Health emergency dahil sa HIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 131,765 total reads

Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV), lalo na sa mga nasa edad 15 hanggang 25.

Sa datos ng ahensya, bumulusok nang 500% ang HIV cases sa age group na ito sa pagitan ng 2010 at 2023. Ang pinakabata, ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ay isang batang labindalawang taóng gulang. Sa Western Pacific Region, ang Pilipinas daw ang may pinakamaraming bagong kaso ng HIV. Ang ating average nitong unang tatlong buwan ng 2025 ay 57 na kaso bawat araw! Hindi bababa sa limanlibo ang mga kasong naitala ng DOH sa panahong iyon, halos doble ng bilang ng mga HIV cases na nai-record ng ahensya sa kaparehong panahon noong isang taon. Ang mas ikinababahala ng DOH ay ang mga kabataang nahahawahan ng HIV. Kung hindi raw ito maagapan, aabot sa 400,000 ang people living with HIV sa ating bansa. Nais ng DOH na ituring ito bilang isang national health emergency.

Pangunahing nakukuha ang HIV, na nauuwi sa AIDS o acquired immune deficiency syndrome, sa hindi protektadong pakikipagtalilk. Mula nang i-monitor ng Pilipinas ang HIV at AIDS noong 1985, lumilitaw sa datos na 96% ng mga naitalang kaso ay sexual contact ang sanhi. May mga kaso ring naipapasa ito ng isang nanay na may HIV sa kanyang sanggol; ito ang tinatawag na mother-to-child transmission. 

Sensitibong paksa pa rin ang HIV at AIDS sa ating bansa. Iniiwasan itong pag-usapan dahil sa negatibong pagtingin sa mga taong nahahawahan. Madalas kasi itong iugnay sa sexual behavior ng mga tao, at aminin nating hindi pa bukás ang kaisipan ng marami sa atin tungkol sa usaping ito. May stigma na kadikit ang pagkakaroon ng HIV. Mababa ang tingin natin sa mga people living with HIV. Kapag pumasok pa sa usapan ang relihiyon, tinitingnan ang mga taong namumuhay nang may HIV bilang mga makasalanang tao. Dapat nating ituwid ito, mga Kapanalig.

Kaya naman, makatulong sana ang panawagan kamakailan ni Bishop Oscar Jaime Florencio, Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care. Hinikayat niya ang mga taong may HIV, lalo na ang mga kabataan, na huwag matakot humingi ng tulong. Huwag silang mahiyang magpasuri para alamin ang kanilang status o kalagayan, lalo na kung sila ay sexually active. Bahagi sila ng Simbahan, pagtitiyak ni Bishop Florencio. “We know that you are part of the Church we serve and love,” wika ng obispo.

National emergency man o hindi ang pagtaas ng mga kaso ng HIV sa ating bansa, katuwang ng ating gobyerno ang Simbahan sa pagharap sa hamong pangkalusugan na ito. Siguradong may mga grupo pa rin sa ating Simbahan ang hindi lubos na natatanggap ang mga taong may HIV at ikinakabit pa rin ang kanilang kalagayan sa pagiging makasalanan. Pero maging bahagi sana tayo ng Simbahang mas nauuna ang pag-ibig at pagmamalasakit kaysa sa panghuhusga at pagsasantabi sa ating kapwa. Sa ganitong paraan, mas maaabután ng akma at sapat na tulong ang mga people living with HIV. 

Tungkol naman sa nakaaalarmang pagdami ng kaso ng HIV sa mga kabataan, tandaan nating nagsisimula ang paghubog sa kanilang pagkatao sa ating pamilya. Turuan natin silang igalang ang kanilang kapwa at pangalagaan ang kanilang sarili. Subaybayan natin sila. Maging mabuting halimbawa tayo sa kanila. Ituro natin sa bata ang daang dapat nilang lakaran, paalala nga sa Mga Kawikaan 22:6.

Mga Kapanalig, ibang iba na ang mundo natin ngayon, pero hindi nagbabago ang imbitasyon sa ating mga Katoliko na igalang ang kalayaan ng bawat isa at alagaan ang isa’t isa, kabilang ang mga people living with HIV.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 113,853 total reads

 113,853 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 189,976 total reads

 189,976 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 223,424 total reads

 223,424 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 258,723 total reads

 258,723 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 480,795 total reads

 480,795 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 113,854 total reads

 113,854 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 189,977 total reads

 189,977 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 223,425 total reads

 223,425 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 258,724 total reads

 258,724 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top