Freedom of association

SHARE THE TRUTH

 416 total views

Mga Kapanalig, sang-ayon ba kayo sa mandatory na pagpaparehistro ng mga non-government organizations (o NGO) bago sila makapagsagawa ng anumang aktibidad sa isang lugar?

Kamakailan lamang ay naglabas ang Kalinga Provincial Task Force To End Local Communist Armed Conflict (o PTF-ELCAC) ng resolusyong nagsasabing kailangan munang magparehistro sa pamahalaang panlalawigan ang mga NGO bago magsagawa ng anumang aktibidad sa probinsya. Kasabay ng resolusyong ito ang paglabas ng listahan ng diumano’y “sectoral front organizations” ng mga rebeldeng grupo. Kasama sa listahan ang labinwalong lehitimong mga NGO sa Cordillera Administrative Region. Ang listahang ito ay nagmula umano sa 50th Infantry Battalion ng Philippine Army. Mariing kinondena naman ito ng human rights groups na Karapatan at Cordillera Human Rights Alliance (o CHRA). Anila, ang mandatory registration ng mga NGO upang makapagsagawa ng kanilang mga aktibidad ay labag sa kalayaan ng asosasyon o freedom of association. Ang freedom of association ay karapatan ng mga indibidwal na mag-organisa, bumuo, at lumahok sa mga samahan, at nakasaad ito sa Universal Declaration of Human Rights.

Ayon sa Karapatan, ang nasabing resolusyon ay taliwas sa mga batas pandaigdig at pamantayan ng karapatang pantao. Ang malayang pagsasamahan ay napakahalaga raw sa mga civil society organization (o CSO) katulad ng mga NGOs at people’s organizations upang maisagawa at maisulong ang kani-kanilang serbisyo at adbokasiya, lalo na sa pagtataguyod ng karapatang pantao, katarungang panlipunan (o social justice), at sustenableng pag-unlad (o sustainable development). Dagdag ng Karapatan, ang mga organisasyong nasa listahan ay naging instrumental sa pagtatanggol ng mga karapatang pantao, lalo na ng mga katutubo sa Cordillera. Sa pamamagitan ng pagre-red-tag sa mga NGOs, inilalagay ng PTF-ELCAC sa panganib ang mga grupong ito at nilalantad sila sa mga pagbabanta, pananakot, at pangha-harass. Ang mga limitasyong ipinapataw sa mga organisasyon at ang red-tagging na ginagawa ay nakapipinsala sa kakayahan nilang magbigay-serbisyo lalo na sa mga nangangailangan.

Ayon sa mga CSOs, standard procedure na nila ang pagbibigay-alam sa lokal na pamahalaan at komunidad ng kanilang mga aktibidad bago ito isagawa. Ngunit nakababahala na nanggaling ang resolusyon na mandatory registration ng NGOs sa panlalawigang sangay ng NTF-ELCAC. At mas lalong nakababahala ang red-tagging ng mga organisasyong matagal nang tumutulong sa mga komunidad. Ang NTF-ELCAC ay kilala sa paggamit ng red-tagging upang akusahang may ugnayan sa rebeldeng grupo ang mga aktibista, mamamahayag, human rights groups, labor unions, environmental defenders, at mga kritiko ng gobyerno.

Ayon sa UN Special Rapporteur sa freedom of association, anumang organisasyon, rehistrado man o hindi, ay may karapatang magsagawa ng mga legal na aktibidad. Hindi dapat ginagamit ang pagpaparehistro upang bigyan ng permiso ang pagsasagawa ng mga aktibidad na wala namang nilalabag na batas. At hindi dapat ito gamitin para pigilan o hadlangan ang mga organisasyong kritikal sa gobyerno.

Kinikilala ng Simbahan ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga CSOs sa pagsusulong ng mga karapatang pantao at pagtulong sa marginalized sectors. Sa Fratelli Tutti, sinabi ni Pope Francis na kapuri-puri ang paglilingkod para sa common good ng mga organisasyong ito. Hindi dapat hinahadlangan ang kakayahan nilang maglingkod at magsulong ng mga adbokasiya para sa common good. At lalong hindi dapat ito hinahadlangan ng gobyerno na may obligasyong ipagtanggol at itaguyod ang mga karapatan ng bawat indibidwal.

