Arbores Gratiarum, inilunsad ng Living Laudato Si’ Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,313 total reads

Inilunsad ng Living Laudato Si’ Philippines ang Arbores Gratiarum o Trees of Thanksgiving, kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagtatampok ng Krus na Banal.

Ito ay isang pitong-taong programa na naglalayong palawakin ang kultura ng pagpapaigting ng pangangalaga sa mga puno at kagubatan.

Ayon kay Rodne Galicha, executive director ng Living Laudato Si’ Philippines, layunin ng kampanya na tiyaking hindi matatapos sa pagtatanim lamang ang pangangalaga sa kalikasan, kundi masusubaybayan ang paglago at kaligtasan ng mga punong itinanim.

“In the face of this continuing loss, we want to help build a culture not only of planting, but of growing, sustaining, protecting and restoring,” ayon kay Galicha.

Sa ilalim ng programa, hinihikayat ang bawat kalahok na mag-alaga ng pitong puno bawat taon sa loob ng pitong taon, o kabuuang 49 na puno hanggang 2033.

Naniniwala si Galicha na kung magtutulungan ang mahigit isang bilyong Katoliko sa mundo ay mapapanauli ang kalagayan ng kalikasan na lubhang napinsala dahil sa kapabayaan at mapang-abusong gawain ng tao.

Binigyang-diin ni Galicha na higit pa sa dami ng mga punong maitatanim ang nais masukat ng programa, kabilang ang kanilang kakayahang mabuhay, lumago at maging bahagi ng mga kagubatan at ecosystem.

“But this is not simply about planting or counting trees. We want to journey with them — to know how many take root, survive, grow, and become part of living forests and ecosystems,” aniya.

Ang paglulunsad ng programa ay bahagi rin ng pagdiriwang ng Season of Creation na sinimulan noong September 1 hanggang sa ikalawang Linggo ng Oktubre.

Iniuugnay rin ng Living Laudato Si’ Philippines ang inisyatiba sa pananampalataya sa pamamagitan ng panawagang “From the wood of the Cross to living trees of thanksgiving.”

Hinihikayat ng grupo ang mga pamilya, parokya, paaralan, komunidad, organisasyon, at institusyon na makibahagi sa pitong-taong paglalakbay ng pagtatanim, pagpapalaki, at pangangalaga ng mga puno hanggang 2033.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,363 total reads

 37,363 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,153 total reads

 73,153 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,423 total reads

 299,423 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,891 total reads

 192,891 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,920 total reads

 284,920 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top