Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 762 total views

Mga Kapanalig, tradisyon na ng maraming Katolikong Pilipino ang paghahanda ng noche buena pagpatak ng alas-dose sa araw ng Pasko. Naglalaan tayo pera, panahon, at pagod para may mapagsaluhan ang pamilya. Bagamat wala ito sa Bibliya o sa mga turo ng Simbahan, marami ang nakararamdam ng diwa ng Pasko kapag mayroon silang handang mapagsasaluhan ng pamilya. Kaya hindi naman siguro masamang maghangad ng masarap at disenteng handa ngayong Pasko.

Ayon sa Department of Trade and Industry (o DTI), tumaas ng 10% ang presyo ng karamihan ng mga produktong kadalasang ginagamit sa pagluluto tuwing bisperas ng Pasko. Sa inilabas na price list para sa mga konsyumer, ipinakita ng DTI kung anu-ano ang kayang bilhin ng isang pamilya sa halagang 500 piso. Nakatanggap ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang ahensya matapos nitong sabihing kasya naman daw ang 500 piso para sa noche buena ng isang pamilyang may apat hanggang limang miyembro. Mapagkakasya naman daw ang 500 piso para sa spaghetti sauce, fruit cocktail, condensada, tinapay, keso, at hamon. Sinabi pa ng ahensyang diskarte lang daw ang kailangan, gaya ng pagbili ng mga bundled items at ng paggamit ng ketchup sa halip na spaghetti sauce. Wala pa sa listahan nila ang mantika at iba pang pansahog gaya ng sibuyas na hanggang ngayon ay sobrang mahal pa rin.

Nakalulungkot na ang mga nagsasabing kayang makapaghanda ng noche buena sa kakarampot na halaga at nagpapaalala sa ating matutong dumiskarte ay mga hindi nakararanas ng pagkalam ng sikmura, hindi nakatatanggap ng mababang pasahod sa trabaho, at hindi napipilitang bumili ng tingi-tingi. Out of touch na nga yata sa tunay na buhay ang karamihan ng mga taong nasa gobyerno. Sasapat nga ba ang limandaang piso para sa nakabubusog na handa ng isang pamilyang may limang miyembro? Tila insulto ito para sa mga ordinaryo at mahihirap na pamilya. Tila ba ipinakikita nitong kung hindi man mababa ang tingin ng mga nakaupo sa gobyerno sa mga mamamayan, napakalayo ng kanilang estado sa buhay sa tunay na karanasan at realidad ng mga ordinaryong Pilipino. Layunin man ng DTI na makatulong at makapagbigay daw ng ideya para sa noche buena, mas lumalabas ang pagiging manhid nila sa tunay na kalagayan ng maraming Pilipino.

Ang pamahalaan ang dapat na unang magkaroon ng kamalayan sa karanasan ng mga mamamayan. Paano maitataguyod ang dignidad ng mahihirap kung wala man lang pagsisikap na katagpuin at lubusang intindihin ang kanilang kalagayan? Paano tataas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino kung ang ibinibigay ng mga ahensya ng pamahalaan ay mga turo tungkol sa pamamaluktot kapag maikli ang kumot sa halip na pangmatagalang solusyon sa paghihigpit sa sinturon ng mga Pilipino?

Sa Catholic social teaching na Evangelii Gaudium, tinatawag ang bawat indibidwal at komunidad na maging instrumento ng Diyos sa pagpapalaya at pagtataguyod sa mahihirap upang maging ganap silang bahagi ng lipunan. Kaakibat nito ang pagkakaroon natin ng kababaang-loob upang makinig sa mga daing ng mahihirap at ng sigasig sa pag-aabot sa kanila ng tulong. Gobyerno sana ang nangununa rito.

Mga Kapanalig, mahalagang tungkulin ng pamahalaan ang pagtugon sa problema ng kahirapan sa ating bansa, kaya’t marapat lamang na may pakialam at kumikilos ang ating mga lider. Bagamat mas mahalaga sa ating kasama natin ang mahal natin sa buhay sa bisperas ng Pasko, karapatan ng bawat mamamayang Pilipino na magkaroon ng disenteng pagkain hindi lamang ngayong Pasko kundi araw-araw. Gayunpaman, punuin natin ng pag-asa ang ating mga puso ngayong Kapaskuhan, gaya ng sabi sa Mga Awit 34:6, “nagalak ang aping umasa sa kanya, ‘pagkat ‘di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila’y iniligtas sa hirap at dusa.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,543 total views

 29,543 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,260 total views

 41,260 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,093 total views

 62,093 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,513 total views

 78,513 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,747 total views

 87,747 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 29,544 total views

 29,544 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,261 total views

 41,261 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 62,094 total views

 62,094 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 78,514 total views

 78,514 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 87,748 total views

 87,748 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 74,130 total views

 74,130 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 82,189 total views

 82,189 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 103,190 total views

 103,190 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 63,193 total views

 63,193 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 66,885 total views

 66,885 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 76,466 total views

 76,466 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 78,128 total views

 78,128 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 95,459 total views

 95,459 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 71,442 total views

 71,442 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 64,300 total views

 64,300 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top