Pananalangin at pagpapatunog ng kampana sa Basilan, bahagi ng panawagan para sa mapayapang halalan sa BARMM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,961 total reads

Nanawagan si Prelature of Isabela de Basilan Bishop Leo Dalmao, CMF, sa mga kandidato, botante, at iba pang sektor na tiyaking magiging mapayapa, tapat, maayos, at kapani-paniwala ang Bangsamoro Parliament Election ngayong September 14.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Bishop Dalmao na mahalagang protektahan ng mga taga-Basilan at ng buong Bangsamoro ang kapayapaang nakamit matapos ang mahabang kasaysayan ng karahasan at tunggalian.

“Basilan has known the cost of conflict. Today, we have the opportunity to show what peace can make possible,” ayon kay Bishop Dalmao.

Hinimok ng obispo ang mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na pairalin ang paggalang at integridad sa kampanya at tanggihan ang anumang uri ng karahasang maaaring sumira sa kredibilidad ng halalan.

“Let us reject violence, intimidation, vote-buying, threats, provocation, misinformation, and every form of electoral dishonesty,” giit ng obispo.

Ayon kay Bishop Dalmao, hindi lamang tungkulin ng Commission on Elections, Bangsamoro Government, mga lokal na pamahalaan at security forces ang pagpapanatili ng ligtas na halalan.
Iginiit ng pastol na may pananagutan ang bawat mamamayan sa pagpapatuloy ng kapayapaan.

“Peace is hard work, and we build it by every choice we make,” ayon pa sa obispo.

Partikular namang hinikayat ng obispo ang mga taga-Basilan na huwag hayaang maging ugat ng pagkakahati-hati ang pagkakaiba-iba ng kanilang mga political choices, lalo na sa pagitan ng mga pamilya at komunidad ng mga Muslim at Kristiyano.

“We may choose different candidates, but we remain one people. Our political choices must never destroy the peace we have built together,” saad ni Bishop Dalmao.

Hinimok din ng obispo ang mga botante na gamitin nang malaya at responsable ang kanilang karapatang bumoto at huwag ipagbili o ipagamit sa iba ang kanilang boto.

“Do not sell your vote. Do not allow anyone to intimidate or dictate your choice,” mariing paalala ni Bishop Dalmao.

Ayon kay Bishop Dalmao, ang boto ay pagpapahayag ng dignidad at pananagutan ng bawat mamamayan para sa kinabukasan ng kanilang komunidad, kaya dapat itong maging bunga ng maingat na pagninilay at pagpapasya.

Nagbabala rin ang obispo laban sa pagpapakalat ng fake news at iba pang uri ng mensaheng maaaring maghasik ng takot at pagkamuhi, lalo na sa social media.

“Verify information before sharing it. Do not spread rumors, fake news, or messages that can create fear and hostility. Truth is an important foundation of peace,” aniya.

Hiniling ni Bishop Dalmao na maging isang mahalagang patunay ang September 14 na kayang isagawa ng Basilan at Bangsamoro ang isang halalang walang karahasan at may paggalang sa demokratikong pagpapasya ng mamamayan.

Binigyang-diin niya na anuman ang maging resulta ng halalan, mahalagang manatiling nakatuon ang lahat sa kabutihang panlahat at sa kapayapaan ng mga komunidad.

“Let Basilan show the Bangsamoro and the entire Philippines that the peace we have worked for is stronger than the divisions that once separated us,” giit ni Bishop Dalmao.

Kaugnay nito, inatasan ni Bishop Dalmao ang mga parokya at quasi-parishes ng prelatura na magsagawa ng sabayang pananalangin, pagsisindi ng kandila at pagpapatunog ng mga kampana sa alas-6 ng gabi ng September 13.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 49,886 total reads

 49,886 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,673 total reads

 146,673 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,942 total reads

 190,942 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,051 total reads

 214,051 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,000 total reads

 287,000 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top