Estado ng Ating Kalusugan, isang Panawagan ng Pag-ibig at Katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,312 total views

Kadalasan sa ating bansa, ang kalusugan ay isang personal na isyu para sa mga mamamayan. Nahihirapan ang marami na maiugnay ang isyu ng personal health sa public health. Halimbawa, ang obesity o katabaan at wastage o undernourishment ay kadalasan nakikitang sanhi lamang ng personal na diet, at hindi ma-iugnay ng marami sa mga ibang salik gaya ng food security at accessibility. Hindi rin agarang maiugnay ng marami ang link o koneksyon ng mga ito sa estado ng edukasyon at employment ng bayan.

Pero kapanalig, ang mga ito, kasama ng iba pang isyung pangkalusugan, ay salik rin ng public health, dahil ang estado ng ating kalusugan ay may implikasyon sa estado ng ating bayan. At ang “link” o ugnayan na ito ay dapat mas maging matingkad ngayon para sa mas maraming Pilipino dahil ang mga sakit ay mas madaling kumakalat ngayon dahil sa mas mataas na antas ng mobility at integrasyon.

Sa ngayon, ang isyu ng stunting at malnourishment ay ilan sa mga bumabagabag sa sektor ng kalusugan. Base sa pinakahuling survey ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST), nasa 26.2% ang chronic malnutrition rate sa mga batang may edad 0 to 2 sa ating bansa. Ito ay pinakamataas na antas sa loob ng sampung taon. Ang chronic malnutrition, or stunting rate naman sa mga batang limang taon pababa ay nasa 33.5%. Tumaas ito ng 30.5% mula 2013.

Ayon sa UNICEF, ang stunting ay dulot ng patong patong na isyung pangkalusugan. Maari itong magsimula sa pagbubuntis pa lamang ng isang inang undernourished din, na napapalala pagkatapos manganak dahil sa kakulangan ng pagkain, at dahil na rin sa kakulangan ng sanitasyon. Ang stunting, ayon sa UNICEF, ay maaring sanhi ng kalahati ng bilang ng mga batang namamatay sa buong mundo. Ang batang makaka-alpas o makaka-survive nito ay maaring magkaroon ng under-developed brain, kakulungan sa mental na abilidad at kapasidad, at dahil diyan, mahihirapan siya sa paaralan, mas maliit ang kita sa kalaunan, at maaring makaranas ng nutrition-related chronic diseases, gaya ng diabetes, hypertension, at obesity. Kung patuloy ang pagdami ng mga kaso ng chronic malnutrition at stunting sa bayan, ito ang mga isyung bubulaga sa atin sa hinaharap.

Kaya nga’t ang kalusugan ng bawat isa ay responsibilidad nating lahat. Lahat tayo ay konektado, lahat tayo ay interdependent, kahit pa hindi natin ito nais o matanggap. Ayon nga sa Gaudium et Spes: “Every day, human interdependence grows more tightly drawn and spreads by degrees over the whole world… Every social group must take account of the needs and legitimate aspirations of other groups, and even of the general welfare of the entire human family.” Kaya nga’t napakahalaga kapanalig, ng ating pagkakaisa, na ayon na rin sa Gadium et Spes: “It is imperative that no one…indulge in a merely individualistic morality. The best way to fulfill one’s obligations of justice and love is to contribute to the common good according to one’s means and the needs of others, and also to promote and help public and private organizations devoted to bettering the conditions of life.” Ang estado ng ating kalusugan, kapanalig, ay isang panawagan para sa pag-ibig at katarungan. Dinggin natin ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 21,135 total views

 21,135 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 88,864 total views

 88,864 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 112,016 total views

 112,016 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 182,131 total views

 182,131 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 255,277 total views

 255,277 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Gaslighting

 21,136 total views

 21,136 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 88,865 total views

 88,865 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 112,017 total views

 112,017 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 182,132 total views

 182,132 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »
Scroll to Top