Gamitin ang social media sa pangangalaga ng kalikasan, panawagan ng CMSP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,671 total reads

Hinimok ni Father Angel Cortez, OFM, executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines, ang mga taong-simbahan na gamitin ang social media bilang paraan ng pagpapalaganap ng pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng mga isyung kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Father Cortes, maaaring gamitin ng mga digital missionary ang kanilang mga cellphone at social media platforms sa pagbabahagi ng mga larawan at mensahe upang mamulat ang publiko at manawagan sa mga kinauukulan, lalo na sa harap ng patuloy na pagkasira ng kalikasan.

Binigyang-diin niya na ang tao ay hindi tagapagtaguyod o may-ari ng sangnilikha, kundi bahagi lamang ng lahat ng nilikha ng Panginoon. Kaya mahalagang ipagpatuloy ang pakikilahok ng Simbahan sa pangangalaga sa kalikasan, lalo na matapos ang mga baha at walang tigil na pag-ulan, at gamitin ang social media upang bigyang-prayoridad ang kalikasan.

“Napakaganda po dahil ginawa ito sa panahon ng Season of Creation, na humahamon sa atin bilang mga taong-simbahan na gamitin ang social media sa pagpapalaganap kung paano tayo naglaga sa kalikasan, Gamitin din natin itong platform para manawagan sa mga isyu na kinaharap ng ating bansa at imulat ang ating sarili sa pamamagitan ng ating mga cellphone,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Cortez.

Samantala, hinamon ni Dr. Nataša Govekar, Theological Pastoral Director ng Vatican Dicastery for Communication, ang mga Catholic digital content creators na maging tunay na saksi sa digital world at huwag ipaubaya sa artificial intelligence o teknolohiya ang mga bagay na nangangailangan ng tao at personal na pakikipag-ugnayan.

Ayon kay Govekar, mahalagang isabuhay ng mga digital missionary ang panawagang “from influencers to witnesses” at ang synodality sa paggamit ng digital platforms. Ibinahagi rin niya ang pananaw ng Vatican, kabilang ang pastoral reflection na “Towards Full Presence” na inilabas noong 2023, na tumatalakay sa papel ng mga content creators sa physical at digital contexts.

“My task was to bring to this assembly the Vatican perspective, sharing what was delivered through the pastoral reflection Towards Full Presence published in 2023. I tried to underline the words used in the subtitle of this assembly: ‘influencers to witnesses’ and ‘synodality’ connected to the digital mission because there is already a lot written in this document,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Govekar.

May temang “We Cannot but Speak” at “Influencers to Witnesses: Synodal Way for Digital Mission in Asia” ang ACDMA 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 56,138 total reads

 56,138 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 94,499 total reads

 94,499 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 128,627 total reads

 128,627 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 185,033 total reads

 185,033 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top