Yaman ng opisyal na hindi tugma sa legal na kita, dapat ipaliwanag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,587 total reads

Ipinaliwanag ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na kailangang maipaliwanag ng isang public official ang yaman na malaki ang diperensya kumpara sa kanyang suweldo at iba pang legal na pinagkukunan ng kita.

Sa kanyang testimonya sa Senate Impeachment Court, ipinaliwanag ni Cabotaje-Tang ang mga pamantayan sa wealth, business interests at Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN), bilang bahagi ng Article II ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa dating mahistrado, sa ilalim ng Republic Act 1379, maaaring magkaroon ng prima facie presumption na ilegal ang pagkakakuha ng ari-arian kung ito ay malinaw na hindi tugma sa suweldo at legal na kita ng isang opisyal.

Gayunman, maaari pa rin niyang pabulaanan ang ‘presumption’ sa pamamagitan ng mga dokumento at sapat na paliwanag na nagpapatunay na legal ang pinagmulan ng kanyang yaman.

Ipinaliwanag din ni Cabotaje-Tang na hindi maaaring iwasan ng isang nakaupong Pangulo o Bise Presidente ang constitutional restrictions sa negosyo sa pamamagitan lamang ng paggamit ng pangalan ng ibang tao kung siya pa rin ang tunay na nakikinabang.

“Ang beneficial owner ay yung tunay na taong nagmamay-ari ng ari-arian o ng interest sa corporation, although based on legal documents, ibang tao ang nakapangalan doon,” ayon kay Cabotaje-Tang sa pagtatanong ni Prosecution Representative Manuel Diokno.

Kabilang dito ang konsepto ng beneficial ownership, kung saan ibang pangalan ang nakalagay sa dokumento pero ibang tao ang tunay na may-ari o nakikinabang.

Tinalakay rin ang conflict of interest, o sitwasyong sumasalungat ang pribadong interes ng isang opisyal sa interes ng pamahalaang kanyang pinaglilingkuran.

Sa usapin naman ng SALN, sinabi ni Cabotaje-Tang na kailangang ideklara rito nang tama ang assets, liabilities, net worth at mga financial at business interests ng isang opisyal.

Ayon pa kay Cabotaje-Tang, “Ito ay nire-require hindi lang ng Constitution at iba pa nating umiiral na batas para malaman kung ang isang official ba ay yumaman habang siya ay nasa puwesto at kung paano niya na-acquire itong yaman na ito.”

Ang SALN ay mahalaga upang masuri kung nagkaroon ng malaking pagbabago sa yaman ng isang opisyal habang nasa puwesto at kung paano ito nakuha.

binanggit pa ng dating mahistrado na mas mahigptit na pinapairal ng batas sa Presidente at Bise Presidente, bilang pinakamatataas at pinakamaimpluwensyang opisyal ng bansa.

Samantala, kabilang sa Article II ang alegasyon na nagkaroon si Duterte ng yaman na hindi tugma sa kanyang legal na kita, hindi tama o kulang ang ilang SALN, at nagpatuloy sa ipinagbabawal na business interests.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,083 total reads

 27,083 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 50,792 total reads

 50,792 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,901 total reads

 89,901 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 124,029 total reads

 124,029 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,435 total reads

 180,435 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 37,037 total reads

 37,037 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »
Scroll to Top