Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 207 total reads

30th Sunday in Ordinary Time Cycle A

Prison Awareness Sunday

Ex 22:20-26 1 Thess 1:5-10 Mt 22:34-40

Naghahanap ang mga komokontra kay Jesus ng dahilan na may ibintang sa kanya at siraan siya. Noong nakaraang Linggo sinubok nila kung masisilo siya tungkol sa usapin ng buwis, kung naaayon ba sa kautusan na magbigay ng buwis sa Cesar o hindi. Nabigo sila. Hindi nila inaasahan ang sagot ni Jesus na ibigay kay Cesar ang kay Cesar at sa Diyos ang sa Diyos. Ngayon naman, ang sinubok si Jesus ng mga Pariseo, ang mga tao na tumutupad ng batas ni Moises. Ang tanong sa kanya ng dalubhasa sa batas ay kung alin ang pinakamahalagang utos sa kautusan. Siguro tinitingnan niya kung alam ni Jesus ang kautusan. May mga 613 na mga utos sa kautusan. Napakarami noon. Hind iyan maalaala ng mga tao. Kaya ang pinag-didiskusyunan ng mga tao ay, alin ang mahahalagang utos. Hindi man maalaala at magawa ang lahat ng mga batas, at least man lang masundan nila ang mahahalagang batas lalo na ang pinakamahalagang utos.

Ang sagot ni Jesus ay alam ng maraming masunurin na mga Hudyo: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.” Ito ay bahagi ng Bibliya na inuulit ng mga Hudyo tatlong beses araw-araw, ang tinatawag na Shema Israel. Pinapahiwatig nito ang katangian ng relihiyon ng mga Hudyo – ang pagkilala at pagsamba sa iisang Diyos lamang.
Pero may pagbabago na dinagdag si Jesus. Isang utos lang ang tinatanong sa kanya, ang pinakamahalaga, pero ang sagot niya ay dalawa. Idinugtong niya ang mga salitang, “ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Nasa Banal na Kasulatan din ito. Idinugtong niya ito kasi ayon sa kanya ang pangalawang utos na ito ay tulad ng nauna. Hindi pwedeng paghiwalayin ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Sinulat ni San Juan sa kanyang liham sa Bagong Tipan na hindi natin maaaring ibigin ang Diyos na hindi natin nakikita na hindi natin minamahal ang kapwang nakikita natin. Ang nagsasabing mahal niya ang Diyos at kinapopootan ang kanyang kapwa ay sinungaling. Wala ang katotohanan sa kanya.

Napapatunayan na mahal natin ang Diyos sa ating pagmamahal sa kapwa, lalo na sa kapwa na hindi pinapansin at isinasantabi. Madaling mahalin ang kapwang maganda. Nakakatawag sila ng pansin. Ang kapwang mayaman, ang kapwang mabait sa atin, ang kapwang may posisyon ay madaling igalang at pagbigyan. Pero ang iba ay madaling pabayaan at pagsamantalahan pa nga. Kaya narinig natin sa ating unang pagbasa ang sinabi ng Batas ng Panginoon: “Huwag ninyong aapihin ang mga taga-ibang bansa… huwag ninyong aapihin ang mga babaeng balo, ang mahihirap at mga ulila.” Madaling pabayaan at pagsamantalahan pa nga ang mga ito kasi wala naman silang kalaban-laban. Pero hindi! Kung hindi man natin sila pinapansin, naririnig sila ng Diyos. Ang Diyos ang maghihiganti.

Hindi lang na huwag natin silang aapihin; dapat ay pagbibigyan at tutulungan natin sila. Kung mangungutang ang ating kapwang mahihirap, pahiramin natin sila na hindi na humihingi ng tubo. May mga tao na napipilitang mangutang dala ng matinding pangangailangan – pambili ng gamot para sa anak, pambili ng pagkain, at tutubuan pa natin sila! Pinagkakakitaan pa natin ang kapwa natin na nangangailangan! Iba iyong nangutang sa atin para pampuhunan sa kanilang business. Dahil sa ating pera, kumikita sila. Makatarungan lang na may kita rin tayo sa pera natin na pinagkakitaan nila. Pero huwag na nating pagkakitaan ang matinding pangangailangan ng iba.

