Santacruzan at iba pang debosyon, panatilihing nakaugat sa kristiyanong pananampalataya- Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,305 total reads

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga pari at mga mananampalataya na panatilihing nakaugat sa Kristiyanong pananampalataya ang Santacruzan at iba pang popular na debosyon upang hindi mawala ang kanilang tunay na diwa at kahulugan.

Sa paggunita sa Feast of the Exaltation of the Holy Cross tuwing Setyembre 14, ipinaliwanag ni Archbishop Brown na may kaugnayan ang Santacruzan sa tradisyon ng paghahanap ni Santa Helena, ina ni Emperor Constantine, sa Banal na Krus noong ika-4 na siglo.

Sa Pastoral Visit on the Air sa Radyo Veritas ni Archbishop Brown, inihayag ng Arsobispo na pinagsasama sa Santacruzan ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria at sa Banal na Krus, kaya mahalagang manatiling malapit ito sa Simbahan.

“I’m entirely in favor of these popular devotions. But it’s important to kind of keep them close to the Church,” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ng Arsobispo na ang mga popular na debosyon ay representasyon ng pananampalataya ng mga mananamapalataya ngunit dapat tiyaking hindi ito tuluyang magiging sekular.

“Let’s try as priests, try to baptize it, you know, and keep it close somehow,” Ani Archbishop Brown.

Iminungkahi rin ng Arsobispo na maaaring magkaroon ng Misa para sa Santacruzan o pagbabasbas para sa Reyna Elena upang mapanatili ang ugnayan nito sa pananampalataya.

Aniya, nagbibigay rin ito ng pagkakataon sa mga pari na ipaliwanag ang kahulugan ng Krus, si Santa Helena, at ang Kristiyanong pinagmulan ng tradisyon.
“You know, Santacruzan of course goes back to Saint Helen and the finding of the Cross and all of that. But we have to be careful that they don’t become totally de-Christianized, these feasts. And the best example we have of that, of course, is Halloween, which now has zero or less than zero Christian significance.” Ayon pa kay Archbishop Brown.

Nagbabala naman ang Apostolic Nuncio na kapag tuluyan nang nawala ang Kristiyanong kahulugan ng isang debosyon ay maaaring maging mahirap na itong muling maibalik.

Binigyang halimbawa niya ang Halloween, na aniya ay nagsimula bilang isang Kristiyanong kapistahan ngunit sa paglipas ng panahon ay halos nawala na ang Kristiyanong kahulugan.

“The tragedy is if it becomes completely de-Christianized, then it becomes almost impossible to re-Christianize it, you know? If it becomes totally… like Halloween, at this point, you can’t… How are you going to… Yeah, we lost it, and you can’t really get it back.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Archbishop Brown na ang Feast of the Exaltation of the Cross ay nag-uugnay sa ilang sinaunang tradisyon tungkol sa Banal na Krus, kabilang ang paghahanap nito ni Santa Helena at ang pagbabalik ng mga relic ng Krus sa Jerusalem noong ika-7 siglo.

Para sa Simbahan, ang pagpapanatili sa Kristiyanong ugat ng mga popular na debosyon ay mahalaga upang ang mga tradisyon ng pananampalataya ay patuloy na maging daan ng mga mananampalataya patungo kay Kristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 56,184 total reads

 56,184 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 94,540 total reads

 94,540 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 128,668 total reads

 128,668 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 185,074 total reads

 185,074 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 28,771 total reads

 28,771 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top