DSAC ng Diocese of Legazpi, tumulong sa mandatory evscuation ng mga residente malapit sa bulkang Mayon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,297 total views

Nakikipagtulungan na ang Legazpi Diocesan Social Action Commission (DSAC) sa isinasagawang mandatory evacuation ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay kaugnay sa pagliligalig ng Bulkang Mayon na nakataas sa Alert level 3 status.

Ayon kay Legazpi SAC Director Fr. Eric Martillano, inilunsad na ng diyosesis ang ‘Simbahan para sa Mayon Disaster Response’ at Parish Disaster Response Committee (PADRECOM) para mapaigting ang pagtulong sa mga residenteng lubhang maaapektuhan ng Mayon Volcano.

Tinukoy ni Fr. Martillano ang mga nakatira sa mga lugar na saklaw ng 6-kilometer danger zone na kailangang palikasin bilang pag-iingat sa panganib tulad ng pagbagsak ng mga bato, at inaasahang pagsabog ng bulkan.

“As of now, nag-a-assist kami sa mandatory evacuation para sa mga residents within the six-kilometer danger zone. On-going din ‘yung rapid field assessment sa mga affected areas,” bahagi ng pahayag ni Fr. Martillano.

Tinatayang nasa 18-libong residente ang pinalikas at pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation centers sa lalawigan.

Sinabi ni Fr. Martillano na bubuksan na rin ng diyosesis ang panawagan para sa mga nais magpadala ng tulong at donasyon.

“As of now, initially, ang needs sa mga evacuation areas ay mga non-food items like sleeping mats and hygiene kits,” ayon kay Fr. Martillano.

Samantala, tiniyak naman ni Caceres Archdiocesan SAC director Fr. Marc Real ang pagtulong ng arkidiyosesis sakaling kailanganin ng SAC-Legazpi ang karagdagang tulong sa disaster response.

Meron kming group chat sa Bicol Regional Social Action Commission (BRSAC) na doon ang communications ng directors ng region. As of now, nasa monitoring pa po kami and waiting for the updates from SAC – Legazpi,” saad ni Fr. Real.

Una nang nanawagan sa publiko si Legazpi Bishop Joel Baylon na paigtingin ang paghahanda, at patuloy na manalangin ng Oratio Imperata para sa paggabay at kaligtasan ng lahat mula sa aktibidad ng Bulkang Mayon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 5,738 total views

 5,738 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 33,743 total views

 33,743 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 51,543 total views

 51,543 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 51,316 total views

 51,316 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 163,576 total views

 163,576 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 9,347 total views

 9,347 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top