Wala na siya rito…

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,728 total reads

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-6 ng Abril 2026
Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 Marso 2026.
Mula sa Ebanghelyo
ni San Mateo noong Magdamagang
Pagdiriwang ng Pasko 
ng Muling Pagkabuhay ni Kristo,
ating napakinggan pananalita 
ng anghel kina Maria Magdalena
at ang isa pang Maria na kasama niya,
"Huwag kayong matakot;
alam kong hinahanap ninyo 
si Jesus na ipinako sa krus.
Wala na siya rito..."
Ngunit kagabi pa man
ako ay natatakot na
sapagkat sa mga marami 
kong nakita sa social media,
tila wala na nga si Jesus rito...
mula pa man noong visita iglesia,
sa pagpuprusisyon noong
Biyernes Santo hanggang sa
Dakilang Kapistahan ng Pasko ng
Muling Pagkabuhay:
Wala na nga si Jesus rito
dahil hindi lamang natin siya
muling ipinako at pinatay sa krus 
kungdi tinabunan ng ating 
kapalaluan at kaartehan 
sa pagdiriwang ng mga Mahal na Araw.
Hindi masama pagandahin
at pagbutihin altar ng repositoryo
sa visita iglesia ng Huwebes Santo
ngunit nasaan si Kristo na dinadalaw
at sinasamahan sa pananalangin
sa gitna ng kadiliman kung ang
nakapupukaw pansin sa mga tao
ay ang gayak at mga palamuti
na di na natin alintana 
pagkakahati-hati at pagkakawatak-watak 
nating mga alagad
tulad noong dakpin si Jesus 
dahil naging paligsahan 
saan mas maganda 
ang visita iglesia
nawala na nilalayong
mailapit ang tao sa Diyos 
at kapwa gaya ng panalangin 
noon ni Jesus sa Getsemani,
"ut unum sint."
Sakit ito sa maraming simbahan
lalo na sa Bulacan
na marahil siyang ginaya 
ng mga korap sa DPWH 
na kahit buo ang simbahan,
gigibain upang pagandahin,
punuin ng kanya-kanyang 
monumento at alaala ng kura
kaya wala na ring kalagyan 
maging ang Diyos 
sa kanyang tahanan,
hindi siya maramdaman
daig pa ng walang hanggang
mga sobre na ayaw nang
lagyan ng laman dahil
puro iyon na lang 
ang tunay na
nadarama at iniinda
ng mga nagsisimba.
Tapos na mga pagdiriwang
ng mga Mahal na Araw
ngunit mahalagang pag-usapan
at liwanagin ngayon pa lamang
mga kalabisan 
tuwing Huwebes Santo
at Biyernes Santo 
dahil palala nang palala mga ito,
tumatanda tayo ng paurong
hindi pasulong kaya hanggang
ngayon lugmok ating bansa sa
kabulukan sa kabila ng maraming
mananampalatayang Kristiyano
na hindi naman nakita pa si Kristo.
Nakakahiya at nakakasuka
kung bakit pinayagan ng ilang
pari at obispo pumasok kamalayan
ng turismo at pagkakakitaan
sa mga pagdiriwang sa simbahan;
nasaan mga dalubhasa 
sa pagtuturo ng liturhiya 
higit sa lahat ng katesismo
na siyang layunin ng mga prusisyon
lalo na kung Biyernes Santo?
Hindi mo na malaman kung
deboto o debobo mga camarero
at mga tao sumusunod sa mga karo
na pagkakatayog-tayog
pilit inaabot mga kawad ng kuryente 
at telepono na tila baga walang
ibang hilig kungdi ang "like" 
sa social media;
walang maramdamang rubdob
ng pagkakabighani o 
"mysterium fascinans" 
sa pagdaraan ng prusisyon 
dahil wala nang taglay
na ibayong hiwaga ng kabanalan -
ang "mysterium tremendum" -
bagkus sa halip ay katatawanan,
pagtataka at pagkalito hatid ng mga
kung anu-anong pinapakita sa karo
kaya hindi kataka-taka balang araw
bumaba muli isang anghel
at sabihin sa mga prusisyon
"wala na Siya rito."
Wala na nga si Jesus
sa prusisyon dahil kanyang
mga alagad ngayon 
hindi lamang inaantok 
kungdi tinatamad magdasal
kaya nagsasapawan 
hindi na maintindihan 
naka-record na pagrorosaryo;
nasaan ang pananalangin
mula sa puso? ang sakripisyo
ng prusisyon?
Wala si Jesus sa MP3
o ano mang naka-record
na pagdarasal ng Rosario
dahil si Jesus naninirahan
sa puso ng nananampalataya
na inihahayag sa kanyang 
bibig at mga labi;
pati ba naman pananalangin
ibig pa nating pagaangin?

Ang masakit na katotohanan 
sa maraming prusisyon
ginawa itong piknik sa walang
tigil na pagkain at pag-inom
habang nakahanay mga 
deboto at debobo
kasabay nang walang tigil na 
pagpitik ng selfie na tila
rumarampa kanilang mga
Poon!
Nang muling mabuhay
si Jesus at napakita sa 
mga alagad,
habilin niya sa kanila
ipahayag sa lahat ng bansa
Kanyang Mabuting Balita
ng kaligtasan;alisin na natin 
mga bato dumadagan 
sa kanyang katotohanan,
lumabas tayo sa ating yungib
ng pagkamakasarili,
magnilay at pag-isipan
paano muling matagpuan
si Jesus na muling nabuhay
sa ating magagandang tradisyon
na labis nang tinatabunan
winawasak ng mga 
makabagong teknolohiyang
hatid ay kababawan alang-alang
sa bonggang mga palabas lamang
walang lalim,
hungkag ang kalooban
kung saan
malinaw na 
wala nga
si Kristo.
Amen.
Larawan mula sa FB ni G. Joey Meneses Rodrigo, 05 Marso 2026.

Tingnan din ating blog sa mga deboto at debobo, https://lordmychef.com/2020/02/11/deboto-debobo/.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 5,773 total reads

 5,773 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 226,391 total reads

 226,391 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 261,064 total reads

 261,064 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 276,964 total reads

 276,964 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 313,050 total reads

 313,050 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

The Courage To Be Disliked

 523 total reads

 523 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Third Week in Ordinary Time, Year II, 07 September

Read More »

Debt of Love

 4,401 total reads

 4,401 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-Third Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 06 September 2026

Read More »

Stewards of God’s mysteries

 7,125 total reads

 7,125 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 04 September

Read More »

What have I left for Jesus?

 9,834 total reads

 9,834 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 03 September

Read More »
Scroll to Top