Huwag mag-aksaya ng pagkain, paalala ng simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 100,479 total views

Pinalalahan ng Simbahang Katolika ang mamamayan na huwag mag-aksaya ng pagkain at gumawa ng pagtulong sa mga nagugutom lalo na ngayong Panahon ng Kuwaresma.

Ito ang inihayag ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT Pascual kaugnay sa suliranin ng Pilipinas sa mataas na bilang ng mga kabataang malnourished at mga pamilya na walang kakayanang kumain ng tatlong beses kada araw.

Kasabay ng paglulunsad ng grupong Scholars of Sustenance o SOS sa Pilipinas kung saan isa si Fr. Pascual sa mga pangunahing panauhin, sinabi nito na handa ang Simbahang Katolika na makipagtulungan sa gobyerno o iba’t-ibang grupo upang sugpuin sa suliranin sa pagkagutom.

“Alam natin nasa 30% ng mga bata ay malnourished, sila ay nasa 5 years old and below. [Dapat] mabigyan ng tugon ang kagutuman sa pamamagitan ng kawang-gawa ng iba’t-ibang sektor. Sa pamumuno ng gobyerno, nariyan ang Caritas Manila, nariyan din ang mga Corporate Foundation na pwedeng magtulong-tulong at maiwasan natin ang pagtatapon ng pagkain.” pahayag ni Fr. Pascual

Inihayag ng Pari na ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng kawang-gawa kung saan sa pamamagitan ng pag-aayuno o fasting ay maaring makatulong naman sa mga nagugutom.

“yung Almsgiving po ay isang napakagandang paraan ng pagbabalik loob sa Diyos at ibigay po natin ito sa mga Simbahan tulad ng Caritas Manila, na malikom ang inyong mga pondo o mga in kind [donations] at itulong po natin sa mga nagugutom at malnourished na mga bata sa panahong ito” paghihikayat ni Fr. Pascual.

Ipinaalala din ni Fr. Pascual ang naging pahayag ni Pope Francis laban sa ‘throw away culture’.

Magugunitang minsang sinabi ng Santo Papa na isang kahihiyan o pagmamalabis sa mga mahihirap ang pag-aaksaya ng pagkain sapagkat marami ang nagugutom at walang kakayanan na kumain ng sapat.

“Ang kagutuman at malnutrisyon ay hindi dapat nakikita sa isang sibilisadong bansa at sa isang Kristiyanong bansa tulad ng Pilipinas. kaya’t kailangan tayong magtulungan.”dagdag pa na paalala ni Fr. Pascual.

batay sa datos ng DOST- Food and Nutrition Research Institute, umaabot sa 1,717 metric tons ng pagkain ang nasasayang kada araw sa Pilipinas sa kabila ng aabot sa tatlong milyong mga Pilipino ang nakakaranas ng kagutuman o pagkain lamang ng isang beses kada araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 10,074 total views

 10,074 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 60,758 total views

 60,758 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 66,887 total views

 66,887 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 96,678 total views

 96,678 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 115,229 total views

 115,229 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 81,775 total views

 81,775 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top