Ang ating pag-ibig ay naipapakita natin sa pagbibigay ng nararapat sa minamahal natin. Ano ang nararapat sa Diyos? Ang ating pagsamba. Siya ay dakila sa lahat. Sa kanyang nanggaling ang lahat – kilalanin at sambahin natin siya kung mahal natin siya. Ginagawa natin ito sa pagdakila sa kanya, sa pagpasalamat sa kanya, sa pagdarasal sa kanya. Bibigyan natin siya ng panahon. Ang araw ng Linggo ay ang araw ng pagsamba. Hindi lang tayo nagsisimba kasi may hinihingi tayo. Nagsisimba tayo kasi dinadakila at pinasasalamatan ang Diyos.

Ano naman ang pagmamahal sa ating kapwa? Ang pakikiisa at pagtulong sa kanila. Huwag nating gamitin ang kapwa; paglingkuran natin sila. Hanapin natin ang ikabubuti ng iba at hindi lang ang pakikinabang natin sa kanila.

Maganda at tinuturuan tayo ni Jesus na huwag paghiwalayin ang pag-ibig sa Diyos sa pag-ibig sa kapwa. Hindi natin mayayakap ang Diyos. Hindi naman natin siya matutulungan kasi wala naman siyang pangangailangan. Ang mayayakap natin ay ang ating kapwa; ang matutulungan natin ay ang ating kapwa. At maliwanag na sinabi ni Jesus na anumang ginawa natin sa iba, lalo na sa mga mahihirap, ay ginagawa natin sa kanya. Siya ang maggagantimpala. Kaya ang pagkain sa nagugutom, ang pagbisita sa may sakit at nasa bilangguan ay paglilingkod kay Jesus. Pero kung pinababayaan natin ang mahihirap, siya ang ating pinababayaan. May parusa din dito. Hindi lang tayo pinaparusahan sa kasamaan na ating ginagawa. May parusa din sa kabutihan na hindi natin ginawa.

Isang sektor ng kapwa na ating pinababayaan ay ang mga bilanggo. Kinukulong sila dahil sa may masama daw silang ginawa. Hinihiwalay sila sa lipunan. Hindi ibig sabihin nito na kakalimutan na natin sila at pababayaan. Sinabi ni Jesus, “ako ay nasa bilangguan at dinalaw mo ako. Halina sa kaharian na inihanda para sa inyo.” Hindi lahat ng nasa bilangguan ay masasamang tao. Marami ang nandoon dahil sa sila ay biktima ng pagsasamantala. Kaya ngayon ay Prison Awareness Sunday. Pinapaalaala sa atin na pansinin ang mga nabibilanggo. Kapwa tao pa rin natin sila at makakaambag sila sa lipunan kung bibigyan lang ng pagkakataon. Kaya ang mga bilangguan natin ay dapat maging rehabilitation centers, at hindi lang lugar ng pagpaparusa at lalo na hindi lugar ng paghihiganti. Mayroon tayong second collection ngayon para sa prison ministry ng simbahan. May mga grupo na pumupunta sa mga piitan upang dalawin ang mga bilanggo, upang magmisa doon at mabigyan din sila ng sabon o personal na kailangan nila, lalo na ang hindi na dinadalaw. Sa ating second collection nakikiisa tayo sa magandang gawaing ito. Sinabi ni Jesus, ako ay nasa bilangguan ang inyong dinalaw. Pumasok kayo sa kaharian ng langit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 41,905 total reads

 41,905 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,269 total reads

 127,269 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 174,006 total reads

 174,006 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 221,878 total reads

 221,878 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 323,903 total reads

 323,903 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily October 18 2026

 11,044 total reads

 11,044 total reads 29th Sunday in Ordinary Time Cycle A World Mission Sunday Sunday for Cultures Is 45:1.4-6 1 Thess 1:1-5 Mt 22:15-21 Kaunting kasaysayan lang.

Read More »

Homily October 11, 2026

 18,811 total reads

 18,811 total reads 28th Sunday in Ordinary Time Cycle A Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Is 25: 6-10 Phil 4:12-14.19-20 Mt 22: 1-14 Kasaganaan! Iyan

Read More »

Homily October 4, 2026

 24,316 total reads

 24,316 total reads 27th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43 Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong

Read More »
Scroll to Top