Disaster Risk Reduction and Management

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 771 total reads

Paka-isipin kapanalig: ang ating bansa ay nasa typhoon belt at Pacific Ring of fire. Ibig sabihin nito, karaniwang 20 hanggang 22 na bagyo ang dadaraan sa ating bansa kada taon. Kung base sa ating karanasan, karaniwang lima sa mga bagyong ito ay mapanira o destructive. At dahil tayo ay nasa Pacific Ring of Fire, ang mga lindol at pagsabog ng bulkan ay karaniwang ding nangyayari. Sa ngayon, 23 active volcanoes ang regular na mino-monitor ng PHIVOCS. Kaya nga sa isang bansa gaya ng Pilipinas, ang disaster risk reduction and management (DRRM) ay napakahalaga.
Ayon sa UN Office for Disaster Risk Reduction o UNISDR, ang DRRM ay naglalayong bawasan o paliitin ang pinsala na dala ng mga natural na sakuna gaya ng lindol, baha, tagtuyot, at bagyo sa pamamagitan ng pagpapalawig ng etika/ethics ng prebensyon. Oo, kapanalig, hindi lamang rescue and relief, kundi PREBENSYON.

Kapanalig, ang prebensyon ng disaster ay depende sa ating mga “choices” o pagpili. Halimbawa, kapag alam mo na aktibo ang isang bulkan, hindi tayo dapat tumira at maghanapbuhay sa mga danger zones nito. Kahit pa may mga senyales na malapit na pagsabog ng bulkan at inaakala natin na may panahon pa tayong tumakbo, lumalaki lalo ang risk ng pinsala; sa halip na walang disaster na mangyayari, nagkakaroon tuloy dahil hindi natin inaayon ang ating mga choices o pagpili sa natural na kalagayan ng ating kapaligiran. Halimbawa ay ang Mayon Volcano kapanalig. Ito ay may 6-kilometer permanent danger zone. Sa lugar na ito, maaring magkaroon ng mga pagsabog na mahirap i-predict o iforecast, pero dinadayo pa rin ito lagi ng mga turista at lokal na mamamayan.

Isa pang halimbawa, kapanalig, ay ang landslide. Maraming lugar sa ating bansa ay prone sa landslide dahil maulan sa ating bayan. Hindi na ito bago, ngunit lalo itong nagiging mas maigting dahil sa kawalan ng puno, mas mabilis na urbanisasyon, at paglawak ng mga residential areas na umaabot na sa mga lugar na maaring gumuho. Kung maalala niyo ang mudslide sa Guinsagon, Leyte noong 2006, kapanalig, kung saan 1.2 billion cubic meters ng putik at bato ang gumuho at tumapal sa 300 hektarya land area. 1,500 tao ang namatay ngunit pagkatapos ng sakuna, marami pa rin ang bumalik sa lugar na iyon upang manirahan ulit, kahit pa may risk pa rin ng pag-guho ng lupa.
Kapanalig, ang prebensyon ng disasters ay hindi lamang nakasalalay sa lokal at nasyonal na gobyerno. Ito rin ay nakasalalay sa atin. Ilang beses na ba nating narinig sa mga barangay na hirap sila mag-evacuate ng tao dahil ayaw nila mismo sumunod kahit na naka-ambang na ang disgrasya?

Ang prebensyon kapanalig ay isa ring mensahe ng pag-ibig. Ikalat natin ito. Ang prebensyon ay isa ring responsibilidad. Ito ay nagsasalba ng ating kapwa. Ang Caritas in Veritate ay may hamon ukol sa duties o obligasyon, at ng kaugnayan nito sa ating buhay at pakikipag-kapwa: “Many people today would claim that they owe nothing to anyone, except to themselves. They are concerned only with their rights, and they often have great difficulty in taking responsibility for their own and other people’s integral development. Hence it is important to call for a renewed reflection on how rights presuppose duties.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,075 total reads

 11,075 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 45,980 total reads

 45,980 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 82,462 total reads

 82,462 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 100,674 total reads

 100,674 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 184,434 total reads

 184,434 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,078 total reads

 11,078 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 45,983 total reads

 45,983 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 82,465 total reads

 82,465 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 100,677 total reads

 100,677 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top