Diocese of Cubao, nagpahayag ng paglilinaw sa pagpanaw ng 2-pari ng diyosesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,629 total reads

Nagpayag ng paglilinaw ang Diocese of Cubao kaugnay sa pagpanaw nitong Setyembre 11, 2026 ng dalawang pari ng diyosesis na sina Rev. Fr. Edward Anthony A. Cometa at Rev. Fr. Michael James I. Ty na kapwa nasa De Los Santos Medical Center sa Quezon City.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Diocese of Cubao sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Rev. Fr. Ariston l. Sison, Jr., pumanaw si Fr. Edward Cometa alas-2:07 ng hapon dahil sa heart failure dulot ng dilated cardiomyopathy, habang si Fr. Michael Ty naman ay pumanaw alas-2:57 ng hapon matapos ang matagal na karamdaman dahil sa liver cirrhosis at hepatocellular cancer.

Tatanggapin ni Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF, D.D., ang mga labi ng dalawang pari sa Immaculate Conception Cathedral of Cubao ngayong Linggo, Setyembre 13, 2026 sa ganap na ala-una ng hapon, na susundan ng pagdiriwang ng Banal na Misa para sa dalawang pari.

Pagkatapos ng Misa, dadalhin ang mga labi ni Fr. Ty sa Cathedral Grottoes para sa kanyang burol, habang dadalhin naman ang mga labi ni Fr. Cometa sa Our Lady of Mount Carmel Parish sa Project 6, kung saan siya nagsilbi bilang Parochial Vicar.

Inihayag din ng Diocese of Cubao na ipalalabas ang karagdagang detalye hinggil sa kani-kanilang funeral arrangements sa mga susunod na araw.

Sa pahayag ng diyosesis, ipinagkatiwala ng Simbahan sina Fr. Cometa at Fr. Ty sa mapagmahal na awa ng Panginoon, bilang pasasalamat sa biyaya ng kanilang buhay, bokasyon sa pagkapari, at tapat na paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang bayan.

Hiniling din ng Diyosesis ng Cubao sa mga mananampalataya na ipanalangin ang walang hanggang kapahingahan ng kanilang mga kaluluwa, gayundin ang kanilang mga pamilya, kapwa pari, kaibigan, mga pamayanang parokyal, at lahat ng nagluluksa sa kanilang pagpanaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,619 total reads

 38,619 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,354 total reads

 74,354 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,624 total reads

 300,624 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,092 total reads

 194,092 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,048 total reads

 286,048 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top