng suporta at kagalakan si Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales para sa bagong Arsobispo ng Maynila na si Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ayon kay Cardinal Rosales buo ang kanyang tiwala kay Cardinal Advincula na magagampanan nito ang tungkulin bilang bagong pastol ng Arkidiyosesis ng Maynila sampung taon matapos na siya ay magretiro.

Naniniwala si Cardinal Rosales na mapagtatagumpayan ng bagong Cardinal mula sa Akidiyosesis ng Capiz ang bago nitong tungkulin sa tulong at suporta na din ng mga kaparian at mga layko sa Maynila.

“Salamat sa Diyos at nagkaroon ulit tayo ng namumuno sa Simbahang lokal sa Maynila, malaking bagay po yan sapagkat sa nakapahabang panahon ng kasaysayang lokal sa Maynila siya ay pang-33 at ako naman ay nakakasiguro sa kooperasyon ng mga Pari at ng mga Madre at mga Layko ay talagang bigay na total para kay Cardinal Joe Advincula.” Pahayag ni Cardinal Rosales sa panayam ng programang Caritas in Action.

Aminado si Cardinal Rosales na maaring hindi na kakailanganin ni Cardinal Advincula ang kanyang payo ngunit bukas siya sa pagbabahagi ng ano mang tulong o paggabay para sa bagong Kardinal.

“siguro mas marunong siya sa akin kumbaga sinabi ko lang sa kanya kung kakailanganin at may itatanong siya sa akin ay ibibigay ko sa kanya, at the moment naman eh wala pa.” ani Cardinal Rosales ng tanungin kaugnay sa kanyang mensahe para kay Cardinal Advincula kasabay ng pagdalo niya sa instilasyon nito noong ika-24 ng Hunyo.

Samantala, hinikayat naman ni Cardinal Rosales ang mga mananampalataya na suportahan ang mga programa ng Simbahan na naglalayong makatulong sa mga mahihirap.

Paniwala ng dating Arsobispo ng Maynila, napakalaki ng potensyal ng mga programa ng Simbahan at kinakailangan lamang ng ibayong suporta ng mamamayan upang mas marami pang maabot na mga mahihirap.

“Malaki pa ang future nito pagtulung-tulungan natin.”giit ni Cardinal Rosales na kilala din sa tawag na Lolo Dency.

Magugunitang si Cardinal Rosales ay nanungkulan bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila mula taong 2003 hanggang magretiro ito noong taong 2005.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 7,013 total views

 7,013 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,329 total views

 15,329 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 34,061 total views

 34,061 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,567 total views

 50,567 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,831 total views

 51,831 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 20,559 total views

 20,559 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 39,184 total views

 39,184 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top