Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,037 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-09 ng Abril 2024
Caravaggio’s painting “The Incredulity of St. Thomas” (1602) from en.wikipedia.org.
Sa tuwing maririnig ko
ang kuwento kay Santo Tomas
Apostol ni Kristo,
ako'y nanlulumo dahil
batid ko hindi ayon
turing natin sa kanya
na "Doubting Thomas"
gayong tanging tag-uri
sa kanya ng Ebanghelista
ay "Didymus" o "Kambal";
nag-alinlangan nga si Tomas
sa balitang napakita si Jesus
na muling nabuhay 
sa kanyang mga kasama
nguni't kailanma'y 
di nabawasan
kanyang paniniwala
at pagtitiwala.
Malaking pagkakaiba
ng hindi maniwala
sa hindi makapaniwala
na isang pag-aalinlangan
bunsod ng kakaibang pakiramdam
tulad ng pagkamangha
o ng tuwang walang pagsidlan
sa isang karanasang napaka-inam
ngunit hindi maintindihan
balot ng hiwaga
at pagpapala
gaya nang mabalitaan
ni Tomas
paanong nakapasok sa
nakapinid na mga
pintuan
Panginoong Jesus
na muling nabuhay.
Katulad ng kanyang
mga kasamahan
nonng kinagabihan ng Linggo
ding iyon,
wala ding pagsidlan
tuwa at kagalakan
ni Santo Tomas
nang sa kanya inilarawan
ipinakitang mga kamay
ni Jesus
taglay pa rin
 mga sugat natamo
 sa pagpapako sa Krus
nagpapatunay
na Siya nga
 ang Panginoong
nagpakasakit at namatay noon,
nabuhay muli ngayon!
Hindi ba 
ganyan din tayo
sa gitna ng ating mga
pag-aalinlangan
bagama't damang dama 
natin ang katotohanan
ng mga pagpapala at biyaya
hindi tayo makapaniwala
sa kadiliman ating natagpuan
liwanag ni Kristo habang sa
kawalan naroon Kanyang
kaganapan at kapunuan?
Sandigang ating pinananaligan
dasal na nausal ni Tomas na
banal pagkakita kay Jesus 
na muling nabuhay,
"Panginoon ko 
at Diyos ko!"
Huwag tayong matakot 
kung tayo ay
mag-alinlangan
at kung minsa'y 
hindi makapaniwala
sa mga gawa ng Diyos
na sadyang kahanga-hanga;
sa mundong ito
na ang pinanghahawakang
kasabihan ay
"to see is to believe",
ang kabaligtaran nito
ang siyang katotohanang
ating mapapanaligan,
"believe that you may see"
dahil  sa dilim at
kawalan parati dumarating 
ang Panginoong Jesus natin!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 92,082 total views

 92,082 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 114,192 total views

 114,192 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 188,883 total views

 188,883 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 185,895 total views

 185,895 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Wala na siya rito…

 3,677 total views

 3,677 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-6 ng Abril 2026 Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20

Read More »

He is not here

 2,641 total views

 2,641 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 05 April 2026 Photo by author, La Mesa Dam seen from Seventh floor of Our

Read More »

Holiness in Silence

 10,546 total views

 10,546 total views Lord My Chef Recipe for Holy Saturday, 04 April 2026 Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 March 2026. Ablessed Holy

Read More »

Holy Monday Prayer

 10,506 total views

 10,506 total views Lord My Chef Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II Holy Monday, 30 March 2026 Isaiah 42:1-7 +++ John 12:1-11 Photo by author,

Read More »
Scroll to Top