Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 532 total views

Kapistahan ng Katawan at Dugo ni Kristo

Deut 8:2-3.14-16 1 Cor 10:16-17 Jn 6:51-58

Ang isang katangi-tangi sa ating mga Katoliko ay ang ating pagtanggap sa Katawan at Dugo ni Kristo. Ipinagdiriwang natin ito tuwing Banal na Misa. Ang tinapay at alak ay nagiging katawan at dugo ni Kristo at hinihikayat tayong tanggapin ito. Sa pagtanggap ng Banal na Komunyon hindi lang tayo sumusubo ng ostiya; tinatanggap natin ang katawan ni Kristo. Ang Banal na Ostiya ay hindi sumsagisag kay Kristo. Ito ay si Kristo mismo. Naniniwala tayo rito kasi ito ang sinabi niya. “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanaman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.” Hindi ito matanggap ng mga alagad ni Jesus na nakikinig sa kanya noon. Talagang mahirap itong tanggapin. “Paano maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?” Baka mali lang ang pandinig nila? Baka iba naman talaga ang ibig niyang sabihin. Pero hindi! Pinanindigan ito ni Jesus. “Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang aking laman at inumin ang aking dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay… ang aking laman ay tunay na pagkain… ang sinuman kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin… Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito’y mabubuhay magpakailanman.” Napakaliwanag ang salita ni Jesus. Maniwala tayo sa kanyang sinabi.

Ang paniniwala sa tinapay na katawan ni Kristo at sa alak na dugo ni Kristo ay siya rin paniniwala ng mga apostol noong una pa. Kaya nga sinulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto na ating narinig kanina: “Hindi ba’t ang pag-inom natin sa kalis ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikinabang sa dugo ni Kristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinaghahatihati ay pakikinabang naman sa kanyang katawan?” Kaya nga idinugtong pa niya: “Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kalis ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.” Talagang katawan ni Kristo ang ating kinakain. Dahil inaalok niya ang kanyang saril na kainin natin, tanggapin natin siya. Dahil sa ang Panginoon mismo ang kinakain natin, maging kapat-dapat tayo. Hindi lang basta-basta ang pagkokomunyon. Huwag natin siyang lapastanganan.

Sa ating unang pagbasa pinaalaala ni Moises sa mga Israelita ang dinaanan nila sa mahabang panahon ng kanilang paglalakbay sa disyerto. Sinabi niya na ang Panginoon ang pumatnubay sa kanila sa kanilang paglalakbay sa malawak at nakatatakot na ilang na puno ng makamandag ng mga ahas at alakdan. Paano sila nag-survive sa apat na pong taon ng paglaklakay na iyon? Pinakain sila ng Diyos ng manna araw-araw, isang pagkain na hindi nila noon kilala pero ibinigay ng Diyos sa kanila. Sinustento sila ng pagkain mula sa langit sa kanilang paglalakbay sa lupa. Kung iyon ay nangyari sa mga Israelita noon, mas lalo na sa atin ngayon. Kahit na ang manna ay galing sa Diyos, lahat ng nakakain noon ay namatay pa rin. Ang manna noon ay anino lang ng tunay na tinapay na ibinigay ni Jesus. Iba ang pagkaing ibinibigay sa atin ngayon. Talagang ito ay hindi lang galing sa langit. Ito ay pagkaing makalangit. Si Jesus mismo na anak ng Diyos ang nakikiisa sa atin, ang pumapasok sa ating katawan sa ating pagkatanggap ng komunyon.

Totoong mapanganib ang ating paglalakbay sa lupa. Nakaparaming problema. Walang araw na walang problema. Napakaraming panganib – panganib sa ating katawan, sa ating kalusugan, sa ating trabaho, sa ating pamilya, sa ating kaluluwa. Nandiyan palagi ang tukso. Sa kagandahang loob ng Diyos binibigyan tayo ng makasusustento sa atin. Uso ngayon ang pag-aalok sa ating ng mga energy food at energy drink. Nagbibigay daw ito ay lakas sa atin. Totoo kaya? Hindi natin alam. Pero ito ay totoo. Si Jesus ay hindi lang nagsusustento sa atin sa lupa. Ito ay pagkain na nagdadala sa atin sa langit. Hindi lang ito nagpapahaba ng buhay. Ito ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan.

Sa ating pagkokumunyo tayong lahat ay nakikinabang sa iisang katawan ni Jesus. Parehong Jesus ang tinatanggap natin. Dahil dito tayo ay nagiging isang kaawan din sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay na kaawan ni Kristo. Kaya pinag-iisa tayo ng Banal ng Komunyon.

Gusto natin ng pagkakaisa, at palaging hamon ang pagkakaisa. Ang Banal na komunyon ay paraan sa pagkakaisa. Pinag-iisa tayo ng iisang katawan ni Kristo. Subukin natin ito sa ating mga pamilya. Maganda na ang mga pamilya ay sama-samang nagsisimba at tumatanggap na banal na komunyon. Kahit na may mga gusot sa mga relasyon sa pamilyo, madali itong maaayos kapag ang lahat ay nagtutulungan na tanggapin si Jesus sa Banal na Komunyon.

Mga kapatid, sa pagtanggap ng Banal na Komunyon si Jesus mismo ang ating tinatanggap. Hindi na lang siya katabi natin. Pumapasok siya sa ating katawan. Sa pagtanggap ng Banal na Komunyon pinag-iisa tayo ng katawan ni Kristo. Si Jesus ang nagiging dahilan ng ating pagkakaisa. Kaya pahalahagan natin ang madalas at ang linggohang pagkokomunyon. Papasukin natin si Jesus sa ating labi; papasukin natin siya sa ating katawan. Pero huwag sana nating kalimutan na si Jesus ang ating tinatanggap. Kaya ihanda natin ang ating sarili. Pagsisihan ang ating kasalanan. Kasalanan lamang ang hadlang sa pagdating si Jesus. Kung may mabigat na kasalanan, ikumpisal ito upang matanggap si Jesus ng karapat-dapat

Nababasa natin sa huling aklat ng Bibliya, ang Aklat ng Pahayag. Sinabi ni Jesus: “Nakatayo ako at kumakatok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.” Nasa pintuan siya ng ating labi, nag-aantay, kumakatok. Papasukin natin siya. Tanggapin natin ang katawan ni Kristo sa ating katawan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 10,262 total views

 10,262 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 16,235 total views

 16,235 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 21,990 total views

 21,990 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 29,253 total views

 29,253 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 37,237 total views

 37,237 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 139 total views

 139 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,454 total views

 2,454 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,581 total views

 8,581 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,710 total views

 6,710 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,993 total views

 8,993 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,899 total views

 11,899 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,838 total views

 12,838 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,832 total views

 12,832 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,550 total views

 16,550 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,396 total views

 18,396 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,393 total views

 18,393 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,902 total views

 22,902 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,218 total views

 28,218 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,376 total views

 30,376 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,534 total views

 32,534 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top