Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang tunay na kayamanan, nakikita ng mata, nakikilala ng puso

SHARE THE TRUTH

 9,666 total views

Lord My Chef Daily Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II
Sacred Heart Novena Day 3, 20 June 2025
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Kamangha-mangang pakinggan mga obserbasyon ng Panginoong Jesus sa maraming bagay sa ating buhay na nagpapatunay na taong-tao nga siya katulad natin. Nakatapak siya sa lupa at dama lahat ng ating karanasan at pinagdaraanan katulad nitong pahayag niya sa ebanghelyo sa araw na ito na muling tumugma sa ating pagnonobena sa Sacred Heart.

Sinabi ni Jesus, “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang tanga at kalawang at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, impukin ninyo ay mga kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang tanga at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong puso” (Mateo 6:19-21).

Higit pa sa isang obserbasyon, inaanyayahan at hinahamon din tayo ngayon ni Jesus na suriing mabuti upang matapat nating maamin sa sarili kung saan nga ba nakatuon ang puso natin. Ano o sino nga ba ang ating tanging yaman o tunay na kayamanan sa buhay?

Photo by Lara Jameson on Pexels.com

Hindi pa rin mabura sa aking isipan isang katotohanang tumambad sa akin nitong nakaraang Christmas party sa opisina kung saan noong parlor game na “bring me” ay tinanong ng emcee kung “ano ang una mong hinahanap pagkagising sa umaga?”

Sagot ko ay salamin upang mabasa ko ang oras subalit laking gulat ko na ang tumpak na sagot daw ay cellphone!

Nagsurvey ako sa elevator hanggang sa Misa noong hapon na iyon sa chapel maging noong Simbang Gabi sa parokya at ang sagot ng bayan – cellphone pa rin!

Naisip-isip ko, wala bang naghahanap ng tsinelas o kape o ng asawa o ng anak man lang pagkagising kungdi cellphone?

Paano na ang Diyos, may naghahanap pa ba sa kanya tuwing umaga? Siguro kapag mayroon na lang krisis o matinding pagsubok ang tao sa kanyang buhay. Ngunit kung sagana at maayos ang pamumuhay, mga materyal na bagay ating inaatupag marahil, lalo na ang cellphone at social media.

Pagmasdan kung paanong halos sambahin ng mga tao ngayon ang cellphone na pirming dala-dala hanggang sa loob ng simbahan o palikuran. Sa mga sasakyan at tahanan at kung saan-saan, nakakagulat makita lalo mga bata nakasubsob ang ulo sa cellphone. Ang malungkot, isa sa mga unang inaalam ng karamihan ngayon ay kung anong cellphone ang gamit mo dahil dito na sinusukat ang pagkatao lalo na kapag gamit mo ay iPhone 16 Pro-Max! May nagtatanong pa nga kung “fully paid” daw ba iyong Pro-Max?

At hindi biro ang halaga ng mga cellphone ngayon kaya nga para tayong mga baliw hindi lang sa pagbili nito kungdi sa labis na pagpapahalaga. Pagmasdan kapag nawawala ang cellphone nino man – hindi mapakali at parang kiti-kiti sa pagkapkap ng buong katawan at pag-aapuhap sa kapaligiran para matagpuan nawawalang cellphone. Kay saklap na katotohanan subalit halos lahat tayo ay guilty, your honor.

Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, 2015.

Sa ikatlong araw din na ito ng ating nobenaryo sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, tayo man ay kanyang inaanyayahan na maging malinaw at matalas ating mga mata upang makita natin higit na mahahalaga sa buhay.

“Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya’t kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya’t kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!” (Mateo 6:22-23)

Kapag malabo ating mga mata, kapag mga bagay na materyal lang pinapansin at binibigyang halaga at ayaw nang tumanaw sa malalalim na katotohanan sa buhay, iba ang kahihiligan ng ating puso.

