Librong AUDIAM: A Listening Heart for a Synodal Church ni Cardinal Advincula, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 58,122 total reads

Iginiit ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na sa dekadang paglilingkod bilang pastol ay higit niyang natuklasan na hindi lamang siya ang tinawag upang maging isang listening shepherd, kundi ang Diyos mismo ang tapat na nakikinig sa panalangin, pakikibaka at tinig ng Kanyang sambayanan.

Ito ang mensahe ng kardinal sa Misa ng Pasasalamat para sa kanyang ika-50 anibersaryo ng pagiging pari at ika-25 anibersaryo ng pagiging obispo, kasabay ng paglulunsad ng kanyang aklat na AUDIAM: A Listening Heart for a Synodal Church sa Manila Cathedral.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang kanyang episcopal motto na “Audiam” o “I will listen” ay pinili niya noong italaga siyang obispo bilang pangakong maging pastol na marunong makinig sa Diyos at sa Kanyang bayan.

“I aspired to be a bishop who listens to God and to His people; a pastor who hears the wisdom of the elderly and the dreams of the young; a shepherd who receives the gifts of the generous and attends to the cries of the needy,” ayon kay Cardinal Advincula.

Gayunman, sinabi ng punong pastol ng Maynila na sa paglipas ng dalawampu’t limang taon ay higit niyang naunawaan ang mas malalim na kahulugan ng pakikinig sa pananampalataya.

“Today, however, I realize that it is not just for me—it is not just me trying to listen and to hear. Rather, it is actually God who has been listening with attentive ears and an open heart,” aniya.

Binigyang-diin ng kardinal na ang Diyos ay nakikinig maging sa mga tahimik na panalangin at paghihirap ng tao, maging sa hinaing ng buong sangnilikha.

“God hears my silent prayers, my quiet struggles, and my songs of praise. He hears my heart even before my mouth speaks. He also attends to the voice of His people and to the groaning of all creation,” giit ni Cardinal Advincula.

Samantala, sa kanyang homiliya, kinilala ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagiging huwaran ni Cardinal Advincula bilang isang obispong malapit at handang makinig sa kanyang kawan, na mahalagang katangian ng isang pinunong nagsasabuhay ng diwa ng sinodalidad.

“Because if a bishop is truly to lead, he must listen to those whom he is called to serve,” ayon kay Archbishop Brown.

Pinuri rin ng kinatawan ng Santo Papa ang pastoral na paglilingkod ng kardinal sa mga mananampalataya ng Maynila sa pamamagitan ng kanyang pagiging madaling lapitan at patuloy na pakikipamuhay sa sambayanan.

Ang aklat na Audiam na inilimbag ng St. Paul’s ay naglalaman ng mga homiliya ng kardinal na umaasa na magsisilbi itong paanyaya sa panalangin at pagninilay tungkol sa Diyos na patuloy na nakikinig sa Kanyang bayan.

Bukod kay Archbishop Brown, dumalo rin ang halos 10 obispo sa pagdiriwang, kabilang si Archbishop Gilbert Garcera ng Lipa, kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Taong 1976 nang maordinahang pari ang kardinal sa Archdiocese of Capiz, 2001 naman ng maordinahang obispo ng San Carlos at itinaas sa pagiging kardinal noong November 2020.

March 2021 nang italaga ito ni Pope Francis na arsobispo ng Archdiocese of Manila at ganap na maitalaga sa noong June 2024.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 56,149 total reads

 56,149 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 94,510 total reads

 94,510 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 128,638 total reads

 128,638 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 185,044 total reads

 185,044 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top