Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 241,641 total reads

Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!  

Lumabas noong isang linggo ang report ng Philippine Center for Investigative Journalism (o PCIJ) na tumukoy sa mga contractors ng mga kuwestyonableng proyekto sa mga paaralan. Marami sa kanila ay contractors din ng mga palpak o pekeng flood control projects. 

Mula 2016 hanggang 2026, nakakuha sina Curlee at Sarah Discaya ng kontratang may halagang mahigit 13 bilyong piso para sa mga imprastraktura sa mga paaralan. Sa ilalim lang ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte, nakakuha ng mga proyekto sa mga paaralan ang kanilang mga kumpanya na Alpha & Omega at St. Timothy. Batay sa records ng Department of Public Works and Highways (o DPWH), ang ahensyang inatasang magtayo ng mga silid-aralan, nakakuha ang mga Discaya ng mga kontratang nagkakahalaga ng mahigit 232 milyong piso sa Bulacan 1st District Engineering Office. Matatandaang inamin sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ni Brice Fernandez, dating engineer ng DPWH sa Bulacan, na lahat ng proyekto, kasama ang mga classrooms, sa Bulacan 1st District ay overpriced (o tinaga ang presyo) o underdesigned (o tinipid). Aniya, 30% hanggang 50% lamang ng contract cost ang talagang ginastos para sa mga proyekto. Samantala, hindi lalampas sa 10% ang napupunta umano sa kickback sa mga pulitiko. Nahiya pa silang taasan ito dahil kung mas malaki pa ang kickback, magiging delikado ang mga substandard na school buildings para gamitin ng mga estudyante at mga guro. 

Kasama rin sa listahan ng mga kontratista ng mga paaralan ang kompanya ng magkapatid at dating mga mambabatas na sina Christopher at Zaldy Co. Sa loob ng sampung taon, mahigit isang bilyong piso ang halaga ng mga kontratang nakuha nila. Karamihan sa mga proyektong nakuha nila ay matatagpuan sa probinsya ng Albay, ang balwarte ng magkapatid na pulitiko. Bagamat dati nang nakakakuha ng kontrata sa mga paaralan ang kanilang kumpanya, bumulusok ito sa itaas ng listahan ng mga school contractors sa unang bahagi ng administrasyon ni Pangulong BBM. Matatandaang naging chairperson ng House Committee on Appropriations si Zaldy Co bago tumakas at magtagô matapos pumutok ang flood control scandal. 

Maraming problemang kinakaharap ang sektor ng edukasyon. Nariyan ang pagkabawas ng school days dahil sa matinding pag-ulan at baha. Malaking alalahanin din ang karahasan sa mga paaralan. Heto at dumagdag pa ang nangangamoy na katiwalian sa mga gusali at silid-aralan. Ligtas nga ba ang ating mga anak sa mga paaralang may mga gusaling tinipid ng mga kontratista? Hanggang kailan magtitiis ang mga guro at estudyante sa mga siksikang silid-aralan? May napakalaking pondo naman para magpatayo ng mga classrooms pero nakagagalit na hindi ito napupunta sa dapat paggamitan.

Ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan, kinokompromiso ng katiwalian ang tungkulin ng pamahalaan. Sinisira nito ang relasyon sa pagitan ng taumbayan at ng mga namamahala, na nagdudulot ng hindi paghahatid ng mga serbisyo. Sabi nga ni Pope Francis noon, ang mahihirap ang nagbabayad sa katiwalian. Sa paglaganap ng katiwalian, ang taumbayan, lalo na ang mahihirap na umaasa sa mga serbisyo ng pamahalaan, ang nawawalan. Kung mapatutunayang may pagnanakaw sa pondo para sa mga school buildings, ang mga estudyanteng Pilipino ang nawawalan.

Mga Kapanalig, tulad ng sinasabi sa Exodo 23:8, “ang [katiwalian] ay bumubulag sa katuwiran ng tao.” Sa pamahalaan ngayon, marami ang nabubulag sa salapi, at tungkulin nating panagutin sila. Kaya huwag nating tantanan ang mga tiwali na nakinabang hindi lang sa mga flood control projects, kundi pati sa konstruksyon ng mga paaralan. Hindi lang mga silid-aralan ang kanilang ninanakaw. Ninanakaw din nila ang kinabukasan ng ating kabataan. 

Suminyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,219 total reads

 37,219 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,015 total reads

 73,015 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,285 total reads

 299,285 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,753 total reads

 192,753 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,788 total reads

 284,788 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bagong mukha ng Boracay

 37,221 total reads

 37,221 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,017 total reads

 73,017 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,287 total reads

 299,287 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,755 total reads

 192,755 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »
Scroll to Top