ACN Philippines, nagpapasalamat sa Archdiocese of Tuguegarao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,274 total reads

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Aid to the Church in Need (ACN) Philippines sa St. Peter Metropolitan Cathedral ng Archdiocese of Tuguegarao sa pangunguna ni Fr. Frank Manibog para sa mainit na pagtanggap sa “Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi.”

Ayon sa ACN-Philippines, malaking inspirasyon ang ipinakitang pagkakaisa, suporta, at malasakit ng pamayanan sa adhikain ng caravan na isulong ang kapayapaan, pagkakaisa, at pakikiisa para sa muling pagbangon ng Prelatura ng Marawi.

“Our heartfelt gratitude to the St. Peter Metropolitan Cathedral of the Archdiocese of Tuguegarao, headed by Fr. Frank Manibog, for warmly accommodating our Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi. Your kindness, support, and hospitality truly inspire unity, peace, and solidarity among communities. Thank you for being part of this meaningful journey.” Bahagi ng pahayag ng ACN-Philippines.

Lubos ding pinasalamatan ng ACN-Philippines ang University of Saint Louis Tuguegarao sa ipinagkaloob nitong donasyon para sa muling pagtatayo ng Pro-Cathedral ng Marawi bilang simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at patuloy na paghihilom ng sugatang pamayanan matapos ang Marawi Siege noong 2017.

Binigyang-diin ng ACN Philippines na ang bawat suporta at pakikiisa mula sa Arkidiyosesis ng Tuguegarao ay hindi lamang simpleng tulong pinansyal kundi isang patunay ng pananampalataya, malasakit, at pakikipagkapwa para sa mga mamamayan ng Prelatura ng Marawi.

“We are also deeply thankful for your generous donation in support of the rebuilding of the Pro-Cathedral of Marawi. Your kindness and unwavering missionary zeal as members of the Congregation of the Immaculate Heart of Mary continue to inspire hope, unity, and healing among the people of Marawi. Your support is more than a contribution — it is a testament to solidarity, faith, and compassion. Through your generosity, we are reminded that rebuilding a community also means rebuilding hope and strengthening the spirit of peace.” Dagdag pa ng ACN-Philippines.

Partikular din nagpasalamat ang sangay ng Pontifical Foundation ng Vatican sa Pilipinas sa University of Saint Louis Tuguegarao sa pangunguna nina University President Rev. Fr. Macwayne Maniwang, CICM, Ph.D., at University Chaplain Rev. Fr. JM Barroga, CICM, kasama ang iba pang kawani ng unibersidad at ng Arkidiyosesis ng Tuguegarao, para sa kanilang mainit na pagtanggap at suporta sa misyon ng ACN Philippines.

Tampok din sa caravan na mag-iikot sa 14 na arkidiyosesis sa buong bansa ang restored image ng Our Lady Mary Help of Christians ng Marawi, na nasira noong Marawi Siege.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,515 total reads

 50,515 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,158 total reads

 130,158 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,605 total reads

 163,605 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,903 total reads

 198,903 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,432 total reads

 423,432 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top