Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 545 total views

Solemnity of the Epiphany of the Lord & Pro Nigritis Sunday

Is 60:1-6 Eph 3:2-3 Mt 1:1-12

Isinilang na ang bata. Ang ina niya ay si Maria at si Jose ang tumayo na tatay niya. Siya ay naging tao dahil sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang pangalan niya ay Jesus sapagkat siya ay magliligtas. Sino ang ililigtas niya? Para kanino siya dumating? Ito ang sinasagot ng ating kapistahan ngayon – ang kapistahan ng pagpapakita ng Panginoon, ang kapistahan ng Epifania.

Noon, kinaugaliang tinatawag itong Feast of the Three Kings, pero ito ay hindi gaanong angkop. Ang dumalaw kay Jesus ay hindi mga hari kundi mga pantas – mga mag-aaral ng mga bituin na noon ay tinatawag na mga Mago kung saan nanggaling sa ating salitang magi at magic. Hindi naman sinasabi na sila ay tatlo pero alam natin na may tatlong regalo silang dala. Maaari sila’y dalawa o lima ngunit may tatlong regalo. Ang pangalan na ibinigay sa kanila – si Melchor, Gaspar at Baltazar – ay hindi naman nakasulat sa Bibliya.

It came from later traditions. Alam natin na hindi sila mga Hudyo. Galing sila sa Silangan, sa labas ng teritoryo ng mga Hudyo. Hindi nga nila alam ang Bibliya. Dahil sa kanilang pag-aaral ng mga bituin nalaman nila na may isang espesyal na pangyayari para sa mga Hudyo. Sinundan nila ang bagong bituin na kanilang nakita at sa pamamagitan nito natagpuan nila ang batang isinilang na hari ng mga Hudyo. Nagpakita sa kanila ang hari sa anyo ng isang sanggol at nakilala nila ito. Ang mga pantas ay kumakatawan sa mga hindi Hudyo – mga gentil. Kaya para kanino ang batang isinilang? Para sa lahat ng mga tao, hindi lang sa mga Hudyo. Walang dayuhan sa Diyos.

Sa ating ikalawang pagbasa sinabi ni Pablo na ipinagkatiwala sa kanya ang tungkulin na ipahayag ang lihim na panukala. Matagal na ito pero nakatago lamang. Ngayon ipinapahayag na ang lihim na ito. Ano ang lihim? Na ngayon ang Mabuting Balita ay para na sa lahat, hindi lang para sa mga Hudyo. Ang bendisyon ng Diyos na ipinakita kay Abraham, kay Moises, kay David, ay para pala sa lahat.

Tayong lahat ay bumubuo ng isang katawan at kahati sa mga pangako ng Diyos dahil kay Kristo Jesus. Ang pangalan ng bata ay Jesus, ang manliligtas ng lahat ng tao. Si Jesus ay para sa lahat. Hindi ba ito ay magandang balita lalo na sa mga tao na akala nila hindi sila kasama dahil sa iba ang kulay ng kanilang balat, dahil sa iba ang kanilang ugali o pananalita, dahil sa nakatira sila sa malalayong pook?

Kaya nga, fast forward, bago si Jesus umakyat sa langit, ang huling habilin niya sa mga alagad ay humayo sila sa buong mundo at gawing alagad niya ang lahat ng tao, binyagan sila at turuan sila ng lahat ng mga katuruan niya. Kaya nga ngayong Linggo sa buong mundo mayroon tayong second collection na ipadadala natin sa simbahan sa kontinente ng Africa, isang simbahan na mahirap at kung saan ang mga tao ay may malaking pananalig sa Diyos pero hinahatak ng maraming masasamang fuerza.

Malakas ang pagkilos ng ilang mga muslim doon na sumasalakay, kinikidnap at pinapatay ang mga Kristiyano, kasama ang mga pari at madre. Doon din sa Africa marami ay nadadala ng kanilang native primitive religions. Dahil sa kanilang kahirapan marami din ay nahihila ng materialismo. Kaya tutulungan natin ngayong linggo ang simbahan sa Africa.

May dalawa pang pangyayari sa buhay ni Jesus na kaugnay sa kapistahan ngayon. Iyan ay ang pagbibinyag kay Jesus at ang unang himala niya na ginawa sa Cana ng Galilea. Sa pagbibinyag kay Jesus sa ilog Jordan pinakilala si Jesus ni Juan Bautista sa mga Hudyo na siya ang tinutukoy niya na darating na itinalaga ng Diyos para sa ating kaligtasan. Doon naman sa Cana ng Galilea nakita ng mga alagad ni Jesus ang kanyang kadakilaan sa pamamagitan ng himala ng tubig na naging alak.

