Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 249,872 total reads

Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang araw matapos isyuhan ng warrant of arrest para sa kasong grave threats.

“I do not feel safe at all,” pahayag ng bise presidente habang pinapalibutan ng media. Pinilit niyang samahan siya ng media sa pagbabayad niya ng piyansa dahil sa pangambang matulad siya sa sinapit ni dating Senador Ninoy Aquino Jr. (Kung maalala ninyo, namatay sa tama ng baril sa kanyang ulo ang dating senador sa tarmac ng airport.) Hindi raw alam ni VP Sara kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nasa kustodiya na ng pulis. Maaari daw na utusan lang ng sinuman ang mga pulis na patayin siya at palabasing aksidente ang nangyari.

Pinigilan ng kanyang mga abogado si VP Sara na magsama ng mga taga-media, alinsunod sa utos ng korte. Kalaunan, pumasok din naman ang bise presidente para magbayad ng ₱360,000 para pigilan ang pagpapatupad ng warrant of arrest. Bago bumalik sa kanyang sasakyan, niyakap siya ng mga tagasuportang umiiyak dahil sa pag-aalala sa kaligtasan ng kanilang idolo.

Matagal nang iginigiit ni VP Sara na may mga nagbabanta sa kanyang buhay at kaligtasan. Inimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (o NBI) ang mga ito, pero wala naman silang natukoy na pinagmumulan ng mga bantang ito. 

Ang malinaw na nalalaman nating lahat ay si VP Sara mismo ang nagbabanta sa buhay ng iba—at hindi basta-bastang mga tao ang pinagbantaan niya. Sa isang virtual press conference noong Nobyembre 2024, sinabi niyang kapag pinatay siya, may kinausap na siyang tao na papatay kina Pangulong Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Araneta, at dating House Speaker Martin Romualdez. “No joke,” pagdidiin pa niya. Ang mga bantang ito nga ang naging batayan ng Department of Justice (o DOJ) para sampahan siya ng mga kasong grave threats at inciting to sedition. Isinama na rin ang mga bantang ito sa mga basehan ng impeachment complaint laban kay VP Sara na patuloy ngang dinidinig ng Senate impeachment court. 

Natatakot ba si VP Sara sa sarili niyang multo? Siya ang nagbanta sa buhay ng iba, pero ngayon, nangangamba siya para sa kanyang buhay.

Sa isyung ito, hindi usapin kung dapat bang protektahan ang kaligtasan ni VP Sara. Dapat itong protektahan. Ang buhay ng sinuman ay dapat protektahan. Ang mga banta sa buhay ng lahat ay dapat seryosohin.

Ang usapin ay ang hindi pagkakatugma ng mga salitang binibitawan ng mga nasa poder. Kung ang isang opisyal ay inaakusahan ng pagbabanta sa buhay ng iba—na nakita naman ng publiko—tapos ngayon ay pinalalabas na biktima ng pagbabanta ng iba, may mali, mga Kapanalig.

Pinahahalagahan ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang pagsasabi ng totoo, habang binabalaan tayo tungkol sa panloloko at manipulasyon. Ang paghingi ng proteksyon gayong iniiwasan ang pananagutan para sa isang bagay na makapaglalagay sa buhay ng iba sa alanganin ay maituturing na moral inconsistency. Ang moral inconsistency ay kapag magkaiba ang pamantayang ginagamit ng isang tao para sa sarili niya at para sa iba. Sa simpleng salita: “Kapag ako ang nagbanta, may dahilan; pero kapag iba ang nagbanta sa akin, mali at dapat parusahan.”

Mga Kapanalig, ang pagbabanta sa iba habang nagbubulag-bulagan sa sariling pagkakamali at umiiwas sa pananagutan ay nagpapaalala sa atin ng tanong na ito mula sa Mateo 7:3-5: “Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata?” Hindi tama na makita lamang ang banta ng iba laban sa sarili habang binabalewala ang sariling pananakot o pananagutan. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,249 total reads

 20,249 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,484 total reads

 101,484 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,933 total reads

 134,933 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,231 total reads

 170,231 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,107 total reads

 396,107 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 20,250 total reads

 20,250 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,485 total reads

 101,485 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,934 total reads

 134,934 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,232 total reads

 170,232 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top