Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkapanalo ng Filipina-German sa Ms.Supranational 2025, ipinagmalaki ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 40,145 total views

Ikinagalak ng Caritas Manila ang pagkapanalo bilang first runner up ni Filipino-German Ms. Anna Valencia Lakrini sa kakatapos lamang na Ms. Supranational 2025.

Ito ay dahil bukod sa pagiging beauty queen, nagsisilbi si Lakrini bilang Munting Pag-asa Program Ambassadress na integrated nutrition program ng Caritas Manila upang maiwasan o labanan ang malnutrisyon sa Pilipinas.

“Congratulations to Anna Valencia Lakrini, our Munting Pag-asa Program Ambassadress, for bagging the Ms. Supranational 2025 1st Runner-up crown! 👑We are proud of you!,” ayon sa mensahe ng Caritas Manila.

Sa kaniyang Question and Answer Portion bago manalo si Lakrini ay kaniyang binanggit ang adbokasiya sa Caritas Manila kung saan kaniyang personal na nakasalamuha ang mga batang benepisyaryo ng Munting PagAsa Program.

Ibinahagi ng kandidato na bukod sa pagmamahal sa kapwa, ang mga adbokasiyang niyang katulad ng ‘From the Ground Up’ at pakikipagtulungan sa Caritas Manila ay pagbibigay ng pagmamahal, pagtulong at respeto sa kapwa higit na sa mga bata.

“Just a Couple of Months Ago I was working with Caritas Manila and a little girl coming up to me and ask me to hug her, and I said yes, and so many other little kids came to me and came in for the hug and this showed the compassion and showed me that my ‘From the Ground Up Project’ is more than just love, it is compassion it shows dignity and I want to show the world that we’re all here to show respect, love and dignity when we come in together in supranational unity,” ayon sa kasagutan ni Lakrini sa Ms.Supranational 2025.

Bagamat kinatawan ng Germany si Lakrini ay hindi niya kinalimutan ang Pilipinas, sa pamamagitan ito ng pagalala sa kaniyang ‘Filipino Roots’ at pakikipagtulungan sa Caritas Manila upang magbigay ng pag-asa at kinakailangan tulong sa mga benepisyaryo ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,465 total views

 14,465 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,402 total views

 34,402 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,662 total views

 51,662 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 65,186 total views

 65,186 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,766 total views

 81,766 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,881 total views

 7,881 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 32,683 total views

 32,683 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top