Hindi naging malawakan ang karahasan sa BARMM parliamentary elections, COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,975 total reads

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na sa kabila ng ilang insidente ng karahasan at panggugulo, naging pangkalahatang mapayapa at maayos ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.

Sa panayam sa Veritas Pilipinas, kinumpirma ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na may mga insidente ng karahasan sa Cotabato City bago at kasabay ng halalan, kabilang ang pamamaril at pagsabog ng improvised explosive device.

“Una po sa lahat, totoo po na may mga naganap na karahasan, lalo na dito sa Cotabato City, gabi bago maghalalan. May nagpaputok ng baril sa ere, may nasabugan po ng improvised explosive device,” Bahagi ng pahayag ni Laudiangco sa Radyo Veritas.

Ayon sa opisyal, sa kabuuan ay lima ang nasawi at 14 ang nasugatan sa mga insidenteng naitala.

Gayunman, binigyang-diin ni Laudiangco na hindi naging malawakan ang kaguluhan.

“Bagamat merong mga pagtatangka po ito, panggugulo doon sa mga presinto, dito’y isolated incidents po ito. Ito lang po ay nangyari dito sa Cotabato City, at sa kabuuan po ng ating Bangsamoro Autonomous Region ay napakamapayapa na tapos ang halalan,” Dagdag pa ni Laudiangco.

Ibinahagi rin ng tagapag-salita ng COMELEC ang engkwentro sa Maguindanao del Sur, ngunit nilinaw na hindi mismong polling place ang pinuntirya kundi ang municipal hall, kung saan mabilis din umanong nakapagresponde ang mga pwersa ng pamahalaan kaya hindi na lumawak ang insidente.

Samantala, inihayag din ni Laudiangco na 36 na election returns mula sa Maluso, Basilan ang hinihintay pa ng COMELEC matapos matuklasang may tampering sa mga balota para sa naturang mga presinto.

Ipinaliwanag pa ni Laudiangco na kinuha ng COMELEC ang mga balotang may problema at nagpaimprenta ng mga bagong balota sa National Printing Office sa Quezon City bago ipinadala ang mga ito sa Basilan.

Dahil gabi na nang makarating ang mga bagong balota, ipinagpaliban ang botohan hanggang kinabukasan upang isaalang-alang ang kalagayan ng mga botante.

“Pwede pa po sana naming ituloy ang halalan ngunit dahil inaalala po ng COMELEC yung ating mga kababayan, maaaring pagod na, gabi na rin kasi, e kanilang madaling araw na lang po itinuloy,” Ani Laudiangco.

Ayon kay Laudiangco, isinagawa ang early voting para sa senior citizens, persons with disabilities at mga buntis, bago itinuloy ang regular na botohan sa 36 na presinto na katumbas ng tinatayang 16,000 boto kaya maaari itong makaapekto sa resulta ng isang distrito sa Basilan.

Sa kabila ng mga insidente, sinabi ng COMELEC na naging mahalaga ang presensya ng mga security checkpoint sa pagpapanatili ng kaayusan at pagtugon sa mga reklamo ng mga botante.

“Hindi po perpekto ang halalang ito, Monsignor, ngunit napatunayan po natin, kapag ka po talagang napakarami ng checkpoints, itong checkpoints po na ‘to ay nagsilbi bilang quick reaction forces, first responder, at naging complaint center din,” Ayon pa kay Laudiangco.

Aniya, nakatulong din ang presensya ng mga awtoridad upang magkaroon ng kumpiyansa ang mga mamamayan na lumabas at bumoto nang malaya.

“Hindi po nagpatinag ang mga kababayan natin. Maaabot po natin at mukhang mahihigitan pa natin 80% voter turnout po. Ito po ay talagang nakakagulat. Maraming nagtangkang guluhin, pauwiin yung ating mga kababayan, takutin. Nagkamali po sila,” Ani Laudiangco.

“Gusto po nila ay kaayusan, kapayapaan, demokrasya,” Dagdag pa ni Laudiangco.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Laudiangco na ang proseso ng parliamentary election ay kapareho ng isang demokratikong halalan pa rin, ngunit ang pangunahing inihahalal ay ang 80 miyembro ng BARMM Parliament.

“Pareho lang po ang process ng eleksyon sa parliamentary at sa democratic, wala pong pagkakaiba. Democratic elections po ito,” ani Laudiangco.

Paliwanag ng opisyal, matapos mahalal ang 80 miyembro ng Parliament ang maghahalal ng Chief Minister at gagawa ng mga batas para sa Bangsamoro, kabilang ang mga usapin sa kalikasan, kultura at identidad.

Mananatili naman ang mga mayor, gobernador at iba pang lokal na halal na opisyal kasabay ng BARMM Parliament.

Ang unang parliamentary elections sa BARMM ay itinuturing na mahalagang hakbang sa pagpapatupad ng autonomous government sa rehiyon at sa pagtatatag ng bagong sistema ng pamamahala sa Bangsamoro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,559 total reads

 50,559 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,308 total reads

 147,308 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,577 total reads

 191,577 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,686 total reads

 214,686 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,597 total reads

 287,597 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top