Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isang mundong walang diskriminasyon

SHARE THE TRUTH

 511 total views

Mga Kapanalig, malayo pa ang ating tatahakin upang makamit ang isang mundong walang diskriminasyon. Marami tayong ginagamit na batayan upang husgahan ang ating kapwa, at kabilang dito ang pagkakaiba-iba sa kasarian at sekswal na oryentasyon.

Noong isang linggo, isa na namang insidente ng pamamaril ang naganap sa Amerika, at sinasabing ito ay hate crime o krimeng bunsod ng pagkamuhi sa mga miyembro ng tinatawag na LGBTQ+ (o lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa). Isang lalaki ang namaril sa loob ng isang club kung saan nagtipun-tipon ang mga miyembro ng LGBTQ+ sa Colorado. Naganap ang krimen kasabay ng paggunita ng mga dumarayo sa club sa Transgender Day of Remembrance. Taunan ang paggunitang ito upang alalahanin ang mga pinatay dahil sa hindi tanggap ang kanilang kasarian. Okasyon din ito upang manawagang ihinto na ang mga karumal-dumal na krimeng bumibiktima sa mga LGBTQ+. Sa nasabing pamamaril, lima ang patay at 29 ang sugatan. Malaki ang pasasalamat ng mga naroroon sa club sa dalawang customers na naglakas-loob na pigilan ang namaril. Patuloy namang nagdadalamhati ang mga miyembro ng LGBTQ+ sa Colorado, kasama na ang mga nagmamahal sa kanila at mga naniniwalang walang puwang sa isang sibilisadong lipunan ang karahasan.

Dito sa Pilipinas, makikita ang mababang pagtingin maging ng mga nasa pamahalaan sa mga miyembro ng LGBTQ+. Sa isang pagdinig noong nakaraang linggo, naging tampulan ng pangungutya ang mga miyembro ng LGBTQ+ na dumalo noon upang ipaliwanag kung bakit kailangan ang isinusulong nilang Anti-Discrimination Bill. Nariyang pinuná ng chairperson mismo ng House Committee on Human Rights ang isang transgender na para bang sinasabing hindi angkop ang kanyang itsura sa kanyang kasarian.

Bagamat hindi lahat sa ating mga Katoliko ay sang-ayon sa panukalang batas na isinusulong ng mga kasapi ng LGBTQ+, naniniwala tayong mali ang pambabastos sa kanilang pagkatao gamit ang mga birong wala sa lugar. Ang hindi pagkakasundo sa mga usaping pampatakaran ay hindi dapat nauuwi sa pangungutya at sa personalan. Higit sa lahat, dapat nating kundenahin ang karahasan at krimeng ginagawa sa kanila dahil lamang sa kanilang piniling uri ng pamumuhay, pagkakakilanlan, at mga paninindigan sa buhay.

Bagamat masalimuot at kontrobersyal na usapin ang gender sa ating Simbahan, malinaw sa ating mga katuruang ang bawat tao ay nilikha ng Diyos nang may dignidad. Bawat isa sa atin, anuman ang kasarian, pamamaraan ng pananalita o pananamit, ay nilikhang kawangis ng Diyos. Hindi mababago ng kahit sino o ng anumang institusyon ang katotohanang ito. Bawat tao ay mahal at tanggap ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkilala sa katotohanang lahat tayo ay may dignidad, makakamit natin ang kabutihang panlahat at tunay na maitataguyod ang dignidad bawat tao.

Katulad din ng isinagot ni Pope Francis nang tanungin siya kung ano sa kanyang pananaw ang pinakamahalagang mabatid ng mga kasapi ng LGBTQ+ tungkol sa Diyos, tandaan nating walang itinatakwil na mga anak ang Diyos. Hangad Niyang maging malapít, mahabagin, at mapagkalinga sa lahat. Kaya sa halip na maging instrumento ng panghuhusga, tayong mga mananampalataya ay inaanyayahang iparamdam sa ating kapwa ang walang pinipiling pagmamahal ng Diyos—ang Diyos na nagkatawang-tao ngunit namatay sa krus para sa katubusan nating lahat, ang Diyos na nagwika sa Juan 15:17 na mahalin natin ang isa’t isa.

Paano natin ito naipapakita sa ating kapwa, lalo na sa mga miyembro ng LGBTQ+? Humahakbang ba tayo patungo sa isang mundong kinikilala ang dignidad ng lahat ng tao, sa isang mundong walang diskriminasyon?

Mga Kapanalig, huwag na natin sanang hintayin pang lumaganap sa Pilipinas ang mga hate crimes na bumibiktima sa mga miyembro ng LGBTQ+ sa Amerika bago natin makitang ang diskriminasyong batay sa kasarian ay salungat sa pag-ibig na nais ng Diyos na isabuhay natin.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Culture Of Waste

 6,277 total views

 6,277 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 14,294 total views

 14,294 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 20,754 total views

 20,754 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 26,231 total views

 26,231 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »

Higit sa simpleng selebrasyon

 36,248 total views

 36,248 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Waste

 6,278 total views

 6,278 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trustworthy

 14,295 total views

 14,295 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang krisis sa klima

 20,755 total views

 20,755 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maingat na pananalita

 26,232 total views

 26,232 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa simpleng selebrasyon

 36,249 total views

 36,249 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 40,682 total views

 40,682 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 51,711 total views

 51,711 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 56,484 total views

 56,484 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buksan ang ating puso

 61,951 total views

 61,951 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 67,405 total views

 67,405 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tigilan ang karahasan sa kababaihan

 39,327 total views

 39,327 total views Mga Kapanalig, ngayong Nobyembre 25, ipinagdiriwang ang International Day to Eliminate Violence Against Women. Ginugunita ito sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 10398. Sa araw na ito, maging mas maláy sana tayo sa pamamayagpag ng iba’t ibang porma ng karahasan laban sa kababaihan. Maraming uri ang violence against women. Ilan sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,841 total views

 57,841 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Government Perks

 66,841 total views

 66,841 total views Kapanalig, 34-araw na lamang at ipagdiriwang na naman natin ang Pasko…Ang pasko ay dapat pagdiriwang sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesus… Pero sa mayorya ng mga tao sa mundo, ito ay panahon ng pagbibigayan ng mga regalo. Nawawala na ang tunay na diwa ng pasko, sa makabagong panahon, ito ay nagiging commercial na…hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 68,552 total views

 68,552 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 8,259 total views

 8,259 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top