Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 135,506 total views

Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310 o 4Ps Act. Ito ay national flagship program o national poverty reduction strategy., ang programa ay nagkakaloob ng conditional cash transfer sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino. Layon nito na pagbutihin ang kalusugan at nutrisyon ng mga bata at ina sa pamamagitan ng preventive health care., itaas ang enrollment at attendance rate ng mga kabataan sa mga child development center,preschool,elemetarya at secondary schools. Misyon ng programa na ibaba ang child labor, itaas ang consumption rate ng mga mahihirap na pamilya sa pagkain, akayin ang mga magulang na mag-invest sa kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga anak, gawing kaaya-aya ang parenting roles ng mga beneficiaries, at maging positibo ang kanilang partisipasyon sa community development activities.

Matapos ang ilang taong implementasyon ng 4Ps Kapanalig, nababalot pa rin ng problema ang anti-poverty program ng pamahalaan. Natuklasan sa pag-aaral ng Philippine Institute for Developmental Studies o PIDS na mahigit sa 1.1-milyong reklamo ang inihain ng mga benepisaryo ng 4Ps mula taong 2014 at 2022.

May kinalaman ang reklamo sa delayed payments, system inefficiencies o palpak na sistema at kakulangan ng public awareness na hadlang sa epektibong delivery ng cash aid sa mga mahihirap na benepisaryo.

Kapanalig, nabunyag sa pag-aaral ng PIDS ang palpak na pagpapatakbo o pangangasiwa ng pamahalaan sa Grievance Redress System (GRS) na pangunahing tool na tugunan ang mga reklamo, request at suhestiyon ng 4Ps beneficiaries. Dahil sa hindi epektibong paggamit ng GRS, ang mga problema sa conditional cash transfer ay hindi naging dokumentado. Nagiging internal na lamang ito sa mga implementing agencies. Apektado din ng inclusion at inclusion errors ang programa, inaabot ng ilang taon na hindi nakakatanggap ng ayuda ang mga beneficiary. Dahil sa kapalpakan Kapanalig, nalalagay sa peligro ang buhay ng mga kapuspalad.

Dahil palpak ang implementasyon, kinakailangan na naman ng legislative reform upang maresolba ang delayed payments at pabago-bagong halaga ng cash aid…Nabatid na mahigit sa isang milyong household beneficiaries ang sinuspendi ang conditional cash transfer at mahigit sa 800,000 na pamilya ang nire-validate at walang tinatanggap na cash aid. Ang nakakalungkot, para sa DSWD na siyang nagpapatupad ng programa., ang mga reklamo ay itinuturing lamang na “operational feedback”. Ang nakakadismaya, hindi kasama sa listahan ang mga totoong mahirap na pamilya… ang nakakatanggap ng ayuda o cash aid ay yaong mga hindi mahihirap na household.

Kapanalig, kapag maraming reklamo sa programa., ito ay sumasalamin sa palpak na pagpapatupad ng DSWD… Ito ay malinaw na incompetence ng ahensiya… Simple lamang ang nais ng mga beneficiaries, hindi lang pagtugon sa problema kundi bigyan sila ng digdinidad, ipaliwanag ang teknikalidad, at maging kaagapay sa dinaranas ng mga benepisaryo.

Kapanalig, iginiit sa Katesismo para sa mga Katolikong Pilipino 1187 ang piling pagtatangi para sa mga dukha(CA.57).Iginigiit sa PCP II ang pagpiling ito alinsunod sa pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng mabilis na pagtugon sa ating bayan kung saan ang malaking bahagi ng mga mamamayan ay nakalublob sa kahabag-habag na karalitaan at pagdurusa.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,168 total views

 14,168 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,105 total views

 34,105 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,365 total views

 51,365 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,897 total views

 64,897 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,477 total views

 81,477 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,629 total views

 7,629 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

STATE AID o AYUDA

 14,169 total views

 14,169 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,106 total views

 34,106 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,366 total views

 51,366 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,898 total views

 64,898 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,478 total views

 81,478 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 119,508 total views

 119,508 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 118,493 total views

 118,493 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 131,146 total views

 131,146 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 125,261 total views

 125,261 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »
Scroll to Top