138 total views
Homily
HIS EMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE 31st National Migrants Sunday
San Jose Manggagawa Parish, Tondo, Manila.
Minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, tayo po ay magpasalamat sa Panginoon sa pagsapit ng unang Linggo ng Kuwaresma at tayo po ay magkakasama. Siya po ang nagtipon sa atin upang sa pakikinig sa salita ng Diyos, sa pagsasalo natin sa eukaristiya at sa pagsama-sama natin bilang sambayanan, tayo po ay magpanibago, mabago niya bilang kanyang katawan dito sa ating parokya at sa atin din pong bayan.
Ngayon po ay ipinagdiriwang din natin ang Migrants Sunday, palagay ko naman bawat Filipinong pamilya ay mayroong isa, dalawa na kamag-anak na ngayon ay migrante, nagta-trabaho sa ibang lugar sa ibang bansa.
Pero dumarami rin ang internal migrants, hindi naman pumupunta sa ibang bansa kundi galing din sa Pilipinas pero pumupunta sa ibang siyudad, sa ibang probinsiya. Lalo na po sa malalaking siyudad katulad po ng Manila, marami po dito migrante galing sa mga probinsiya, at ito rin ay dapat tutukan ng Simbahan hindi lamang yung migrante sa labas o yung taga-ibang bansa na pumupunta sa atin yung internal migrants minsan katulad ng mga external migrants, sila rin ay litung-lito, nag-iisa at sila ay vulnerable.
Magnilay po tayo sa mga pagbasa. Ang apatnapung araw ng kuwaresma ay paghahanda natin para sa muling pagkabuhay. Minsan aktibo tayo sa kuwaresma, aktibo tayo sa Huwebes Santo, Biyernes Santo , Sabado Santo pagdating noong muling pagkabuhay parang kakaunti na. Ito ngang kuwaresma ay paghahanda para sa bagong buhay. Si Hesus ay nag-alay ng sarili at muling nabuhay para tayo magkaroon ng bagong buhay. Kung maalala po ninyo sa Linggo ng muling pagkabuhay, may binyag na magsasariwa ng ating pangako sa binyag, patay na sa kasalanan pero buhay sa Diyos.
Iyan ang pinaghahandaan natin bilang binyagan, papaano tayo sasama kay Hesus sa kamatayan, pero papaano rin tayo sasama kay Hesus sa buhay na para sa Diyos. Patay sa kasalanan buhay sa Diyos, patay sa kasalan nabuhay sa Diyos. Iyong kabaligtaran patay sa Diyos buhay sa kasalanan. Hindi yun kaya naghahanda tayo, ang mga pagbasa po natin ngayon ay magandang gabay para mamatay sa kasalanan at mabuhay para sa Diyos.
Tungkol po sa tukso na umuuwi sa kasalanan, ang mga pagbasa noong bata ako may kanta, kayrami ng winasak na tahanan, kayrami ng matang pinaluha, kayrami ng pusong sinugatan O, tukso layuan mo ako. Parang ngayon iba na, O tukso narito ako.
Tama yung noon o tukso layuan mo ako, get behind me satan. Pero minsan dahil sa ating kahinaan, O tukso hablutin mo ako. Tayo po walang puwedeng magmalinis, lahat tayo natutukso, si Hesus nga tinukso. Sa unang pagbasa nakikita natin ang misteryo ng tukso at ng kasalanan. Kapag mayroong nagsabi na kaya kong ipaliwanag ang tukso at kasalanan, hindi nagsasabi yun ng buong katotohanan. Isang malalim na misteryo ang tukso at kasalanan.
Tayo mismo ay hindi natin maipaliwanag bakit ba tayo naaakit sa isang bagay na alam naman natin na masama. Bakit ba yung mabuti parang hindi attractive, pero bakit yung masama parang walang ka-effort-effort ikaw ay nama-magnetized? Bakit nagagawa ng isang tao sa kapwa-tao ang alam naman niya na masama? Bakit nagagawa natin sa iba ang ayaw natin na gawin naman nila sa atin? Misteryo, nakapag-miteryoso.
Pero may kaunti tayo nauunawaan sa unang pagbasa, sabi ng ahas, totoo ba na pinagbawalan kayo ng Diyos na kumain sa bunga ng lahat, nang puno dito sa hardin. Ganyan nagsisimula ang tukso, isang simula ng tukso ay exaggeration.
Ganyan ang ahas exagerrated, wala namang problema gumagawa ng problema, pinalalaki, biruin niyo ang sabi lang naman ng Diyos dito sa isang puno, ito lang huwag kayong kakain diyan pero nag-exaggerate ang ahas, totoo ba na pinagbawalan kayo sa lahat ng puno? Pero matalino yung babae sabi niya hindi, ang sabi ng Diyos ito lang isang puno at kapag kumain kami niyan mamatay kami.
Sabi naman ng ahas hindi kayo mamamatay, alam niyo ba kung bakit kayo pinagbawalan ng Diyos, kasi kapag kumain kayo ng bunga ng puno ng kaalaman, nang knowledge, kaalaman ng mabuti at masama kayo ay magiging Diyos. At naging attractive ang bunga, kayo’y magiging Diyos, hindi na lang kayo tao, ga-graduate na kayo sa pagiging tao, magiging Diyos kayo.
Ang tukso ay isang ilusyon, ang tukso pinipilit tayong magsinungaling, hindi ka tao Diyos ka! Wala kang limitasyon kaya mo lahat, wala kang kahinaanan, kaya mo lahat. Diyos ka ! at natukso pero nung kinain nila hindi naman sila naging Diyos. Napuno sila ng kahihiyan.
Sa pagtatangka nila na maging Diyos, yung tunay na Diyos gusto nilang burahin na hindi na ikaw ang Diyos ako na ang Diyos, ako na ang masusunod, hindi ikaw ang magsasabi sa akin ng gagawin ko ako na ang Diyos. Ang tukso pinipilit tayong alisin ang Diyos at palitan siya ako na ang Diyos. Ano pa man ang kasalanan nasa ugat iyan ang pagpapanggap na ako ay Diyos. At sabi nga po ni San Pablo sa ikalawang pagbasa sa kanyang sulat sa mga taga Roma, pagpasok