168 total views
Pinuri at pinasalamatan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Missionaries of the Poor
sa napakagaling at makabuluhang pagbuo ng “The Messiah: A spectacular Jamaica Reggae musical of the greatest truth ever told” na tampok sa Star theater, Star city, CPP complex, Pasay city at iba’t-ibang school sa Metro Manila
at karatig lalawigan.
Namangha at natuwa si Cardinal Tagle sa galing at magandang presentation ng musical play na “The Messiah”
na nagpapakita ng pag-asa sa mga mahihirap at pagliligtas ni Hesus sa sangkatauhan.
Ayon kay Cardinal Tagle, magagaling ang cast ng musical play at mararamdaman mo ang inspirasyon at paghipo
sa bawat puso ng mga eksena at kuwento ng pagliligtas ni Hesus sa sanlibutan.
“No matter how often the story is told, no matter what form the story is presented to us, it never fails to touch us because it is about love, love eternal and it is never finish and it will continue and hopefully thru us the Messiah
will again become flesh in love, in concrete actions of love.”pahayag ni Cardinal Tagle
Mensahe ng Kardinal sa pamamagitan ng musical play ay maramdaman natin na hindi natatapos ang pagliligtas
ng Diyos at magpapatuloy ito sa pamamagitan ng ating mga kawanggawa at pagtulong sa mahihirap.
Sinabi ni Cardinal na napakaganda ng interpretasyon ng mga gumanap sa kani-kanilang mga karakter
na mga tauhan sa bibliya na ang bawat sayaw at pag-awit ay punong-puno ng pag-ibig.
“I really appreciate how the characters had been treated with so much compassion, so much love and mercy.
So let us give them a big hand, to father and the casts. Every movement, every dance, every note was done executed with love specially for the poor whom Jesus love. Thank you very much and congratulations”.
pasasalamat ni Cardinal Tagle
Pinuri ng Kardinal ang napakagandang musical play dahil naipakita ng Missionary of the Poor na mga mahihirap ang kanilang inspirasyon sa pagtatanghal.
Tinukoy ni Cardinal Tagle ang “The Messiah” ay pagpapakita ng pag-asa para sa mahihirap tulad ng naranasan
ng mga taga-Israel noon na sa kabila ng mga pagsubok ay umaasa silang ang Diyos ay mananaig at mangunguna para sa kanila.
“The Messiah… I am sure when you hear the word Messiah you associate it with the music of Handel…”
that beautiful piece of music that never fails to touch the hearts of viewers and listeners.
And now we will have another version of the messiah, but whatever version it is, its celebrates hope for the people
of Israel, a people subjected to a lot of trials and sufferings, the hope for new life was sustained by the dream that
one day God will intervene in their history.”mensahe ni Cardinal Tagle
Nilinaw ni Cardinal Tagle na ang totoong Messiah ay hindi ang Diyos na inaasahan ng mundo na magtatangi lamang para sa kanilang political at economical na kapangyarihan sa halip magtatangi sa kaharian ng katotohanan, katarungan, paggalang sa sangkatauhan, pakikiisa, pakikipagkasundo at kapayapaan.
Dagdag ng Kardinal, ang tunay na Messiah ay nagmamahal at kumikiling para sa mga taong simple at mahihirap.
“When God intervenes in human history in a final and definitive way, it would be through the Messiah..
A Messiah that is not like the one expected by the world. A Messiah not of political, economic and military might,
but a messiah that will inaugurate God’s kingdom, a kingdom of truth, justice, respect for human beings, solidarity, forgiveness, reconcilliation and peace. The messiah who is one with the poor and the simple.”
dagdag pahayag ng Kardinal
Kaugnay nito, personal na hinihikayat ni Cardinal Tagle na panoorin ang musical play lalu na ngayong kuwaresma upang lumalim ang pagkilala natin kay Hesus.
Bukod sa magandang aral, tinitiyak ng Kardinal na ang panunood ng “The Messiah” ay makakatulong tayo sa mga mahihirap, mga maysakit, mga inabandona na pinangangalagaan ng Missionaries of the Poor.
Mapapanood ang “THE MESSIAH Musical play” sa ika-18 ng Marso ganap na alas-dose ng tanghali at ika-19
ng Marso alas-siyete-y-medya ng gabi sa Star theater, Star city lungsod ng Pasay.
Maari din itong mapanood sa mga school shows sa ika-15 ng Marso, alas diyes ng umaga sa Manressa school Paranaque city, ika-16 ng Marso sa San Beda College at ika-17 ng Marso sa Malate Catholic school at St. Jerome Emiliani Institute, Bacoor, Cavite.
Ang mga beneficiaries ng musical play ng Missionaries of the Poor ay mga mahihirap na umaabot sa 30-libo
na kanilang kinakalinga at para sa pagpapatapos ng Divine Mercy Apostolate Center sa San Andres Bukid,
Sta. Ana Manila.