Caritas Manila, nakahanda sa tag-ulan at La Nina

SHARE THE TRUTH

 222 total views

Handang-handa ang Caritas Manila sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan at pinangangambahang pagtama ng La Nina phenomenon sa Pilipinas.

Sa isinagawang Caritas Network Meeting sa Diocese of Novaliches, tiniyak ng Social Arm ng Archdiocese of Manila na may nakahanda silang mga relief goods at relief items sa anumang emergency situations na idudulot ng tag-ulan.

Binigyan diin Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Father Anton CT Pascual na tutugon ang kanilang hanay sa loob ng 24-oras sa panahon ng pangangailangan ng mga apektadong na apektado ng kalamidad.

“Importante na we can respond within 24 hours” wika ni Fr.Pascual

Sa datos ng Caritas Manila Disaster Risk Reduction and Management Program o Caritas Damayan, mayroon silang naka-imbak na mahigit sa isang libong relief goods, 934 na hygiene kits, 500 mga trapal at halos isang libong thermos na nakahanda para sa anumang pangangailangan kapag may naganap na kalamidad.

Inaasahan na dahil sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan ay posibleng makaranas ng 7 hanggang 17 mga bagyo ang bansa bago matapos ang taon.

Sa kasalukuyan, pina-igting na ng Caritas Manila ang pagpapalaganap ng kaalaman sa paghahanda sa lindol, mga kalamidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga informational flyers at informational video sa pakikipagtulungan ng Radyo Veritas.

Magugunitang ang Metro Manila ay nahaharap sa banta ng malakas na lindol dahil sa west valley fault na maaring magdulot ng pinsala sa may 3.15 milyong katao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,601 total views

 13,601 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,245 total views

 28,245 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,547 total views

 42,547 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,249 total views

 59,249 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 105,043 total views

 105,043 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 26,629 total views

 26,629 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top