282 total views
Magsasagawa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care ng “health intervention” para sa mga naapektuhan ng magnitude 6.7 na lindol sa lalawigan ng Surigao.
Ayon kay Rev.Fr. Dan Cancino, executive secretary ng komisyon, makikipag-ugnayan ang kanilang grupo sa Department of Health para magsagawa ng “psycho-social support at Water Sanitation and Hygiene o WASH na isa sa mga pangunahing pangangailangan ngayon ng mga biktima.
Aminado Si Father Cancino na hindi biro ang epekto ng lindol sa kaisipan ng mga biktima lalo na sa mga bata kaya naman nais nila itong pagtuunan ng pansin.
Makikipag-ugnayan din si Father Cancino sa Diocese na nakakasakop sa nasabing lalawigan upang matulungan ito sa pagsasagawa ng assessment.
“Yung tutukan naming yung mental health o psycho-social support saka yung WASH,dun muna tayo sa Cathedral, titingnan natin yung mga reports saka sa NDRRMC saka sa region 9 ng DOH, meron na tayong mga medicines at may na-contact tayong medicial personnel to help doon [Surigao].” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Damay Kapanalig.
Una ng nagpahayag ng panalangin si Surigao Bishop Antonieta Cabajog para sa mga biktima ng lindol sa kanilang lalawigan habang nagsasagawa na ng pagkilos ang Caritas Manila at Caritas Philippines para makatulong sa mga mamamayan.
Read: http://www.veritas846.ph/call-donations-victims-6-7-magnitude-earthquake-surigao-del-norte/
http://www.veritas846.ph/pagbangon-katatagan-pagdadamayan-ng-mga-biktima-ng-lindol-ipinagdarasal-ng-mga-obispo/
Sa datos ng NDRRMC, aabot sa 1,400 kabahayan ang naapektuhan ng lindol sa Surigao habang nasa 7- na ang naitalang nasawi at mahigit 200 ang nasugatan.