Mananatili tayong salat at dukha sa tunay na kayamanan sa Diyos na tanging sa kanya lamang matatagpuan sa pamamagitan ng ating mga ugnayan sa ating mga kapwa lalo na sa ating pamilya at mga kamag-anak pati na mga kaibigan. Sa ating pakikipag-ugnayan, doon lumalalim at yumayaman ating katauhan sa iba’t ibang karanasan ating napagdaraanan lalo na ng mga pagsubok at dagok sa buhay tulad ng hindi mahalin, tanggihan o talikuran at pagtaksilan, masaktan at mabigo, magkasakit at maghikahos sa buhay, maging mamatayan.

Iyan ang itinuturo ni San Pablo sa unang pagbasa: para sa kanya, ang ipinagmamalaki niyang higit ay ang kanyang mga kahinaan at kabiguan dahil doon nahahayag kapangyarihan at kadakilaan ni Jesus. Taliwas at salungat sa gawi ng mundo lalo ngayon na puro payabangan, pahusayan, pasikatan mga tao lalo na sa social media.

Subalit batid din natin naman ang masaklap na katotohanan na sa kabila ng maraming karangyaan at kayamanan, kapangyarihan at katanyagan, lalo namang naliligaw at nawawala mga tao sa ngayon. Kulang at kulang pa rin ating kagalakan at kaganapan o fulfillment sa buhay.

Wika nga ni San Agustin, “Ginawa mo kami para sa Iyo, O Panginoon, at hindi mapapanatag aming puso hanggat hindi napapahingalay sa Iyo” (You have made us for yourself, O Lord, and our hearts are restless until they rest in you”).

Ngayong ikatlong araw ng ating pagsisiyam sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, buong kababaang loob tayo dumulog sa kanya at ilahad ating mga pusong dukha at salat sa tuwa at kagalakan, ang ating mga puso na taksil at puno ng kasalanan. Higit sa lahat, atin ding mga puso na sugatan sa maraming sakit at hapis na pinagdaanan. Hayaan nating linisin, hilumin at panibaguhin ni Jesus ating mga puso upang siya na ang lumuklok at manahan dito yaman rin lamang na Siya ang ating tanging yaman. Managing tayo:

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,662 total views

 13,662 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,599 total views

 33,599 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 50,859 total views

 50,859 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,412 total views

 64,412 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 80,992 total views

 80,992 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,198 total views

 7,198 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

When name is the presence

 2,238 total views

 2,238 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 17 July 2025 Thursday, Fifteenth Week in Ordinary Time, Year I Exodus 3:13-20 <*(((>< +

Read More »

Simplicity of God. And Mary.

 2,728 total views

 2,728 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 16 July 2025 Wednesday, Memorial of Our Lady of Mount Carmel Exodus 3:13-20 ><}}}*> +

Read More »

Feeling God

 4,260 total views

 4,260 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 15 July 2025 Tuesday, Memorial of St. Bonaventure, Bishop & Doctor of the Church Exodus

Read More »

Come. Welcome.

 5,239 total views

 5,239 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 14 July 2025 Monday, Memorial of St. Camillus de Lellis, Priest Exodus 1:8-14, 22 <*((((><

Read More »

Accompany me, Lord

 7,796 total views

 7,796 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 11 July 2025 Friday, Memorial of St. Benedict, Abbot, Fourteenth Week in Ordinary Time Genesis

Read More »

Praying to be better, not bitter

 7,121 total views

 7,121 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 10 July 2025 Thursday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 44:18-21,

Read More »

Praying for those “lost”

 8,150 total views

 8,150 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 09 July 2025 Wednesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 41:55-57,

Read More »

Wrestling with God

 9,674 total views

 9,674 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 08 July 2025 Tuesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 32:23-33

Read More »

If….

 9,736 total views

 9,736 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 07 July 2025 Monday in Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 28:10-22 <*((((><

Read More »
Scroll to Top