Red-tagging kay Bishop Alminaza kinundena ng Living Laudato Si

SHARE THE TRUTH

 3,546 total views

Kinundina ng Living Laudato Si’ Philippines ang red-tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pamamagitan ng istasyon ng SMNI.

Sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag ay pinuna ng organisasyon ang maling paratang at pag-uugnay kay Bishop Alminaza na nagsusulong ng ideyolohiya ng mga komunistang grupo sa bansa matapos manawagan ng pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ang Obispo sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon sa LLS Philippines, ang patuloy na ginagawang red-tagging ng NTF-ELCAC lalo na sa mga indibidwal na may dalisay na intensyon at pagnanais na isulong ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.

“Living Laudato Si’ Philippines condemns the malicious and outright red-tagging of NTF-ELCAC agains Bishop Gerardo “Gerry” Alminaza of the Roman Catholic Diocese of San Carlos. NTF-ELCAC twisted the calls of Bishop Alminaza for peace and resumption of peace talks saying that this is a “mouthpiece” of the CPP-NDA-NDF. This is not the first time NTF-ELCAC issued such dangerous claims against leaders who want people-centered development and genuine change for all – humanity and ecology alike… Continued red-tagging of the NTF-ELCAC proves nothing but political shortsightedness and apathy to human-beings.”pahayag ng Living Laudato Si’ Philippines.

Ipinaliwanag ng organisasyon na walang masamang intensyon si Bishop Alminaza sa panawagang muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan at kalayaan lalo na ng mga matatandang political prisoners.

“As lay people of the church, LLS Philippines sees no threat or danger to Bishop Alminaza’s calls for peace and freedom of political prisoners, especially those who are elderly. This will intensify the peace negotiations between the armed revolutionaries and the Philippine government, putting a stop to a long, bloody revolt toward freedom.” Dagdag pa ng Living Laudato Si’ Philippines.

Tiniyak ng Living Laudato Si’ Philippines kay Bishop Alminaza ang suporata ng organisasyon sa kanyang mga adbokasiya at misyon.
Binigyang diin ng Living Laudato Si’ Philippines na kailangang mapanagot ang NTF-ELCAC kaugnay sa patuloy nitong ginagawang pagpapakalat ng mga maling impormasyon at red-tagging sa iba’t ibang indibidwal, mga kritiko ng pamahalaan at maging mga opisyal ng Simbahan na nagsusulong ng katarungan, katotohanan at kaayusan sa lipunan.

“We join the call of Bishop Gerry Alminaza for continued peace talks and the release of all political prisoners in pursuit of just and lasting peace that will lead to a systemic change in the country. NTF-ELCAC should be held accountable to falsifying statements such as this and for outright red-tagging of church people who fight for justice, truth, mercy and compassion. We must hold the line. There is no environmental justice without human rights!” Ayon sa Living Laudato Si’ Philippines.

Si Bishop Alminaza na siya ring vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace ay kilala sa kanyang aktibong mga adbokasiya at paninindigan kaugnay sa iba’t ibang mga usaping panlipunan partikular na sa pangangalaga ng kalikasan, pagkamit ng ganap na kapayapaan at paglaban sa kawalan ng katarungan sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,560 total views

 9,560 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 24,204 total views

 24,204 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,506 total views

 38,506 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,267 total views

 55,267 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,663 total views

 101,663 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top