Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Synod on Synodality report, agenda sa ika-130TH CBCP Plenary assembly

SHARE THE TRUTH

 20,347 total views

Tatalakayin ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas ang resulta ng Synod sa ika-130th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lalawyan ng Bohol.

Ito ang ibinahagi sa Pastoral Visit on Air sa Radyo Veritas ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace kaugnay sa pagtitipon ng kalipunan sa darating na ika-5 hanggang ika-7 ng Hulyo, 2025.

Ayon sa Obispo na siya rin ng pangulo ng Caritas Philippines, kabilang sa gawaing nakahanay para sa retreat ng mga Obispo na nakatakda sa unang araw hanggang ika-apat na Hulyo, 2025 ang pakikipagtalakayan sa Synodal Team ng bawat diyosesis at sub-regions ng mga Metropolitan provinces.

Ibinahagi ni Bishop Bagaforo na nakasalalay sa magiging talakayan ang pagbubuo ng national team ng synod ng mga panuntunan para sa pagsasakatuparan ng mga pagbabago sa pamamahala sa Simbahan bilang isang ganap na Simbahang Sinodal.

“Imbitado namin hindi lang ang mga Obispo, kung hindi yung mga synodal team sa bawat dioceses or sub-regions ng ating mga metropolitan provinces… Kasama naming sila from all over in the Philippines kaya malakihan itong grupo, from July 1 hanggan July 4. Conversation in Spirit – parang retreat, in the spirit of a retreat, pag-uusapan ang resulta ng Synod at paano natin ma-implement sa ating mga Simbahan… Pagkatapos nito ang mangyayari, ang national team ng synod will now come up ng mga guidelines.” Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo.

Partikular na tinukoy ni Bishop Bagaforo, ang inaasahang higit na pagsusulong sa aktibong partisipasyon ng mga layko sa mga gawaing pang-Simbahan kabilang na ang pangangasiwa dito.

Inaasahan ring matatalakay sa nakatakdang 130th Plenary Assembly ang pagkakaroon ng higit na partisipasyon ng mga kababaihan sa Simbahan bilang pagsasakatuparan ng isang ganap na Simbahang Sinodal.

“Isa siguro yung pagbabago in the governance, yung pagpapatakbo ng simbahan, more involvement of the lay people. Hindi lang sa mga council kung hindi actual governance talaga, for example pagpili ng mga pari in the ordination of the priest, well lalong-lalo na sa administrative na function ng ating simbahan – involvement of lay people will be important there, yung mga role ng mga women, titignan on how we will be involve more women sa ating Simbahan.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Ang Synod on Synodality ay inisyatibo ng Kaniyang Kabanalang Francisco na layuning isulong ang sama samang paglalakbay ng Simbahan tungo sa nag-iisang hangarin at misyon.

Itinakda ng CBCP ang pagtitipon ng mga pastol ng Simbahan sa June 30 hanggang July 7 na isasagawa sa kauna-unahang pagkakataon sa lalawigan ng Bohol.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,156 total views

 14,156 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,093 total views

 34,093 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,353 total views

 51,353 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,885 total views

 64,885 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,465 total views

 81,465 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,616 total views

 7,616 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 20,179 total views

 20,179 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 27,199 total views

 27,199 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top