SALN, tinutukan sa day 25 ng impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,050 total reads

Tinututukan ng House prosecution ang mga sariling SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni Vice President Sara Duterte upang patunayan ang hindi pagkakatugma sa kanyang cash declarations at ang patuloy na paghawak sa mga business interests habang nagsisilbing bise presidente.

Sa ika-25 araw ng impeachment hearing sa Senado, iniharap ng prosekusyon ang 10 layunin sa testimonya ni Atty. Karen Batu ng Official Records Division ng Office of the Ombudsman na siyang may hawak ng mga SALN.

Kabilang sa mga dokumentong nais ipakita ng prosekusyon ang mga SALN ni Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio mula 2007 hanggang 2025.

Ayon sa prosekusyon, tumaas ang kanilang idineklarang net worth mula ₱7.25 milyon noong 2007, naging ₱65.3 milyon noong 2021, at umabot sa ₱98.6 milyon noong 2025.

Sinuri rin ng prosekusyon ang mga SALN ni Duterte mula 2019 hanggang 2025 kung saan, ayon sa pagsusuri, walang idineklarang cash on hand o cash in bank, matapos siyang magdeklara ng cash sa mga naunang SALN.

Tinitingnan din ng prosekusyon ang sinasabing kawalan ng deklarasyon ng foreign currency deposits, kabilang ang US dollars, Chinese RMB at iba pang foreign currencies.

Bukod dito, sinuri rin ang mga business at financial interests na nakalista sa kanyang mga SALN, kabilang ang mga interes sa Metro City Chow Foods Corporation at GenCorp Industries Inc.

Iginiit ng prosekusyon na maaaring patunayan ng mga dokumento na nagpatuloy si Duterte sa paghawak ng business at financial interests matapos siyang maging bise presidente, sa halip na i-divest ang mga ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 19,869 total reads

 19,869 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,113 total reads

 101,113 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,562 total reads

 134,562 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 169,860 total reads

 169,860 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 395,748 total reads

 395,748 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 14,143 total reads

 14,143 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top