Digital missionary, hinamon na gamitin ang social media bilang daan ng pananampalataya at misyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,568 total reads

Hinakayat ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit ang mga digital missionary na gamitin ang social media bilang daan ng pananampalataya at misyon, sa halip na para lamang sa pagkakaroon ng followers, likes, at visibility.

Ayon kay Bishop Maralit, mahalagang magkaroon ng paglipat mula sa pagiging “influencer” tungo sa pagiging saksi ni Kristo sa digital space.

Binigyang-diin din niya na sa gitna ng toxic culture sa social media, maaaring maging instrumento ang mga kabataan at iba pang gumagamit ng digital platforms sa pagpapalaganap ng kultura ng pananampalataya, pag-ibig sa kapwa, pag-unawa, at pakikinig.

“There has to be a movement from influencer to witnessing. ‘Yung mula doon sa nagpo-post lang tayo, pero magpo-post tayo ngayon in the name of Christ, with the hope that so much good can be done through you,Sana tayo magdala naman ng hindi toxic culture, kundi ‘yung culture of faith, culture of charity, culture of understanding, at ‘yung culture of listening sa mundong ito,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Maralit.

Kaugnay nito, hinimok ni Father Felmar Fiel, SVD, General Manager ng Radio Veritas Asia, ang mga digital missionary na gamitin ang kanilang mga post at online platforms upang ituro ang mga tao kay Kristo.

Ayon kay Fr. Felmar, mahalagang maging malinaw ang layunin ng isang digital missionary sa bawat nilalamang ibinabahagi online. Kung ang mga post ay patuloy na nakatuon sa sarili, nananatili lamang bilang influencer ang isang content creator; ngunit kung ang mga post ay nagtuturo kay Kristo, nagiging saksi na ito ng pananampalataya.

Inihayag din ni Fr. Felmar na layunin ng unang Asian Catholic Digital Missionary Assembly na lumikha ng espasyo para sa mga digital missionary upang magbahagi ng kanilang karanasan, matuto sa isa’t isa, at bumuo ng mga bagong pakikipagtulungan para sa digital mission sa Asya.

“Nandito tayo ngayon sa loob mismo ng compound ng Radio Veritas Asia for the first-ever Asian Catholic Digital Missionaries Assembly, kung saan we create spaces for digital missionaries to come together, learn from each other, share stories, and explore more collaboration in the future,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Felmar.

Pinarating ito ng dalawang lider sa huling araw ng Asian Catholic Digital Missionary Assembly 2026 sa pangangasiwa ng Radio Veritas Asia at Federation of Asian Bishops Office of Social Communication, Vatican Dicastery for Communication at Fully Present Network.

Hinimok din ni Bishop Maralit ang mga digital missionary na tuklasin ang kanilang misyon at maging bahagi ng presensya ng Simbahan sa digital world, dahil ang mga kabataan ay hindi lamang kinabukasan ng Simbahan kundi bahagi ng “ngayon” ng Diyos, kaya mahalagang gamitin nila ang kanilang mga talento at plataporma para maghatid ng kabutihan sa mundo.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 22,508 total reads

 22,508 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 43,986 total reads

 43,986 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 83,438 total reads

 83,438 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 117,566 total reads

 117,566 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 173,971 total reads

 173,971 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top