Ito ay bahagi ng pagpapakita ni Jesus kung sino siya. Sa pagdalaw ng mga pantas nakita si Jesus ng lahat ng mga bansa, sa pagbibinyag kay Jesus sa ilog Jordan nakita siya ng mga Hudyo, at sa himala ni Jesus sa Cana nakita ng mga alagad ang kanyang kaluwalhatian.

Ang anak ng Diyos ay naging tao upang ipahayag niya ang kanyang sarili. Siya ay nagpapakilala. Hindi siya naglilihim. Matatagpuan siya – pero matatagpuan lamang siya ng mga taong naghahanap sa kanya. Kaya natagpuan siya ng mga pantas. Ang ginamit nila ay ang kanilang kaalaman, ang kanilang science para makita siya. Mag-aaral sila ng mga bituin. Ang kaalaman nila sa bituin ang ginamit ng Diyos upang dalhin sila kay Jesus. Pero hindi nagtapos sa kaalaman lamang. Umalis sila, lumakbay sila. Malayo at matagal ang paglalakbay nila. Maaring galing pa sila sa Africa o sa Saudi Arabia. Maaring naglakbay sila ng dalawang taon sa disyerto para kilalanin at sambahin ang hari ng mga Hudyo.

Si Herodes at ang mga mag-aaral ng Bibliya sa Jerusalem ay hindi nakatagpo sa bata kasi hindi naman sila interesado na makita ito, o kung gusto man makita, ay patayin ito dahil sa takot nilang magiging hadlang siya sa kanila. Hindi sila naghahanap ng kaligtasan. Kontento na sila sa takbo ng buhay nila. Ayaw na nilang magbago. Alam nila kung nasaan ang bata – doon sa Bethlehem. Nakalagay na ito sa Banal na Kasulatan: “Ikaw Bethlehem sa lupain ng Juda…. Sa iyo lilitaw ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.” At ang Bethlehem ay hindi naman gaano kalayo sa Jerusalem – mga sampung kilometro lamang. Isang oras na lakad lang iyan. Alam nila pero hindi sila umalis sa kinaroroon nila kaya hindi niya natagpuan ang manliligtas.

Kaya inaanyayahan tayo ng kapistahang ito na hanapin ang kaligtasan at ito ay matatagpuan natin. Hindi hahayaan ng Diyos na maligaw o malinlang o masawi ang naghahanap sa kanya. Pero kapag nakita natin siya dapat handa tayong kilalanin siya. Ang pagkilala ng mga pantas sa bata ay pinakita nila sa mga regalo sa dala nila. Siya ay hari, kaya binigyan nila siya ng ginto. Siya ay Diyos kaya nag-alay sila ng kamanyang na ginagamit sa pagsamba. Siya ay magdurusa para sa atin, kaya may mira silang dala. Ang mira ay ginagamit para pahupain ang sakit sa katawan.

Natagpuan na ba natin ang inaantay nating darating? Natagpuan ba natin si Jesus ngayong pasko? Kung hinahanap natin siya at kumilos tayo upang matagpuan natin siya, maaring na-encounter natin siya. Ano ang binibigay natin sa kanya bilang regalo? Ano ang Balik-Handog natin sa kanya? Ang balik handog din natin ay ang pagkilala natin kung sino ang Diyos sa buhay natin – na siya ang may-ari ng lahat at tayo ay mga katiwala lamang niya. Kaya nag-aalay tayo sa kanya ng panahon para magdasal at sumamba, ng serbisyo at ng pera para sa pangangailangan ng simbahan at ng kapwa.

Dumating na ang kaligtasan. Siya ay si Jesus. Siya ay para sa lahat. Tanggapin natin siya. Mag-alay tayo sa kanya.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kahalagahan ng fact-checking

 5,475 total views

 5,475 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 12,425 total views

 12,425 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 23,340 total views

 23,340 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 31,075 total views

 31,075 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 38,562 total views

 38,562 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 19, 2024

 1,463 total views

 1,463 total views Feast of Sto. Niño Holy Childhood Day (Sancta Infantia) Week of Prayer for Christian Unity Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Lk 2:41-52 Ang pananampalatayang Katoliko ay iisa lang sa buong mundo, ngunit ito ay nagkakaroon ng kanyang katangian sa bawat kultura depende sa katangian ng mga tao at sa kanilang kasaysayan. Ang debosyon sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 12, 2025

