Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,650 total reads

Kapanalig, narinig mo na ba ang mga katagang “circular economy?” Alam mo ba kung ano ito?

Ang circular economy ay isang economic system na dinisenyo upang magamit ng lubusan ang mga resources na ating kinukuha sa kalikasan at maiwasan pa ang pagsasayang at pag-aaksaya. Maraming Filipino ang hindi alam kung paano ba ang circular economy in action at kung gaano ito kahalaga sa mga bansang gaya ng sa atin.

Sa circular economy, kapanalig, ang paggawa ng mga produkto ay naka disenyo upang paulit ulit magagamit – wala silang end of life cycle. Ang mga produkto, maaaring ma-reuse, ma-upcycle, ma-recycle, o marecover ang mga sangkap para magamit muli sa ibang produkto.

Napakgandang konsepto ito dahil radikal itong kumokontra sa umiiral na “throwaway mentality” sa ating lipunan. Nabanggit ito ni Pope Francis sa Laudato Si. Ayon nga sa kanya, ang throwaway culture ay tinatrato ang lahat ng bagay bilang basura. Gamit lamang tayo ng gamit at kuha ng kuha lamang sa kalikasa na walang pasubali at pakialam sa kabutihan ng ating nag-iisang planeta.

Maraming benepisyo ang ating makukuha kung ating lamang maisasabuhay ang circular economy sa ating bansa. Unang una, mababawasan ang ating basura. Tinatayang umaabot sa 21 million  metric tons ang basurang nalilikha sa ating bansa kada taon, kapanalig. Halos kalahating kilo ang basura ng bawat Filipino sa ating bansa kada araw.

Bawas din ang air at water pollution sa ating bayan, kapanalig, sa circular economy. Sa ngayon, ang bansa natin ay isang sachet economy pa. Tinatayang gumagamit tayo ng 163 milyong piraso ng sachet kada araw – at halos lahat yan, pag nagamit na ang laman, tinatapon lamang natin. Tinatayang mga 20 porsyento nito ang napupunta sa ating mga katawang tubig. Ang iba naman, sinusunog, kaya’t ang hangin naman ang dinudumihan.

Sa ngayon, marami nang mga batas ang mai-uugnay sa circular economy sa ating bansa at meron nang Philippine Action Plan for Sustainable Consumption and Production. Ang ASEAN naman ay bumuo na ng Framework for a Circular Economy upang mabigyang gabay ang mga kasapi nito upang kanilang matiyak ang resiliency, resource efficiency, at sustainable and inclusive growth. Ang kailangan na lamang ay mapalawig ito at magkaroon ng aktibo at kongkretong aplikasyon sa ating bansa.

Dasal natin na sana nga’y ating mapraktis ang circular economy sa ating bayan. Ito ay isang malaking  ambag para matiyak na buhay at luntiang daigdig pa rin ang ating maiiwan sa mga susunod na henerasyon.

Sumainyo ang Katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 7,933 total reads

 7,933 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 20,081 total reads

 20,081 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 60,845 total reads

 60,845 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 94,972 total reads

 94,972 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 151,378 total reads

 151,378 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 20,082 total reads

 20,082 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 60,846 total reads

 60,846 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 94,973 total reads

 94,973 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 151,379 total reads

 151,379 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top