Paglikha ng Inter-Dicasterial Commission on Artificial Intelligence, inaprubahan ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,239 total views

Inaprubahan ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang paglikha ng Inter-Dicasterial Commission on Artificial Intelligence upang tugunan ang mga usaping kaugnay ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence o AI.
Layunin ng bagong komisyon na pag-aralan ang epekto ng AI sa tao at lipunan habang pinangangalagaan ang dignidad at integral na pag-unlad ng bawat indibidwal.

Ayon sa Holy See, pansamantalang pangungunahan ng Dicastery for Promoting Integral Human Development ang koordinasyon ng grupo sa unang taon ng operasyon nito.

Isinapubliko ni Cardinal Michael Czerny, Prefect of the Dicastery for Promoting Integral Human Development ang naturang hakbang at ibinahagi ang pagmamalasakit ng Simbahan para sa dignidad ng bawat tao dahil sa mga potensyal na epekto ng pag-unlad ng artificial intelligence o AI sa mga tao at kabuuan ng sangkatauhan.

Magsisilbing mandato at responsibilidad ng institusyon na mapadali ang kolaborasyon at ugnayan sa pagpapalitan ng impormasyon sa mga miyembro ng grupo tungkol sa mga aktibidad, gawain at proyekto na may kaugnayan sa Artificial Intelligence, kabilang ang mga patakaran sa paggamit nito sa loob ng Holy See, habang itinataguyod ang diyalogo, komunyon, at pakikilahok.

“It is the responsibility of the coordinating institution to facilitate collaboration and the exchange of information among group members regarding activities and projects related to Artificial Intelligence, including policies on its use within the Holy See, while promoting dialogue, communion, and participation.” Dagdag pa ni Cardinal Czerny.

Binubuo ang komisyon ng mga kinatawan mula sa pitong tanggapan ng Vatican kabilang ang Dicastery for Promoting Integral Human Development, Dicastery for the Doctrine of the Faith, Dicastery for Culture and Education, Dicastery for Communication, Pontifical Academy for Life, Pontifical Academy of Sciences, at Pontifical Academy of Social Sciences.

Matatandaang madalas ding binibigyang-diin ni Pope Leo XIV ang pangangailangang gamitin ang makabagong teknolohiya nang may pananagutan at paggalang sa dignidad ng tao lalo na sa harap ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence sa kasalukuyang modernong panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 108,428 total views

 108,428 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 138,651 total views

 138,651 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 165,299 total views

 165,299 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 260,272 total views

 260,272 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 274,289 total views

 274,289 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top