 3,710 total views

 3,710 total views Feast of the Baptism of the Lord Cycle C Is 40:1-5.9-11 Ti 2:11-14;3:4-7 Lk 3:15-16.21-22 Ang pagbibinyag sa ating Panginoong Jesus ay nagpapaalaala sa atin ng ating binyag, ngunit hindi magkapareho ang ating binyag sa kanyang binyag. Ang pagbibinyag na ginagawa ni Juan Bautista sa mga tao noong panahon niya ay tanda ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 5, 2025

 3,815 total views

 3,815 total views Solemnity of the Epiphany of the Lord Pro Nigritis (African Mission) Is 60:1-6 Eph 3:2-3.5-6 Mt 2:1-12 Isang katangi-tanging tanda ng pasko ay ang parol, lalo na ang parol na may liwanag. Ito ang decoration na inilalagay natin para sa pasko. Bakit parol? Bakit parol na maliwanag? Ang kapistahan natin ngayon ang sasagot

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 1, 2025

 7,934 total views

 7,934 total views Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos Num 6:22-27 Gal 4:4-7 Lk 2:16-21 Happy New Year sa inyong lahat! Ngayon ay ang ika-walong araw pagkatapos ng Pasko. Ayon sa kaugalian ng mga Hudyo, sa ika-walong araw pagkasilang ng isang anak na lalaki, siya ay tutuliin. Ito ay isang tanda na siya ay Hudyo

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily Simbang Gabi December 22 2024

 7,247 total views

 7,247 total views 4th Sunday of Advent Mic 5:1-4 Heb 10:5-10 Lk 1:39-45 Ngayon na ang huling Linggo sa apat na Linggo ng Adbiyento. Nakasindi na ang lahat ng kandila sa ating Corona ng Adbiyento. Dumadating na ang bukang liwayway at sa ilang sandali na lang, darating na ang liwanag ng kaligtasan. Sinabi na sa atin

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 15, 2024

 9,302 total views

 9,302 total views 3rd Sunday of Advent Cycle C Gaudete Sunday Zeph 3:14-18 Phil 4:4-7 Lk 3:10-18 “Umawit ka nang malakas, Lungsod ng Sion. Sumigaw ka, Israel. Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem.” Iyan ang pahayag ni propeta Sofonias. Ang salitang Lungsod ng Sion at Lungsod ng Jerusalem ay iisa lang ang kahulugan. Ang Sion

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 8, 2024

 15,225 total views

 15,225 total views 2nd Sunday of Advent Cycle C Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6 Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 1, 2024

 18,635 total views

 18,635 total views 1st Sunday of Advent Cycle C World Day for People with Disabilities National AIDS Sunday Jer 33:14-16 1 Thess 3:12-4:2 Lk 21:25-28.34-36 December na! Ito ang buwan na inaasahan ng marami. Ito ang buwan ng maraming parties at masasarap na pagkain, buwan ng bakasyon, buwan ng mga regalo, buwan ng pagsasama ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 24, 2024

 21,270 total views

 21,270 total views Solemnity of our Lord Jesus, King of the Universe Dan 7:13-14 Rev 1:5-8 Jn 18:33-37 Ngayon na ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo, December 1, magsisimula na tayo ng bagong taon sa taon ng simbahan na tinatawag nating Liturgical Year. Ang Huling Linggo ay nagpapaalaala sa atin ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 17, 2024

 19,785 total views

 19,785 total views 33rd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of the Poor Dan 12:1-3 Heb 10:11-14.18 Mk 13:24-32 Darating ang malalaking pagbabago sa mundo. Iyan ang nararamdaman natin at iyan ang pinaparamdam sa atin ng ilang mga scholars at ng ilang mga politiko. Nararanasan natin ang climate change. Umiinit ang panahon. Tumitindi ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 10, 2024

 22,024 total views

 22,024 total views 32nd Sunday of Ordinary time Cycle B 1 Kgs 17:10-16 Heb 9:24-28 Mk 12:38-44 Kapag pinag-uusapan ngayon ang kahirapan, sino ba ang naiisip natin na mahirap? Siguro naiisip natin ang mga batang lansangan, ang mga may kapansanan na nakatira sa squatter areas o ang mga katutubo sa gubat. Sila iyong kawawa. Sa panahon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 19,251 total views

 19,251 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 20,349 total views

 20,349 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 25,953 total views

 25,953 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 23,420 total views

 23,420 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top