Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hayaang maging bata ang mga bata

SHARE THE TRUTH

 388 total views

Mga Kapanalig, kabilang ang mga bata sa pinakabulnerableng sektor sa lipunan. Sa datos ng Philippine Statistics Authority (o PSA), 31.4% ng mga bata ay kabilang sa mahihirap na pamilya. Dahil dito, mas kailangang pagtuunan ng pansin ang kanilang kaligtasan, kalusugan, at edukasyon upang mabigyan sila nang maayos na pamumuhay.

Ngunit isang mapait na katotohanang milyun-milyong bata ang napipilitang magtrabaho sa murang edad dala ng kahirapan. Ngayong nagkaroon ng pandemya, milyon din ang mga batang hindi nakapag-enroll dahil sa hamong dulot ng distance learning. Paalala ng International Labor Organization (o ILO), napakahirap malaman ang epekto ng pandemya sa child labor sa Pilipinas dahil walang sapat na impormasyon o datos kung sinu-sino ang mga batang ito. Ngunit ang isang tagapagpahiwatig kung gaano kalalâ ang child labor ay kapag hindi na nakikita ang ibang mga bata sa paaralan dahil maaaring nagtatrabaho sila sa ibang lugar.

Ang mga child laborer ay ang mga batang edad 5 hanggang 17 na gumagawa ng mga mapanganib na trabaho, kung saan ipinagkakait sa kanila ang buhay bilang bata at maayos na edukasyon. Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (o PSA), 597,000 na kabataan sa bansa ang maituturing na child laborer. Ayon sa Department of Labor and Employment (o DOLE) nitong buwan ng Hunyo, mahigit 90,000 na mga bata ang nasagip mula sa delikadong kondisyon ng pagtatrabaho nang umpisahan ng ahensya ang profiling sa mga child laborers. Bahagi ang profiling ng pagsasakatuparan ng Philippine Development Plan 2017-2022 na bawasan ng 30% ang mga kaso ng child labor. Bagamat magandang balita ito, mahaba pa ang daang tatahakin ng ating gobyerno, mga pribadong organisasyon, pati na ng mga magulang upang tuldukan ang child labor.

Sa mahabang panahon, karaniwang matatagpuan ang mga batang manggagawa sa mga sakahan, minahan, pabrika, at lansangan. Sa maagang pagtatrabaho ng mga bata, mataas ang posibilidad na malantad sila sa mga nakapipinsalang kemikal, delikadong lugar, at mapang-abusong kapaligiran. Lahat ng ito ay may negatibong epekto sa kanilang pisikal at mental na pag-unlad. Nawawalan sila ng pagkakataong makapag-aral, makapaglaro, at makapagpahinga. Malinaw na paglabag sa dignidad at karapatang pantao ng mga bata ang pagtatrabaho nila sa murang edad, lalo na kung ginagawa lang nila ito dahil sa hirap ng buhay. Ayon ensiklikal ni Pope Leo XIII na Rerum Novarum, hindi dapat ipinapasa o ipinapagawa ang mga trabahong nararapat sa mga nakatatanda, dahil ang kanilang mga katawan at pag-iisip ay nasa estado pa ng pag-unlad. Kaya ang paalala rin sa 2 Corinto 12:14, “ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang.” Responsibilidad ng mga nakatatanda na magtrabaho para sa kapakanan ng mga bata.

Mga Kapanalig, mahalagang natatamasa ng mga bata ang kanilang pangunahing pangangailangan at mga karapatan dahil bahagi ito ng kanilang paglaki at pag-unlad bilang maging kapakipakinabang na bahagi ng lipunang kanilang gagalawan. Malaki ang pananagutan ng buong komunidad na siguruhing wala nang batang magiging biktima ng maagang pagbabanat ng buto para lang mairaos ang pang araw-araw na pangangailangan. Responsibilidad ng mga magulang na pag-aralin at arugain ang kanilang mga anak. Higit sa lahat, tungkulin din ng pamahalaang tiyaking may disente at produktibong trabaho ang mga magulang at isalba pa ang mga batang nasa mga pabrika, sakahan, at minahan na humihingi pa ng saklolo.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

POGO’s

 2,686 total views

 2,686 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 11,079 total views

 11,079 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 19,096 total views

 19,096 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 25,556 total views

 25,556 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 31,033 total views

 31,033 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

POGO’s

 2,687 total views

 2,687 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Waste

 11,080 total views

 11,080 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trustworthy

 19,097 total views

 19,097 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang krisis sa klima

 25,557 total views

 25,557 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maingat na pananalita

 31,034 total views

 31,034 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa simpleng selebrasyon

 39,103 total views

 39,103 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 41,140 total views

 41,140 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 52,169 total views

 52,169 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 56,942 total views

 56,942 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buksan ang ating puso

 62,409 total views

 62,409 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 67,863 total views

 67,863 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tigilan ang karahasan sa kababaihan

 39,785 total views

 39,785 total views Mga Kapanalig, ngayong Nobyembre 25, ipinagdiriwang ang International Day to Eliminate Violence Against Women. Ginugunita ito sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 10398. Sa araw na ito, maging mas maláy sana tayo sa pamamayagpag ng iba’t ibang porma ng karahasan laban sa kababaihan. Maraming uri ang violence against women. Ilan sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,299 total views

 58,299 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Government Perks

 67,299 total views

 67,299 total views Kapanalig, 34-araw na lamang at ipagdiriwang na naman natin ang Pasko…Ang pasko ay dapat pagdiriwang sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesus… Pero sa mayorya ng mga tao sa mundo, ito ay panahon ng pagbibigayan ng mga regalo. Nawawala na ang tunay na diwa ng pasko, sa makabagong panahon, ito ay nagiging commercial na…hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 69,008 total views

 69,008 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top