Pagtatanggol ng Kalikasan

SHARE THE TRUTH

 557 total views

Ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa mga delikadong lugar pagdating sa pagtatanggol sa kalikasan. Ayon nga sa report na Decade of Defiance: Ten years of reporting land and environmental activism worldwide, 221 ang mga napatay na land and environmental defenders noong 2021 sa buong mundo. 19 dito, kapanalig, ay sa Pilipinas.

Bakit, kapanalig, kailangan may namamatay para lamang ipagtanggol ang ating kalikasan?

Ang ating bayan, kapanalig, ay mayaman sa mga natural resources, mga likas yaman na pinag-aagawan ng iba ibang grupo para sa kabuhayan at negosyo. Sa proseso ng pagkuha ng mga likas yaman na ito, ang sustainability ng mga kalikasan, ng mga pamayanang nakapaligid dito, ay nalalagay sa peligro. Para sa mga mamamayang lumalaban upang mapangalagaan ang kalikasan at mga pamayanang umaasa dito, maaaring buhay din nila ang malagay sa peligro.

Isang halimbawa, kapanalig ay ang issue ng illegal logging sa ating bayan. Hanggang ngayon, talamak pa rin ang praktis na ito kahit pa paulit ulit na lamang ang paalala sa lipunan ng kahalagahan ng puno sa ating buhay. Noong nakaraang taon, milyong milyong halaga ng mga illegally cut timber ang nakumpiska ng pamahalaan. Maswerte pa tayo kapanalig, at may nahuhuli. Pero paano naman ang mga di nahuhuli? Patuloy na lang ba nila uubusin ang mga puno sa ating kagubatan?

Sa ngayon, isa sa mga naging malaking biktima ng illegal logging at deforestation ay ang Sierra Madre, ang gulugod ng Luzon, na siyang nagtatanggol sa atin sa mga malalakas na bagyo at hangin. Dahil sa pagputol ng mga puno dito, may pag-aaral na nagsasabi na 90% na lamang ang natitirang forest cover nito. Hindi kayang habulin ng reforestation program ng bayan ang mabilis na pagkawala ng mga puno sa Sierra Madre. At sa gitna ng kawalan na ito, may mga armed invasion pa na nagaganap sa bahagi nito.

Isa lamang ito, kapanalig, sa halimbawa ng kahirapan sa pagtatanggol ng ating kalikasan. Paano ba natin matitiyak na ang ating mga likas yaman ay magiging sustainable para sa kapakinabangan ng lahat kung buhay naman ang kapalit sa pagtatanggol nito?

Kapanalig, tayo ang inatasang stewards of creation ng ating Panginoon. Tayo ay may pananagutan sa kalikasan. Sana, lahat tayo, ay tanggapin at angkinin ang pananagutan na ito, upang ating masakatuparan ang tagubilin mula sa Gaudium et Spes: Ibinigay ng Diyos ang kalikasan para sa lahat, upang pantay pantay nating pagsaluhan ang biyayang ito, gabay ng katarungan at pagmamahal.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 1,764 total views

 1,764 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 39,574 total views

 39,574 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 81,788 total views

 81,788 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,329 total views

 97,329 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 110,453 total views

 110,453 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 13,956 total views

 13,956 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 1,765 total views

 1,765 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 39,575 total views

 39,575 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 81,789 total views

 81,789 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,330 total views

 97,330 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 110,454 total views

 110,454 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 123,352 total views

 123,352 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 107,516 total views

 107,516 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 126,621 total views

 126,621 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 133,275 total views

 133,275 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 130,626 total views

 130,626 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Scroll to Top