75 taon ng debosyon, panibagong hamon sa paglilingkod — Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,503 total reads

Hinamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya ng Archdiocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora del Perpetuo Socorro sa Sampaloc, Manila na higit pang maging sentro ng pakikipagtagpo, pagkalinga at paglilingkod sa mga nangangailangan, kasabay ng pagdiriwang nito ng ika-75 anibersaryo ng pagkatatag.

Sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Diamond Jubilee ng parokya nitong September 12, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na hindi dapat manatiling lugar lamang ng personal na debosyon ang dambana, kundi isang sambayanang nakikilakbay sa pamayanan.

“Humakbang mula sa pagiging ‘Dambana ng Debosyon’ patungo sa pagiging ‘Dambana ng Pakikipagtagpo’,” ayon kay Cardinal Advincula.

Sinabi ng kardinal na kailangang maisalin sa konkretong paglilingkod sa komunidad ang mga biyayang tinatanggap ng mga mananampalataya sa dambana.

“The fruits we receive at this altar must become food for the streets outside,” dagdag ng kardinal.

Hinimok din niya ang dambana na maging tahanan ng mga kabataan, lalo na’t malapit ito sa University Belt, partikular sa mga estudyanteng nakararanas ng matinding academic pressure at social isolation.

“A synodal parish walks with the transient and the displaced. We must practice radical hospitality, listen to the youth without judgment, and make this shrine an authentic home for a generation starving for belonging,” ani Cardinal Advincula.

Hamon ng kardinal sa mga deboto na huwag manatiling tagatanggap lamang ng biyaya kundi maging mga tagapaghatid din nito sa kapwa.

“We can no longer just be a parish of perpetual asking. We must actively become the hands of perpetual help for the marginalized and forgotten in our alleyways,” aniya.

Samantala, sinabi ni Fr. Antonio Navarrete Jr., rector at parish priest ng dambana, na kabilang sa mga pangunahing pastoral na programa nito ang pagpapalawak ng access ng mga mananampalataya sa Sakramento ng Kumpisal.

Ibinahagi ng pari na bukod sa regular na schedule ng kumpisalan, nais nilang hikayatin ang iba pang parokya sa buong arkidiyosesis na bumisita sa kanilang dambana bilang grupo upang mangumpisal.

Layunin nitong makatulong na mabawasan ang mahabang pila ng mga mananampalataya na nagtutungo sa Baclaran Church.

“Puwede nating ikampanya po ito sa ating Archdiocese… pupunta sila rito, group by group, ministry by ministry, organization by organization, para magkumpisal,” ayon sa mensahe ni Fr. Navarrete.

Inihayag din ng pari na itinatakda ng statutes ng shrinehood na ang 10 porsiyento ng kolekta ay ilaan para sa social services ng dambana na lumilingap sa mga higit nangangailangan sa pamayanan.

SA pagdiriwang ng Jubilee Year ng dambana, ipinagkaloob ng Apostolic Penitentiary ang plenary indulgence mula August 28, 2026 hanggang August 28, 2027 sa mga mananampalatayang tutupad sa itinakdang kondisyon, kabilang ang pagdulog sa sakramento ng pagbabalik-loob o kumpisal, pagtanggap ng Eukaristiya, at panalangin para sa natatanging intensiyon ng Santo Papa.

Maaari rin itong makamit ng mga matatanda, mga may sakit, mga nag-aalaga sa kanila at iba pang hindi makaalis sa kanilang tahanan dahil sa seryosong dahilan, sa pamamagitan ng espirituwal na pakikiisa sa mga pagdiriwang ng hubileyo at iba pang itinakdang debosyon.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang ika-75 anibersaryo ng dambana ay hindi lamang paggunita sa nakaraan kundi panibagong panawagan sa dambana na maging “Dambana ng Pakikipagtagpo,” tahanan ng mga kabataan at mga nangangailangan, at mga kamay ng “Perpetual Help” para sa mga higit pang nangangailangan ng tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 49,627 total reads

 49,627 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,426 total reads

 146,426 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,695 total reads

 190,695 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 213,804 total reads

 213,804 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 286,773 total reads

 286,773 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top