131,159 total views
Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at korapsyon.
Tulad halimbawa ng Republic Act 8990 o Early Childhood Care and Development Act na isinabatas noong taong 2000…Maganda ang layunin…itaguyod at patatagin ang infant at child survival rates sa pamamagitan ng maganda at maayos na childhood care at edukasyon.
Ang resulta Kapanalig, noong 2022., natuklasan sa pag-aaral ng PIDS na 20-porsiyento lamang ng mga bata na may edad tatlo (3) hanggang apat (4) taong gulang ang naka-enroll sa pre-kindergarten…23-percent lamang ang nabibiyayaan mula sa feeding programs ng pamahalaan. Sa kabuuan, mayroon lamang na 33,000 daycare centers sa buong bansa.., malayo ito sa 96,000 na kinakailangan… ang malala, kulang na kulang ang child development workers. Ang kakulangang ito ay naging balakid para makita ang potensiyal ng isang bata.
Ang isang batas Kapanalig ay may nakalaang pondo., nasaan na kaya ang pondo? Inaatasang sumuporta sa pagpapatupad ng RA 8990 ang Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Agriculture (DA), at National Nutrition Council (NNC). Anong ahensiya kaya ang may sala? Ang nagkulang?
Natukoy sa pag-aaral na ang burukrasya, pagpopondo at iba pang hadlang ang naging balakid sa tagumpay ng programa. Kabilang din ang kawalan ng national support sa early childhood services at kawalan ng incentives sa mga local government units para sa long term solutions.
Dahil total failure ang RA 8990., upang matugunan ang mga butas sa pangangalaga, nutrisyon at edukasyon ng mga bata mula ipanganak hanggang limang taong gulang., pinalitan ito at isinabatas nitong March 8, 2025 ang Early Childhood Care and Development System Act o Republic Act No. 12199.
Ang pinagkaiba sa bagong batas, inaatas ng ECCD System Act ang pagtatag ng ECCD offices sa bawat probinsiya, lungsod at munisipalidad sa buong bansa kung saan binigyang kapangyarihan ang mga LGU na maging online frontliners… Harinawa Kapanalig, hindi na mapolitika, hindi ma-corrupt., hindi mabulsa ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ang pondo…Harinawa, ang pondo ay tunay na mapunta sa kapakanan ng mga bata.
Ipagdasal natin Kapanalig ang holistic child development sa buong kapuluan.
Iginiit sa Matthew 18:10 na “See that you do not despise one of these little ones. For I tell you that their angels in heaven always see the face of my Father in heaven.”
Pinapahalagahan din ang kabutihan ng mga bata sa Psalm 127:3-“Children are a heritage from the Lord, offspring a reward from him”.
Sumainyo ang Katotohanan.