Mga Kapanalig, mahalaga sa pagbuo ng malaya at demokratikong lipunan ang freedom of association. Ang kalayaang ito ang nagbibigay-daan upang makamit ng mga organisasyon ang kani-kanilang misyon para sa ikabubuti ng mga tao, lalo na ng marginalized sectors. Huwag sana natin hayaang apakan ng gobyerno ang karapatang ito. Isabuhay sana natin ang salita ng Diyos sa Mga Kawikaan 31:8-9 na ipagtanggol ang mga ‘di makalaban at ipaglaban ang kanilang karapatan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Universal Health Care Law

 69,058 total views

 69,058 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »

2024 Job Losses

 82,625 total views

 82,625 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »

Baka makalusot

 78,235 total views

 78,235 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »

Banta ng red-tagging

 75,950 total views

 75,950 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 80,211 total views

 80,211 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Universal Health Care Law

 69,059 total views

 69,059 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

2024 Job Losses

 82,626 total views

 82,626 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baka makalusot

 78,236 total views

 78,236 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Banta ng red-tagging

 75,951 total views

 75,951 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 80,212 total views

 80,212 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rigodon sa Senado

 36,370 total views

 36,370 total views Mga Kapanalig, tila drama ang nangyaring rigodon sa Senado dalawang araw bago matapos ang second regular session ng 19th Congress.  Bumaba sa pagiging Senate President si Senador Juan Miguel Zubiri. Pinalitan siya ni Senador Francis Escudero. Hinala ni Senador Zubiri, nabigo raw siyang sundin ang ipinagagawa ng mga nasa itaas o ang “powers

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to “baby for sale”

 58,591 total views

 58,591 total views Mga Kapanalig, nasubukan na ba ninyong bumili ng gamit sa Facebook? Kahit hindi pa, siguradong nakakita na kayo ng samu’t saring bagay na ibinebenta sa social media app na ito. Sa Facebook na rin kasi nagnenegosyo ang ibang tao, sa lawak ba naman ng naaabot ng mga posts dito. Kaso, sa sobrang daling

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saribuhay

 47,387 total views

 47,387 total views Mga Kapanalig, ang darating na buwan ng Hunyo ay Philippine Environment Month. Taun-taon, nagsasagawa ang iba’t ibang organisasyon at ahensya ng gobyerno ng mga aktibidad na naglalayong iangat ang awareness o kamalayan ng publiko sa mga environmental issues. Nagkakaroon ng mga pangako ng pagkilos tungo sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Haka-haka lang ang kahirapan?

 80,418 total views

 80,418 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot mo sa tanong na ito ng Social Weather Stations (o SWS): “Saan ninyo ilalagay ang inyong pamilya sa kard na ito: hindi mahirap o mahirap?” Nang huling tinanong ‘yan ng SWS noong Marso, 46% ang nagsabing sila ay “mahirap” habang 23% ang nagsabing silay ay “hindi mahirap”. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maliit na Kabuhayan

 95,293 total views

 95,293 total views Maliit man ang kabuhayan, ito naman ang pinanggagalingan ng yaman ng maraming pamilyang Pilipino. Ang small business, kapanalig, ay karaniwang source of livelihood na natin. Minsan ito na ang main source of income, minsan, side gig lamang ito para may pandagdag pang-gastos. Ang kasabihan na ang maliit ay nakakapuwing ay totoo pagdating sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Technical Vocational Education and Training

 105,527 total views

 105,527 total views Kapanalig, marami sa atin sa technical and vocational education umaasa para magkaroon ng trabaho. Tinatayang umabot sa mahigit pa sa 1.2 million ang technical vocational education and training (tech-voc) graduates at halos isang milyon na rin ang certified skilled workers noong 2023. Ang laking tulong ng tech-voc sa maraming pamilya. Dahil dito, nagkakaroon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paglago ng Artificial Intelligence

 94,271 total views

 94,271 total views Maraming inobasyon at modernong teknolohiya ang nagdadala ng malawakang pagbabago sa job landscape hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo ngayon. Malaking hamon ito sa mga bansang gaya sa atin na nangangailangan ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa maraming mamamayan. Isa ngang halimbawa ngayon ay ang mabilis na paglaganap ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Climate crisis is a child crisis”

 113,857 total views

 113,857 total views Mga Kapanalig, para maiwasan nang makulob ang ating mga estudyante sa mainit na silid-aralan tuwing Abril at Mayo, ia-adjust na ng Department of Education (o DepEd) ang darating na school year. Ang paparating na school year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29 ngayong taon at matatapos sa March 31 ng susunod na taon.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente at kalikasan

 56,609 total views

 56,609 total views Mga Kapanalig, kumasa na rin ba kayo sa “bill reveal challenge” na uso ngayon sa social media? Ito ay mga video kung saan dahan-dahan ipinasisilip ang total electric bill na para bang premyo sa isang gameshow. (Pero ingat lang po sa paggawa ng challenge na ito; baka kumalat ang inyong personal na impormasyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paano tayo bumuboto?

 55,170 total views

 55,170 total views Mga Kapanalig, may misteryong sinusubukang lutasin ang ating mga senador habang dinidinig nila ang isyu ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (o POGO) sa Pilipinas, partikular na sa probinsya ng Tarlac.  Iniuugnay kasi sa mga ito ang alkalde ng bayan ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Leal Guo. Nasa kanyang bayan kasi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top